Baliw 6

89 2 0
                                    

Baliw 6: What a day!

Savannah's POV

Ngayon na ang araw! Ngayon na ang araw na makakausap ko uli si Zen ko! Excited na ako! Nagmamadali na ako ngayon para maka alis agad sa bahay.

"Ma alis na po ako."

"sige anak. Mag ingat ka"

Lumabas na ako sa bahay at pumara agad nang jeep. 20 mins bago ako makarating sa school namin. Haaay.

*beep*

Kinuha ko ang phone ko mula sa bag ko. Tumatawag si Sabrina. Sasagutin ko sana ang tawag niya nang biglang ....

"WALANG GAGALAW! HOLD UP TO!" At napahinto nang bigla ang jeep kaya nasamid ako sa kinauupuan ko

Toink! Anooooo??? Hold up???? Niloloko ba kami nito? Eh ang aga aga hold up agad? bwiset ah! Kapag minamalas ka nga naman.

"Miss, wag OA. Sinabihan lang tayo nitong holdaper na to na wag gumalaw eh hindi ka talaga gumalaw. Nakanganga kapa at nakahawak sa phone mo. Para kang baliw. Tigil-tigilan din." sita nito ni kuya na katabi ko.

Oo nga no? haha OA ko. Pero wala akong oras para nito! Ang problema ay nahold up kami!

"Ibigay niyo saamin ang mga gamit niyo kung ayaw niyong masaktan"

Nakooo! parang itong si manong holdaper ang makaka lintik saakin eh!

"Hoy ikaw! akin na ang bag mo!"

Aba aba? inuutusan ako neto? Pero masunurin akong bata at ipinanganak nang mga magulang ko na maging mabait at masunurin, ibinigay ko naman ang bag ko.

"Eh akin na rin ang cellphone mo!"

Manong holdaper, hindi mo naman ako kelangan sigawan. Hindi po ako bingi. Anubayan.

"Eh sabi niyo lang po saakin kanina, bag ang ibibigay ko sainyo ngayon. Tapos kayo pa ang magagalit kasi hindi ko binigay cellphone ko?"

"Aba at sumasagot ka pa ha! Akin na iyang cellphone mo kung ayaw mong masaktan!"

Hindi nila pwedeng kunin ang phone ko! Mahalaga to saakin at kailangan na kailangan ko ito para makatext si Zen kooo!

"Teka lang po manong holdaper. Saglit lang. May itetext muna ako saka ko ibibigay saiyo ito"

"Hindi ako nakikipag laro sayo dito!" At itinutok niya ang baril niya saakin. Lord! Wag niyo po muna akong kunin!

Pilit niyang inaagaw saakin ang cellphone ko. At habang nakikipag agawan ako nasamid ang mukha niya sa katabi kong pasahero kasi umandar ang jeep bigla.

"Hoy! sabi kong walang gagalaw! Bantayan mo ang drayber nang jeep bilis!" sita niya kay manong driver at inutusan niya ang isa pa niyang kasamahan.

"Teka lang ho. please may itetext lang ako saglit lang at saka ibibigay ko na saiyo ang phone ko." pagmamakaawa ko.

"Sige! Bilisan mo!"

Aba at uto uto rin itong si Manong holdaper hahaha. Nag text ako sa isang kakilala kong pulis para matulungan niya kami dito. At nang matapos na ako, ibinigay ko na ang phone ko sa kay manong holdaper. Hindi rin naman din sila makaka takas dahil saktong papunta na rito ang mga pulis at makukuha ko parin naman ang gamit ko.

"Madali lang naman po akong kausap." at saka nag smile pa ako sakanya.

"Tss!" bumaba na sila pero nang hindi pa sila nakatakas, dumating na ang mga pulis at nahuli sila. Hahahaha! Ang henyo ko talaga!

Nakuha ko naman ang mga gamit ko at saktong sakto, tu,awag ulit si Sab.

"Hello Sab!"

"Nasaan kana girl? Kanina pa ako tawag ng tawag hindi mo naman sinasagot nabwi-bwiset na ako dito!" Blahblahblah armalite mode nanaman si ateng -,-

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon