Chapter 10

595K 16.8K 3.5K
                                    

Chapter 10

"WHERE have you been? It's Saturday." Tumayo ako mula sa sofa. "Wala ka namang pasok ah." Pasado alas-onse na pero ngayon lang umuwi si kuya Santi.

Kanina pa ako nakatunganga sa flat screen TV niya at nanonood ng kung anu-anong palabas sa cable channel. Ni hindi ko alam kung saan siya pumupunta maliban sa work niya. Naging daily routine niya na talaga ang ganito. Aalis ng tulog pa ako at darating ng tulog na ako. Akala naman niya hindi ko siya inaabangan. Heto nga at kahit antok na antok na ako ay nagpigil akong 'wag makatulog para lang maabutan ang pagdating niya.

"Sa studio ng kaibigan ko. Nagkayayaan kasi." He's not looking at me. His hands inside his white pants' pockets. Nakaputi rin siyang poloshirt kaya kahit dim ang liwanag sa sala ay kitang-kita ko pa rin siya.

Nilapitan ko siya saka hinawakan sa braso. "Sana sinama mo ako. I am your number one fan, remember, kuya?"

Gusto kong magtampo nang pasimple niyang pinalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Tumalikod siya at naglakad patungo sa kusina. Syempre sinundan ko siya kahit pakiramdam ko na umiiwas talaga siya sakin.

Huminto si kuya Santi sa harapan ng ref at saka binuksan iyon. Kumuha siya ng pitsel mula sa loob niyon, inunahan ko na siyang kumuha ng baso. Inabot ko iyon sa kanya pero parang nag-dalawang isip pa siya kung tatanggapin niya ba iyon o hindi. Sa huli ay tinanggap niya na rin ang baso dahil umacting akong nangangalay na.

"Matagal na kitang hindi naririnig na kumanta saka mag-gitara, eh." Kausap ko sa kanya. Magaling kumanta si kuya Santi, palagi niya akong kinakantahan noon pag nalulungkot ako. Tinuruan niya rin akong mag-gitara nong nasa hacienda pa siya, nakilala ko na rin ang ilang kaibigan niya na mahihilig ding tumugtog kagaya niya.

Minsan kasi ay dinalaw siya ng best friend niyang si kuya Cloud sa hacienda kasama ang bago nilang kaibigang si Macoy. Ang gaganda ng boses nila at pulos guwapo ang mga kaibigan ni kuya Santi pero para sa akin ay siya pa rin ang pinaka-guwapo at pinaka-magaling kumanta at mag-gitara.

Tumalikod siya sakin matapos niyang ubusin ang sinalin niyang tubig sa baso. Bumuntot ulit ako hanggang makabalik kami sa sala ng condo.

"Sabi ko naman sa'yo, hindi pagne-negosyo ang bagay sa'yo. Magtayo na kayo ng banda ng mga friends mo, ayos iyon! Sisikat kayo. Mga pogi at mga talented-"

"Magpapahinga na muna ako." Putol niya sa pagsa-salita ko.

Pero hindi ako nagpaawat. Hinila ko ang manggas ng poloshirt niya. "Ah, kuya. Nagluto ako ng spaghetti, kuhanan kita? I'll bring it to your room na lang-"

He shrugged. "I don't want to eat, Kara. Busog ako."

"Midnight snack lang naman at-"

"Kara, please!" Tumaas na ang boses niya ngunit halatang nagpipigil pa rin ng inis sakin.

Wala na akong nagawa kundi bitawan siya at pabayaang talikuran ako. Nakapasok na siya sa loob ng kuwarto niya ay nakatayo pa rin ako dito sa pinag-iwanan niya sakin.


I bit my lower lip para hindi ako maiyak.

May mali talaga.

Nanikip ang dibdib ko at ramdam ko ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. May nagawa ba akong mali? Bakit naging ganito ang pakikitungo niya sakin? Bakit parang hindi na siya ang dating kuya Santi na nakilala ko?

Bumalik ako sa sofa at doon naupo doon. Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal na nakatulala. Nawala iyong antok ko kanina. Parang namanhid ang buong sistema ko at iyong pakiramdam na sumakay ako sa time machine at paglabas ko ay ilang oras na pala ang lumipas.

Alas dos na ng madaling araw ayon sa wall clock.

I sighed. Pumikit ako nang mariin at saka sumandal sa sandalan ng sofa. This is the fourth time. Pang-apat na palang beses na napuyat ako sa paghihintay kay kuya Santi para lang dedmahin niya ako sa huli.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon