Chapter 29

566K 14K 1.7K
                                    

Chapter 29

"WALA ng ibang babae akong hinayaang makapasok sa buhay ko para mahalin ko."

"Kyla. What about her?" I asked. I perfectly remembered everything that happened in the past. Hindi ko man gusto pero sariwa pa rin pala sa alaala ko. Sumama siya noon kay Kyla nang iwanan niya ako. He can't get away with what he did to me. He left me without an acceptable reason. He left me like a piece of trash and now he's saying to me that I am the only girl she loved? That's absurd.

Santi blinked. "Kyla is just-"

"Why are you saying all of these? What are you up to, really? Hindi na ako kasing gullible ng Karang iniwanan mo noon, Montemayor."

Natapos ang usapan namin nang ipikit ko nang mariin ang aking mga mata. Ayaw kong makita ang ano mang paghihirap na nakabadha sa mukha niya. Hindi ako dapat makaramdam ng panghihinayang o ano pa man.

And I am alarmed by the thinking that I am losing again. No I can't be. It can't be. I won't allow him to hurt me again. Isa lang ang dapat maramdaman ko sa kanya- plain hatred. Iyon lang.



NAPAPIKSI ako nang biglang sumulpot si Santi sa harapan ko. May hawak siyang limang pirasong bulaklak na obviously ay pinitas niya mula sa garden.

"Para sa pinakamagandang babaeng nabubuhay sa mundong ibabaw."

Inirapan ko siya saka tinalikuran.

"Huy! Grabe ka sakin." Kukulitin niya ako alam ko. Hindi siya nagsasawang gawin ito sa araw-araw na inilalagi namin sa cabin. Ganito siya palagi.

"Puwede ba!" Ipinagpag ko sa mukha niya ang basahang pinampunas ko kanina sa mesa. Dahil wala naman akong magawa maghapon kaya naisipan kong maglinis-linis dito sa cabin. Maigi na rin na maiinat ko ang katawan ko kesa naman rayumahin ako kung maghapon lang akong tutunganga sa TV.

"Wow! Busy doing her wifely duties."

"What?" Inis ko siyang nilingon.

Itinaas niya ang mga kamay ganon na rin ang kamay na may hawak na mga bulaklak. "Nothing. Pero ang mas maganda ka pala kapag ganyang naka-apron ka." Sabi niya habang iginagala ang paningin sa kabuuhan ko.

"So kailangan ko na bang ipauso ang bagong fashion na ito? Ang apron?"

"Sa'yo lang bagay eh."

"Buwiset ka talaga."

"Eh, bakit ka nga kasi sinisipag na maglinis, ha? Ayaw kong napapagod ka."

"Kesa naman tubuan ako ng ugat at manghina sa kakaupo at kakahiga. Exercise na rin ito para kapag nakahanap ako ng pagkakataon ay maliksi pa rin ako para matakasan ka." Sabi ko saka ko siyang nilampasan.

"Exercise lang pala eh, sana nagsabi ka na lang sakin." Nangilabot ang mga balahibo ko sa batok nang tumama ron ang magaang hininga ni Santi. Nag-init ang balat ko na di natatakpan ng aking buhok dahil sa aking pagkaka-ponytail. "Puwede tayong mag-exercise nang sabay." Sabi pa niya na nakasunod sa likuran ko.

Gigil akong umiwas nang akmang la-landing ang mga labi niya sa aking pisngi. "If you have nothing good to say or do, please, just leave me alone. Don't ruin my day, Santi Montemayor."

Nag thumbs up at sisipol-sipol siyang tumungo sa bilong na mesang nasa gitna ng sala. "Okay, dito na lang ito." Matapos alisin ang fake flowers na nasa vase ay ipinalit nito ang mga bulaklak na galing sa hardin.

Iiling-iling na lang ako habang tinitingnan si Santi na ngayon ay sinasalinan na ng tubig ang vase mula sa pitsel na tinakbo niya sa kusina.

Nakangisi siya nang mag-angat ng paningin sakin. Tila siyang-siya sa ginawa na akala mo naman ay napakalaking bagay. Proud pa siyang nagpagpag ng kamay. "Mas okay ang mga tunay na halaman at bulaklak sa loob ng bahay. Nakakaakit ng good energy, swerte sa pamumuhay."

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon