Baliw 3: Complicated Family
Zen's POV:
Nagising ako ng tumunog ang cellphone ko. Arghhh!! Napahawak ako sa ulo ko. Bat ba ang sakit ng ulo ko?? Wala akong matandaan.
Tiningnan ko kung sino ang nag text sa akin. ShIt! 204 missed calls and 306 text. Sino ba ang mga to?? Inopen ko muna ang mga missed calls. At tumambad sa screen ko ang 100 missed calls kay Richard at 104 missed calls naman kay Savannah. 54 text kay Max at 95 kay Richard at ang reamining text ay kay Savannah.
Binuksan ko ang last message. Galing kay Max.
From: Max
Bro! Asan ka na ba!! Late kana!!! Tingnan mo nga ang oras!! Kanina ka pa namin hinihintay dito!
Tiningnan ko ang time sa phone ko. At 10:59 am na!!! Late nako sa dalawang subject at mag lulunch na sila! Tiningnan ko ang ibang text. Inopen ko yung pang ikalawang text galing kay Savannah.
From: Savannah
Zen my labs!! Ok ka lang ba?? Nangdito parin ako sa gate. Hinihintay ka. Dadating ka pa ba?? Late na tayo eh. Sana dumating ka. :) Love you Zen my labs!!
Ano?? Naghihintay siya saakin sa gate ng school?? Nababaliw na ba siya?? eh late na nga siya. Ako parin ang iniisip niya. Nag basa lang ako sa mga text messages. Argghh! Ang sakit talaga ng ulo ko. Ngayon naalala ko na. Nalasing ako kagabi sa RestoBar at sa pag kakaalam ko si Richard ang nag hatid sa akin kagabi. I hate hangovers!
Mabilis akong naligo at nag bihis. Bumaba na agad ako at hindi ko na pinasalita pa si mommy. Hindi na rin ako nag breakfast. Kailangan ko ng pumunta sa school. Ayokong umabsent!
Mabilis akong nag drive patungong school. Ayokong ma late noh! Kasali kaya ako sa mga top students dito sa academy. Ayokong masira image ko dahil late ako at ngayon pa ko na late! AS IN FIRST TIME IN MY LIFE!
Ok OA ko na. At ang gay na pero, ayaw ko lang talagang ma late eh. Pagka dating ko sa school, agad kong pinark ang sasakyan at nag madaling nag lakad patungong gate ng school. Papasok na ko sa gate ng may nakita akong familiar na babae na nakatayo sa gilid ng gate.
At hinintay niya talaga ako? ITS UNBELIEVABLE!! na late pa siya ng dahil saakin. Lumapit naman agad ako sa kanya. Nung nakita niya ako, agad rin siyang lumapit saakin at naka pout pa siya. Hahaha. Cute.
"Bat ngayon ka lang dumating?? Kanina pa ako nag hihintay sayo. Nag alala na ko sayo. Akala ko kung may nangyari na sayong masama. Tinatawagan kita at tinetext pero hindi ka naman sumasagot." Bungad niya agad saakin. Pero mukhang nag alala nga siya saakin. Nag pout pa siya. Tigil tigilan mo nga iyang pag pout mo!! Akala mo siguro cute ka! "kani-kanina lang ang sabi mo cute siya? eh ngayon parang binabawi mo? Ang gulo mo Zen" sabi nang isipan ko eh pake mo ba?
"Eh sino bang nag sabi sayo na hintayin mo ko dito?" tanong ko naman sa kanya.
"Eh gusto ko lang hintayin ka para sabay tayong pumasok kahit hindi tayo kaparehas ng room." sabi niya. At oo nga pala. HIndi kami mag ka parehas ng room. Palagi lang siyang tumitingin sa bintana kasi katapat lang ang room namin at room nila. At malapit siya sa bintana umupo kaya madali lang niya akong makikita. Galing noh?? May stalker pa pala talaga ako. At take note. MAS marami pa siyang alam kesa sa ibang fan girls ko.
Tiningnan ko yung hawak niya. At chocolates at bulaklak na naman ang ibibigay niya. Hindi ba nauubos ang pera niya ng dahil lang dyan?? At hindi ba niya naiisip na puno na ang ref namin ng chocolates at baka magkaroon pa kami ng diabetes?? At hindi ba rin niya alam na nag mumukhang flower shop na ang bahay namin dahil sa rami ng bulaklak?? Dinaig pa niya ang boyfriend kung makabigay ng chocolates at roses araw araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/25738566-288-k488114.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Baliw
Teen FictionThis story is your typical high school love story but revelations will shock you, villain will attack you and especially love will be upon you.