Chapter 24

546K 14.6K 3.5K
                                    

Chapter 24

PAG-USAPAN ang totoo naming relasyon? Noon ko pa gusto, noon ko pa gustong linawin ang lahat sa pagitan namin pero siya naman ang may ayaw. At ngayong ako naman ang ayaw munang pag-usapan ang tungkol doon ay saka naman biglang brining-up ni Tyron.

Mabuti at tinawagan siya ng parents niya kaya nawala ang atensyon niya sa usapan. Pinag-ayos niya agad ako dahil kailangan naming pumunta sa kanila. May balak sana akong tumanggi pero mukhang walang balak magpa-reject si Tyron kaya sumunod na lang ako sa gusto niya. Kababati lang namin at ayaw ko na may pag-awayan na naman kami.

"Kara, say hello to my parents." Halos ipagtulakan ako ni Tyron papunta sa magkaparehang nag-uusap sa tapat ng fountain ng malawak nilang garden nang makarating na kami kinagabihan sa kanila.

Tonight was Tyron's parents anniversary. Hindi ko man gustong um-attend ay hindi ko naman mahindian si Tyron. Matagal na nang huling mapapayag niya akong sumama sa bahay nila at ayoko na sana iyong maulit pa pero ngayon ay wala akong nagawa. Naisama niya ulit ako.

Nahihiyang lumapit ako at bumati. As usual, tipid na ngiti lang ang sagot sa akin ng parents ni Tyron na sina Madam Guada at Gov. Ruiz.

Oo, Ang gamit na apelyido ni Tito Rodanto ay hindi Montenegro. He was using his late mother's surname. Ginagamit ng ama niya ang apelyidong Ruiz dahil nag-iingat ito. Kilala kasi ang apelyidong Montenegro sa ibang bagay-sa maruming bagay. Meron pa kasing ibang angkan ang mga Montenegro na mas kilala ng mga tao. Hindi lang basta kilala kundi kinatatakutan din. Iyon ang naiibang angkan ng pinsan ng lolo niya na isang sikat na drug lord, si Don Ybarra Montenegro. Makikilala ang kaibahan nila sa mga ito dahil itim ang kanilang mga mata samantalang kulay asul naman ang mga mata ng angkan ni Ybarra.

Kahit matagal nang putol ang kaugnayan ng pamilya nina Tyron sa mga Montenegrong iyon ay nadadawit pa rin sila minsan dahil sa iisang apelyidong dinadala nila.

Tinapik ng mommy ni Tyron ang braso ko. "Sige, iwan muna namin kayo."

"Sige po." Kiming sagot ko.

Hanggang ngayon ay naiilang ako sa mommy niya. Isa iyon sa mga reasons kaya hindi talaga ako sumasaka kay Tyron kapag nakikipagkita siya rito.

"Mahilig kayo sa pulitika ano?" Ipinatong ko ang mga kamay ko sa makinis na sapin ng lamesa nang maupo na kami.

"Hindi ako. Wala akong balak pumasok sa pulitika."

"Pero inaasahan ka ng daddy mo."

"Maraming paraan para makatulong, hindi kailangang pumasok sa pulitika," aniyana naka-ismid ang bibig.

Magsa-salita pa sana ako nang biglang magsalita ang emcee na nasa malaking stage sa gitna ng garden.

"...let's welcome... the Black Omega Society!"

Umingay ang paligid. Maging ang mga garbosang ginang ay tila kinikilig. Maging ang mga sosyal na mga kabataang kababaihan ay nangingitian habang nakatingin sa umuusok na stage kung saan nakatayo ang apat na matatangkad na lalaki.

Napalingon ako sa balingkinitang mga babaeng dumaan sa harapan ng mesa namin ni Tyron. Ang babaeng naka-backless ay halos mamilipit sa kilig habang isinisigaw nito ang pangalan ng isa sa mga miyembro ng banda. Ganoon sila kasikat na kahit mga class na tao ay gusto sila.

Bakit nga ba hindi? Ang Black Omega ay nabuo sa ibang bansa! Hindi sila lokal na banda sa halip ay international band na tutugtog lang kung kailan nila gusto, may bayad man o wala.

"I didn't know na inimbita sila dito." Boses ni Tyron ang gumising sa naglalakbay kong diwa.

Nginitian ko siya. "It's okay. Ayos nga, nag-e-enjoy ang mga guests niyo." Ang alam ko ay anak daw ng lolo Ybarra ni Tyron si Kyo Montenegro na rhythm guitarist ng banda.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon