Chapter 8
"ANG sungit-sungit mo kasi kaya ka nagkasakit." Nakangusong sabi ni Kara habang inilulublob niya iyong bimpo sa plangganang may tubig.Hindi ako nakapasok dahil nagising na lang ako kaninang umaga na hindi ko maibangon ang sarili ko sa kama. Sobrang taas ng lagnat ko samantalang wala naman akong natatandaang nagpaulan ako kahapon. Hindi ako kagaya ng ibang lalaking takot gumamit ng payong. Hindi ako ganon. Pinalaki ako ng Mommy ko na may pagpapahalaga sa kalusugan higit sa kaguwapuhan.
Pero bakit nga ba ako nagkasakit?
I'm taking vitamins. Healthy din ang lifestyle ko dahil kahit naninigarilyo at umiinom ako ay lagi naman akong nag-e-ehersisyo.
Pinilit kong makabangon pero hindi ko pa rin kinaya ang katawan ko. Kanina pa talaga ako nanlalata, inabot na ako ng gabi pero heto at ang lamya-lamya ko.
"Oh?" Tiningnan ko siya. Kanina pa siya sa tabi ko, mula umaga hanggang ngayong gabi ay wala siyang kapaguran sa pagpupunas at pagpapakain sakin.
"Ang cute mo." Sabi niya.
Hindi. Mas cute ka. Kanina ko pa gustong lapain ang nguso ni Kara, kanina pa kasi siya pout nang pout.
Napaisip ako, kagabi sobrang init na init ako na ewan. Ilang beses na akong nag-shower pero nagliliyab pa rin ang katawan ko sa init. Posibleng kagabi pa ako may sakit
o
di naman kaya ang babaeng ito ang dahilan kaya ako nagkasakit?
Kung bakit ko ba naman kasi siya naabutang ganon ang itsura kagabi. She was wearing my T-shirt na halos maging duster na sa kanya. At nagtanong pa talaga ako kung may suot siyang bra kahit kitang-kita na ng mga mata ko na nakabakat ang mabibilog niyang dibdib sa harapan ng kamiseta ko! At iyong thought palang na Kara's wearing my shirt ay parang gusto ng maghurumentado ng buong sistema ko.
At ang inosente niya pa ng sabihin niya saking panty lang ang suot niya sa ilalim niyon! The heck! Wala siyang kaide-ideya na tino-torture niya ako!
Mabuti na lang at may matino na siyang damit ngayon dahil hindi ako pumayag na hindi siya bibili ng gagamitin niya. Tinawagan ko pa talaga ang mapagkakatiwalaang bodyguard ng pinsan kong si Terrence. 'Buti rin at laging maaasahan ang bodyguard niyang si Austin. Pinasamahan ko si Kara kay Austin sa mall para mag-shopping. Ni wala akong pakialam kahit ubusin niya ang laman ng ATMs ko o simutin niya ang limit ng mga credit cards ko na kahit bilihin niya pa ang buong mall basta 'wag niya lang uulitin iyong kagabi.
"'Bat ganyan ka makatingin?" Tanong niya sakin habang pinupunasan niya na naman ako ng bimpo sa leeg.
"Ang pangit mo na pala." Sagot ko. Napangiti ako nang sumimangot si Kara. "Pumapangit ka... 'bat ganon?"
Lalo pa siyang napasimangot, lalo tuloy nag-pout yung mga labi niya na ewan ko kung kulay pink o red. "Eh kung ipalunok ko kaya sa'yo 'tong bimpo?!"
Umiwas ako sa sunod na pagdampi ng bimpo sakin. "Tutulog na ako... balik ka na sa kuwarto mo." Hinila ko ang kumot patakip sa katawan ko hanggang sa aking leeg. I mean it. Gusto ko na talaga siyang lumabas sa kuwarto ko.
Hindi siya kumibo. Nakasimangot pa rin siya habang inilulublob ulit sa planggana iyong bimpo.
"Tama na nga iyan. Matulog ka na sabi, matutulog na rin ako." Akma ulit akong iiwas ng ilalagay niya na sa mukha ko iyong bimpo pero pinanlakihan niya lang ako ng mata.
"Kuya ha!"
"Matutulog na nga ako, lagnat lang naman 'to. Saka bumaba na naman lagnat ko. O.A. ka."
Halos isalpak niya na sa mukha ko iyong bimpo. "Hindi nila-'LANG' ang lagnat." Matigas niyang sabi.
"Psh..." Wala tuloy akong nagawa kundi hayaan na naman siyang punas-punasan ako. Sa totoo lang hindi naman nakakatulong na ginagawa niya ito.
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
Fiksi Umum"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...