Baliw 16: Violin and Bracelet
Savannah's POV
Hinatid ako nina Steph at Sab sa bahay. Agad naman akong sinalubong ni mama at papa na mukhang nag-aalala.
"Nak! Nabalitaan ko kung anong nangyari sayo! Okay ka lang ba?" daldal nung mama ko at niyakap niya ako. Niyakap ko naman siya pabalik.
Nakakapanibago naman, hindi kasi siya palaging nag-aalala saakin, nag-aalala lang sila ni papa saakin kung may nangyari saakin. Angel kasi sila ng Angel.
Kumalas sa yakap ko si mama at sinusuri niya ang mukha kong may mga kalmot.
"Okay naman po. Pero binalita po ba sa news ang nangyari saakin kaya nabalitaan niyo?" takang tanong ko kay mama. Sabi niya kasi eh nabalitaan raw nila so na broadcast sa news ang nangyari saakin kung ganon?
Bigla naman akong binatukan ng mama ko. Hinimas ko ang parteng binatulan niya.
"Sa mga kaibigan mo nalaman ko! Ano ka ba!" sigaw ng mama ko saakin. Aray naman
"Eh ang sabi mo nabalitaan mo?" napasapo ng noo si mama at hinawakan siya sa balikat ni papa. Nakita ko naman sina Sab at Steph na kanina pa tawa ng tawa.
"Ano bang tinatawa tawa niyo dyan? Umuwi na nga kayo" pagtataboy ko sakanila.
"Grabe naman, dito na muna kami matulog okay? Saturday naman bukas kaya okay lang atsaka, okay naman kina Tito Andrew at Tita Lei diba po?" at hinarap ni Steph sina mama at papa. Tumango lang sila at binigyan nila ng matipid na ngiti sina Steph
"Hindi ko na alam kung anong gagawin sa anak natin" narinig kong sabi ni mama na mas ikinatawa nila Steph at Sab.
"Wag ka nang mag-alala Tita, okay lang siya. May pagka baliw nga lang" natatawang sabi ni Sab.Grabe naman, ouch x
"Kain muna tayo ng dinner" yaya ng mama ko, agad naman kaming pumunta sa dinning room at nadatnan ko si Angel doon na kumukuha ng mga pinggan.
Nagkwekwentuhan sina Steph at Sab kina mama at papa para mapagaan ang pagkain namin ng dinner. Habang tahimik lang kami ni Angel na kumakain at nakikinig sakanila.
Nagligpit na ako ng mga pinggan pagkatapos naming kumain tsaka tinulungan ako nina Steph at Sab na mag hugas.
"Ang weird nung cousin mo" bulong ni Steph, sumang-ayon naman si Sab sa sinabi niya
"Wag niyo ng pansinsin, ewan ko nga dyan" sabi ko sakanila at pinagpatuloy ang paghuhugas.
Naka-sleepover naman sina Steph at Sab dito sa bahay namin, okay lang naman sakanila na magtabi tabi kami. Kasya naman kaming tatlo sa higaan ko.
Pagkatapos naming maghugas ng pinggan tumungo na kami sa kwarto ko at humiga.
"Saan tayo bukas?" tanong ni Sab habang nag-aayos ng higa
"Teka nga, hindi tayo gagala bukas" sabi ko sakanila, tiningnan naman nila ako
"Kasi, maglilinis ako ng buong bahay. Maglilinis rin ako dito sa kwarto ko. Kung gusto niyong gumala edi kayo na ang gumala, wag niyo na akong isama" suhestisyon ko sakanila. Umiling iling naman sina Sab at Steph
"Hindi na lang kami gagala, tutulungan ka na namin bukas" nakangiting sabi ni Steph. Kahit mayaman tong isang to, napakatulungin at down to earth niya. Hindi siya maarte sa kahit na anong bagay pero napaka party animal naman ng isang to.
Napangiti na lang rin ako sakanya. Bigla namang nag pout si Sab
"Eh sa gusto kong gumala bukas." at sumimangot siya. Tiningnan siya ng masama ni Steph
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Baliw
Teen FictionThis story is your typical high school love story but revelations will shock you, villain will attack you and especially love will be upon you.