Chapter 5
"DAMN Kyla!" Nakatalikod siya sakin kaya di niya napansin ang pagdating ko. Kaya pala dire-diretso si kuya Santi kasi may tumatawag sa kanya.Nakapagpalit na ako ng damit kasi naka-uniform pa ako kanina. Siguro matagal-tagal na siya sa pakikipagtawagan, mukha kasing mainit na ang pakikipag-usap niya kay ate Kyla.
"Kyla, please!" Gigil na sambit niya, galit yata? L.Q.?
Saglit na nanahimik si Kuya Santi, mukhang ang kausap niya ang nagsasalita ngayon. Based sa pagbaba-taas ng balikat ni Kuya Santi ay badtrip na badtrip na talaga siya.
Ano kayang problema? Kaya ba siya umuwi dito sa Hacienda Montemayor ay dahil war sila ng new girlfriend niya?
Akala ko pa naman ay dahil miss niya na ako kaya siya umuwi ngayon, hindi pala. May pinagtataguan lang pala sa Maynila kaya biglang napauwi.
"Break?" Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi ni kuya Santi. Oh no...
Mukhang malala ang away ng mga ito ngayon?
"Are you sure about that? Kasi kung makikipag-break ka sakin ngayon, katapusan na talaga. You know me, hindi kita hahabulin!" Maangas na sabi niya.
"Pst!" Papansin ko. Hindi ko na matiis, gusto ko ng kurutin ang pisngi ng lalaking ito. Masyadong harsh, kainis.
Minsan naaawa na rin ako sa mga nagiging girlfriendsniya dahil parang balewala sa kanya ang mga ito. Mabilis niya kasingnapapalitan right after. Ni hindi yata alam ng lalaking ito ang three-monthrule.
"Kara!" Gulat na lumingon si kuya Santi. "Kanina ka pa riyan?" Alam kong ayaw niyang nakikita ko ang side niyang ganito, iyong may pagka-bayolente sa mga babaeng nagiging girlfriend niya. Siguro ayaw niya akong ma-trauma, pero sorry na lang siya kasi lang akong tyempo sa mga ganitong tagpo.
"Ang sama mo..." Pabulong kong sabi, mahirap na at baka marinig ni Kyla mula sa CP na hawak-hawak niya.
Si Kyla pala ang pumalitkay Holly, Maxie, Erich at kung sino-sino pa. Actually marami na.
Pero si Kyla? So far ay ito ang pinaka-tumagal sa kanya. Kagaya ni Holly ay tagarito lang din si Kyla. Anak ng may ari ng hospital sa kapitolyo, may sarili ring rancho at sa Maynila rin nag-aaral.
"Bye, Kyla." Pinatay niya ang cellphone saka nakakunot ang noo akong hinarap. "Nakinig ka sa usapan namin?"
"Hindi, ah. Aksidente lang." Bumungisngis ako. "Sorry na." Tapos itinaas ko ang kamay ko for peace sign. "Sorry na, kuya."
"Tsk." Lumakad siya papalapit sakin.
Ang isang kamay ay nakapasok sa bulsa sa hapit niyang pantalon. T-shirt at pantalon na lang ang suot niya at nakasampay sa balikat ang hinubad biyang jacket. Magulo ang buhok at medyo basa ng pawis ang ibabaw ng T-shirt niya, parang pagod na pagod. Sabagay, ang haba ng binyahe niya, pero kahit ganon ay guwapo pa rin si kuya Santi. Mas lalo nga yatang gumu-guwapo ang lalaking ito kapag ganitong parang wasted, eh.
"Nag-away kayo ni ate Kyla?" Tanong ko habang humahagod pa rin ang tingin ko sa kabuuhan niya, ang sexy niya talaga. Siguro kung hindi ko siya kuya, kung hindi kami magkakilala at magka-edad lang kaming dalawa ay baka main-love din ako sa kanya.
Pero ayokong matulad kina Holly, Maxie, Erich at Kyla. At sa iba pa. Mukhang hindi naman kasi pang-seryosong relasyon ang isang ito, masyadong mapaglaro. Kawawa naman ang mga babaeng napapalapit sa kanya. Saka bata pa ako para ma-in love.
Saka okay na ako na si AteKyla ang girlfriend ni Kuya Santi. So far kasi, si Ate Kyla pa lang angnakikita kong talagang nababagay sa kanya.
Hindi ko close si ate Kyla, pero alam kong sa mga naging ka-relasyon ng mokong na ito ay iyon ang pinaka-matino. Hindi iyon maarte, saka talagang devoted at faithful girlfriend kaya naman hindi rin ito maiwanan ni kuya Santi. Nakakapanghinayang lang at hindi ko ito naging ka-close. Noong una naman ay mabait si ate Kyla sakin, pero nong lumalaki na ako at malaman niyang hindi talaga kami magkamag-anak ni kuya Santi ay tumabang na ang pakikitungo niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Someone Forbidden
General Fiction"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang lalaki, pero higit pa roon ang nangyari. Kara fell for him. And why not? Nakay Santi ang lahat ng pwed...