Chapter 32

530K 13.7K 1.5K
                                    

Chapter 32

IT'S been seven days since I told Santi about what happened in the past. Yes, I already told him about our baby. Our little angel na hindi sinuwerteng masilayan ang mundo.

Yes it's all part of the past. Hindi ko naman dapat sasabihin sa kanya iyon pero itinulak ako ng pagkakataon, at alam kong iyon ang tamang oras para malaman niya ang bagay na iyon.

Yes, I still love him. I still do. At kung mahal niya pa talaga ako ay walang rason para hindi ko siya bigyan ng pangalawang pagkakataon, iyon ay kung wala akong malalim na pinaghuhugutan. Hindi ako nagpapakipot o ano pa man. Sa kasawiang palad ay malalim ang pinagmumulan ng pagtanggi kong bumalik kay Santi, at nakaluwag sa akin na nasabi ko na iyon sa kanya. Pero walang nagbago, ayaw ko pa ring bumalik sa kanya.

I still mending myself. Fixing every broken pieces. Pakiramdam ko nanariwa lahat ng araw na iyon. Naalala ko ulit iyong sakit ng iwanan niya ako.

Masyado ba akong mababaw kung nasasaktan pa rin ako tuwing naiisip ko na ang lalaking iyon ang dahilan kaya nawala ang anak namin? Na mag-isa akong naghirap ng umalis siya ng walang paalam sa akin? Na kahit anong paliwanang niya ngayon ay hindi ko kayang tanggapin dahil hindi mapawi ng paghingi niya ng sorry ang sakit ng ilang taon na di ako pinatahimik sa kakaisip kung saan ako nagkamali?

Kung madaling lumimot at magpatawad dahil mahal ko siya, kung sa tingin ng iba ay madali iyon sa akin ay hindi. Ako ang naagrabyado, kahit pa sabihing naghirap din siya. Ano bang paghihirap ang dinanas niya maliban sa kung tunay mang nami-miss niya ako? That was a lame reason. Kung nami-miss niya ako ay bakit hindi niya ako tinawagan? Magkano lang ang long distance call kumpara sa limpak-limpak na perang ipinalit niya sa akin. Para sa manang ikinatakot niyang mawala sa kanya kapag hindi niya ako iniwanan noon.


Past is past. Kung nasaan man ang baby ko, alam kong masaya na siya sa piling ng Panginoon, iyon na lang ang iniisip ko kapag may mga panahong tinatamaan ako ng lungkot kagaya ngayon.

I looked at my watch, it's 10:30 in the morning. Narito na ako sa opisina ngayon para magfile ng five days leave. Gusto ko munang makita si ate Camilla bago ako magbakasyon kaya mamaya ay dadaan ako sa Dalisay para dalawin siya sa hacienda.

Mula ng dumating si Santi ay nagkagulo-gulo ang maayos ko ng mundo. Pero nitong mga nakaraang araw ay hindi na siya naglala-lapit sa akin. Ginulo niya ako, at ngayon nagulo na rin siya sa kaalaman tungkol sa baby namin. Siguro nakonsensiya ang gago kaya di makalapit sa akin. Hanggang tanaw lang siya ngayon, ni di ako magawang tawagin.

Matapos magfile ng leave ay sumabay ako kay Vannie papunta sa katapat na resto ng opisina namin. Kakain muna ako bago ako bumyahe kaya umoo na ako sa katrabaho ko ng magyaya siyang kumain muna kami. Isa si Vannie sa mga babaeng katrabaho ko na kahit paano ay naging kaibigan ko na rin.

"Kanina pa iyon si fafa sa labas." Bigla niyang sabi habang kinakain na namin ang orders namin.

Hindi ako kumibo. Araw-araw ganyan, palaging nasa malayo at nakatingin lang. Hindi ako nilalapitan pero hindi ako hinihiwalayan kahit saan ako magpunta.

Panay lingon siya sa glass window ng resto. "Naku, ikaw ha? May inililihim ka. Sino ba kasi iyong poging iyon."

"'Wag mo na lang pansinin." Patay-malisyang tinapunan ko ng tingin ang lalaking nakasandal sa itim nitong kotse. Nakaharap iyon sa gawi namin at hindi kumukurap na nakatitig sa gawi namin ni Vannie.

"Kanina pa siya, eh." Nakalabing saad ni Vannie. "Saka parang ang sad niya? Binasted mo ba iyan? Alam ba niyang may boyfriend ka na?"

Di ko na siya sinagot pa. Binilisan ko ang pagkain at saka na ako tumayo.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon