Chapter 28

505K 13.7K 1.6K
                                    

Chapter 28

HINDI KO SIYA KAYANG TIISIN?

Inis akong naupo sa kama. Maya-maya ay pumupuwesto na si Santi sa aking likuran. "Tama ako, 'di ba?"

"Stop it!" Saway ko sa kanya nang magsimula na siyang halikan ang batok ko dahil sa nakahawi kong buhok.

"Tinuloy mo ba ang niluluto ko, baby?"

"Alangang hindi? Sayang ang pagkain." Lumayo ako sa kanya. "Kumain ka na, baka mamaya ako pa ang masisi kapag nagkasakit ka."

"Tara?" Inilahad niya ang palad sa akin.

Para hindi na humaba ang usapan ay tumayo na rin ako at sumama sa kanya sa kusina.

Masigla siya at sumisipol-sipol pa habang hinahanda ang kakainin niya. Tuwing titingin siya sa akin ay napakatamis ng kanyang pagkakangiti.

Pinanood ko ang maganang pagkain ni Santi. Ginutom ang gago.

"Ang sarap mong magluto." Para siyang batan sa mga TV commercial na O.A. na sarap na sarap sa kinakain. "Hmn! Yummy! Delicioso!"

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya sa buong sandali.

"I'm full." He stood up when he finished his food on his plate.

Nakasunod ang tingin ko sa kanya mula sa paghuhugas niya ng mga kinainan niya at saka sa pagtu-toothbrush niya.

Tumayo na rin ako nang makita okay na siya. Babalik na saka ako ng kuwarto nang bigla niya akong hiklatin sa bewang.

"Santi."

"Amoy baby..."

"I'm sleepy already."

"Tulog na tayo?" Namumungay ang mga matang inilapit niya ang mukha sa akin. Naamoy ko pa ang toothpaste na ginamit niya.

Binaklas ko ang mga braso niyang nakapulupot sa akin. "Matutulog na talaga tayo."

"How about serving me my desserts?" Pilyong bulong ni Santi habang bumababa ang kanyang labi sa gilid ng mukha ko.

"You're full already, 'di ba?" Pakikisakay ko sa kanya kahit alam kong ibang desserts ang tinutukoy niya.

Hindi maalis-alis ang pagkakayakap niya sa akin kahit anong tulak ko. Sa asar ko'y tinapakan ko ang kanyang paa sanhi para magtata-talon siya sa sakit.

"Ouch! You're being rude, baby." Nakangiwi siya habang nakatingin sa akin.

"I'm not rude."

"Ayan, parang nawala rin tuloy iyong kinain ko." Reklamo niya habang halos mapaupo siya sa sahig dahil sa nasaktan niyang paa.

Gusto kong matawa sa itsura niya. Isang malaking lalaki na halos mamilipit dahil lang sa tinapakan ko ang kanyang paa? Sabagay, mukhang matigas ang alpombrang tsinelas na pambahay na gamit ko.

Mabuti nga.

"Matutulog na ako." Tinalikuran ko na siya at saka ako bumalik sa kuwarto.

I was lying on the bed when Santi entered the room.

"Kara..."

"Matulog ka na." Hindi ko siya nililingon. Nakabaluktot lang ako habang nakayakap sa malaking unan sa harapan ko.

Lumundo ang kama kaya alam kong nahiga na siya sa tabi ko. Nahinto ang pagdantay niya sa akin nang tumunog ang cellphone niya.

"Sht."

Ring nang ring ang cellphone niya ngunit mukhang wala siyang balak na sagutin ito. Naririnig ako ang pag 'tsk niya mula sa likuran ko.

"Answer it." Utos ko sa kanya nang marindi na ako sa kung sino man ang makulit niyang caller.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon