EPILOGUE
IKATATLONG buwan. Wala mang label ang kung anong relasyon ang meron kami ni Santi ngayon ay ayos lang. Kontento na kami na palaging magkasama at nasa akin pa rin ang singsing na ibinigay niya.
Ipinakilala niya rin ako ng huling party ng fraternity nila biglang special girl sa buhay niya. Pero wala pa rin kaming usapan kung saan tutungo ang aming relasyon. Basta masaya na kami sa kung ano mang meron kami.
Lumipat na rin ako sa condo ni kuya Cloud na tuluyan na nitong ibinenta kay Santi. Maayos ang takbo ng lahat. Tuwing weekends ay nagpi-picnik kami sa sementeryo habang dinadalaw ang baby namin.
Lahat ng nangyayari ay parang panaginip lang. Hindi ko akalaing may posibilidad na kahit sa ganoong paraan lang ay nabubuo ang pamilya namin.
"I was destroyed the day you told me about our unborn child..."
"Santi..." Napalingon ako sa kanya. Nasa sasakyan na kami ngayon at pabalik ng Dalisay. Ngayon na lang ulit niya inungkat iyon.
"I'm sorry..." aniya saka matipid na ngumiti.
"Kung nasaan man si Sandy, masaya na siya kasi nakilala na siya ng daddy niya." Alo ko sa kanya.
"Sinasabi mo ba sa akin iyan dahil-"
"Dahil mas gusto kong isiping ganoon nga. Parehas tayong may kasalanan." Umusod ako at hinila siya sa kamay. "Let's just move on. Tao lang tayo, tama si kuya Hunter, parehas pa tayong bata noon. Higit ako, I am not saying na di ko mapapangatawanang maging mabuting ina dahil bata pa ako noon. Pero iniisip ko na lang, hindi talaga siguro para sa akin ang magka-baby. Iyong nangyari, lesson na rin iyon. Sa dami ng pinagdaanan natin, unti-unti ko na ring tinanggap sa sarili ko na wala na ang anak natin although masakit pa rin. "
"Kara..."
"You know what? Ang pinaka-nakatulong sa akin para mabawasan ang sakit, at tuluyan akong makapag-move on ay ang closure."
"Closure?" Napaamang siya sa akin.
"Closure ng nakaraan." I smiled at him at pinisil ang kamay niya.
"At ang ngayon?"
"Depende na iyon kung paano natin paplanuhin ang future ngayong nasa tamang edad na tayo. At ako na mas matured na kesa noon."
"Hmn..." Tumango-tango siya.
Hindi niya muna ini-start ang makina bagkus ay niyakap niya ako at hinagkan sa ulo.
Napapikit ako at ginanti ang mainit niyang yakap sa katawan ko. He smells good. He smells like home.
Sa tingin ko, sapat na ang ilang araw para tuluyan kaming maghilom. Tumingala ako sa kanya. "The question now is, handa ka na bang pangatawanan ako, Santi Montemayor?" Nakangising tanong ko.
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
General Fiction"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...