Chapter 6
"GUMAGANDA siya, noh?" Mabilis kong itinapon ang stick ng sigarilyo sa lupa at saka inapakan iyon.
"Kuya!" Si Kuya Hunter.
Hindi naman niya siguro nakita ang paninigarilyo ko dahil nakatalikod ako sa gawi niya. Well, malakas pa sakin manigarilyo si kuya Hunter noon. Noong wala pa siyang asawa. Saka isa pala sa batas dito sa Villa ang bawal na paninigarilyo.
"Nandiyan ka pala, ginulat mo naman ako."
Nasa lanai kami ng mansionnina Grandma D at Grandpa D na katapat lang ng mansion namin. Umayos ako ngtayo at saka namulsa.
Si kuya Hunter ang panganay kong kapatid, may asawa na siya at isang anak na lalaki. Dito rin sila ngayon nakatira sa Hacienda, may bahay din sila dito mismo sa Villa na nasa likuran ng mansion nina uncle Hendrick.
"Ano palang sinasabi mo?" Tanong ko.
"Sabi ko si Kara, lumalaking maganda." Sagot niya. Namulsa rin siya saka tumanaw sa malawak na lupain ng Hacienda Montemayor, tanaw kasi iyon mula dito sa lanai. Wala kasing masyadong puno kundi mga halamanan lang na dire-diretso sa hardin hanggang sa mismong patungo sa hacienda.
"Yeah, maganda naman talaga siya." Sagot ko.
Bata palang si Kara ay alam ko ng lalaki siyang maganda. Maliit ang mukha niya at maganda ang mga mata gayoon din ang hugis ng ilong at mga labi. May pagka-bratinella ang mukha nito pero nadadala ng maamo nitong mga mata at kimi nitong pagngiti. Nakakatuwa rin na lumalakas na si Kara ngayon kesa noon. Ang dating payat na bata ay medyo may laman na ngayon at nagkakakulay na rin ang dating maputla nitong balat na unti-unting nababanat sa pagdaan ng panahon.
"Ingatan mo sa Maynila iyan, 'wag mong papaligawan."
Nakangisi akong lumingon kay kuya Hunter. "Over my dead body."
Hunter smirked. "Siguraduhin mo,Santi."
"Of course! Baby ko iyon, eh." I retorted. "Hindi ko yata maaatim na maloko lang siya ng kung sino mang lalaki." Totoo sa loob ko iyon.
Oo inaamin ko namang dati ay parang ginamit ko lang si Kara. Diba nga kinausap ako ni uncle Hendrick na bantayan ko ang kapatid ng asawa niya? Iyong libangin ko si Kara kasi mukhang magaan ang loob nito sakin. Ginawa ko iyon nong una kasi may kapalit; iyong pagbalik sakin ng kotse ko saka pagkatanggal ng pagkaka-grounded ko. Sumunod naman sa usapan si Uncle H kasi kinausap niya sina daddy na hayaan na akong bumalik sa Maynila.
Pero somehow ay nalungkot akong mapalayo na kay Kara. Nasanay na rin kasi ako sa kanya e. Nong mga panahon kasing magkasama kami ay natutuwa talaga ako sa kanya. Kapag nangangabayo kami sa kaparangan ay ang saya-saya ko. Masaya akong marinig ang halakhak niya at matinis na tili. Masaya ako na masaya siya. Sa huli talagang naging parang 'kuya' na talaga ako sa kanya, at siya naman ay naging babysister sakin. Sabik din kasi ako sa kapatid na babae.
"May pumoporma ba raw sa kanya?" Napalingon ulit ako kay kuya Hunter. Isa pa sa ikinababahala ko habang nasa Maynila ako ay ang isiping baka magka-boyfriend ang baby sis ko. Ayoko kaya! Kaya nga nong nalaman kong pumapasok na siya sa school ay nag-alala talaga ako.
"Ayaw aminin eh." Inis kong sagot kay kuya Hunter. "Tingin ko iyong apo ni Gov." Nalasahan ko ang pait sa huling pangungusap ko.
"Sinabi naman niyang hindi, 'di ba?"
"Kay Kara e may tiwala ako, don sa lalaki wala!" Dumura pa ako. Nababanas ako sa Tyron na iyon. Tuwi na lang susundo ako kay Kara palaging pahara-hara ang apong iyon ni Governor. Tsk.
Ang akala ni Kara hindi ko alam na ang Tyron na iyon ang apo ni Gov na tinutukoy ni Camilla kanina. Hah! As if makakapagtago siya sa akin.
"Kaya payag ka ng tumira sa condo mo si Kara?"
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
General Fiction"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...