Baliw 18: She's Angel but not an Angel
Savannah's POV:
I woke up with the usual Sunday at naligo na ako tsaka nagbihis. Magsisimba ako ngayon. Ang bait ko noh?
Bumaba na ako sa hagdan at tumungo na sa pintuan. Pumunta ako sa mga jeep at sumakay agad. After 15 minutes, nakarating na ako sa simbahan. Umupo ako sa second to the last row. Sa unahan naman talaga ako dapat uupo pero wala ng bakante.
Gusto ko kasi sa front row dahil sabi nga nila, kapag nasa front or second row ka, maging mas malapit ka sa Diyos.
Nagumpisa ang misa na wala akong kasama. Hindi naman kasi ako sinasamahan nina mama at papa sa pagsisimba. Ewan ko nga sakanila at mas sinasamahan nila si Angel sa pagsisimba. Mukha ngang siya ang anak nina mama at papa kesa saakin.
Minsan lang ako nasamahan nina mama sa pagsimba, noong grade 3 palang ako para mag first communion tsaka minsan kapag birthday ko at may isang araw na nag simba kami.
Natapos na ang misa at naghihintay na ako ng jeep sa labas. Pupunta na lang ako ng mall para makapag pasyal naman ako.
Sumakay na ako sa jeep papunta sa pinakamalapit na mall. Pagkarating ko ng mall, naglibot libot lang ako at kumain.
Sumagi sa isip ko si Zen kaya bago ako lumabas ng mall, pumasok muna ako sa grocery at pumunta sa chocolate section. Kumuha ako ng chocolates, syempre para kang Zen ko.
Kumuha na rin lang ako ng chocolates para sa sarili ko. Pumila na ako sa cashier at nagbayad. Pagkatapos ko sa grocery, pumasok naman ako sa isang flower shop dito sa second floor ng mall.
Pumili muna ako ng mga bulaklak at ang pinili ko ay ang Carnations . Isang bouquet ng carnations ang binili ko para rin kay Zen. Ang ganda ganda kasi ng kulay at ang bango bango pero parang ang familiar ng odor nitong bulaklak na ito.
Nanliligaw parin kasi ako sa kanya, hindi parin niya ako sinasagot. So araw araw na akong nanliligaw sakanya para sagutin na niya ako.
"Ah mam, bibilhin niyo ba para sa namatay niyong kakilala?" tanong ni ate sa cashier at bigla namang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya pero kinalma ko lang ang sarili ko.
"Ah hindi po. May iaaalay lang po ako ng mga bulaklak na ito" sabi ko kay ate at nag fake smile. Mukhang nag alangan naman ang babae na tumango at ngumiti ng matipid.
Nagbayad na ako at agad akong lumabas sa flower shop. Ano sa tingin ni ate? na patay na si Zen? Naku kung hindi ko lang pinakalma ang sarili ko baka naisampal ko na ni ate sa cashier ang Carnations na bulaklak sa mukha niya.
Lumabas na ako sa mall at naghintay ng jeep. 7:50pm na ako natapos dito sa mall. Napatagal yata ako sa paggala dito.
Habang naghihintay ako ng jeep, kinuha ko muna ang wallet ko para macheck kung ilan na ang naiwan sa pera ko.
"Waaaaaaaah!" sigaw ko habang hawak hawak ang pera ko. Paano ako uuwi kung 5 pesos na lang ang naiwan sa pera ko? Hindi kakasya ito sa pamasahe ng jeep dahil 8 ang pamasahe ng jeep tsaka double ride pa naman ako.
Nakasimangot ako ngayon habang hawak hawak ang limang piso.Ibinalik ko na ito sa wallet ko at isasara ko na sana ng may humablot sa wallet ko at mabilis siyang tumakbo!
"Hoy kuya! Wala ka ng mapapala diyan! Limang piso na lang ang nasa loob niyan! Lugi ka!" sigaw ko kay kuyang magnanakaw pero hindi parin siya humihinto sa pagtakbo habang hawak hawak ang wallet ko.
Hindi niya yata ako narinig. Nakabusangot akong naglalakad. Maglalakad na lang ako pauwi, ano pa nga ba ang magagawa ko eh wala naman akong pera.
Nung nagpasabog ng kamalasan ang Diyos, nasalo ko ba lahat? Ang malas malas ko kasi sa lahat ng bagay! Baka may balat ako sa pwet kaya ang malas malas ko.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Baliw
Teen FictionThis story is your typical high school love story but revelations will shock you, villain will attack you and especially love will be upon you.