Baliw 12: Her Mom
Zen's POV:
Isang linggo ng nangyari iyung pag dalaw ng primary suspect ko dito. At isang linngo na rin akong nandito sa hospital, my body is still under recovery at nasimulan na rin ang surgery sa broken rib ko yesterday.
I hope madali lang akong gumaling, my business pa akong kailangan tapusin.
Ang pagpahanap ng kung sino man ang may gawa nito.
At mukhang may ipagkakaila rin na babae siya kahit na may mask siyang suot. She wore a mask that time para hindi ko malaman kung sino siya. At base sa mga sinabi niya saakin, mukhang may balak pa siyang gawing masama, hindi saakin kundi kay Savannah.
"Good for you at under recovery kana." sabi nung kapatid kong baliw tsaka tinawanan ako. I rolled my eyes.
"But seryoso Zen, mahahanap rin natin kung sino ang may pakana sa lahat ng ito. Alam ko namang kahit hindi mo masyadong pinapansin si Savannah, may bakas parin sa mukha mo na nag-alala ka parin" seryosong sabi ni Zara.
And yes I admit that. I care for Savannah and that's the thing that I don't know.
"yeah"
Biglang bumukas ang pinto and I bet si Savannah naman iyung bibisita.
Lumingon kami sa pintuan at biglang tumayo si Zara para lapitan kung sino man ang pumasok. Pero to my surprise, hindi pala si Savannah ang bumisita saakin.
"Iwan ko muna kayo" at lumabas si Zara sa kwarto.
"Okay ka na ba iho?" tanong ng isang babaeng nasa around 30's ata
"Ah yes po, You're Savannah's mom if I'm not mistaken po?"
"Oo iho" and she gave me a warm smile. Ngayon ko lang nalaman na nagmana pala si Savannah sa mom niya and totoo ang mga nabasa niyo, ang mom ni Savannah ang dumalaw saakin.
Sunday naman ngayon so mukhang walang trabaho ang mom ni Savannah. Pero ang nakakapagtaka lang eh kung bat hindi si Savannah ang dumalaw at ang mom niya ang dumalaw?"
"Tawagin mo nalang akong Tita. Tita Bea"
"Ah sige po Tita Bea"
"Hindi ko nga pala pinasama si Savannah kasi gusto kong makausap kita. Pinilit niya nga akong isama siya ang kulit nga eh." at tumawa siya bahagya pero sumeryoso naman ang mukha niya but her eyes, you can see na nag-aalala siya.
"Iho, Thank you pala sa pagligtas sa anak ko, ano ba ang kailangan naming gawin to pay?"
"Naku, Tita wag nalang po. Okay lang po saakin, ang importante po ay hindi po nasaktan si Savannah" tsaka ngumiti ako
"Pero iho, tignan mo ang sarili mo. Eto ang napala mo para sa paglitas ng anak ko. Nahihiya ako sayo at sa pamilya mo dahil nadamay kapa" sabi niya na ang lungkot ng boses niya
"Wag na po Tita, okay na po" sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko
"Sure ka ba dyan iho?" nag nod lang ako at nginitian ko siya.
"Salamat talaga Zen. Maraming salamat" at napaiyak naman siya
"Tita, wag po kayong umiyak. I'll make sure po that we'll findi out kung sino ang gustong pumatay kay Savannah. I'll help po sa pagiimbestiga"
"Thank you Zen. Maraming salamat talaga. I owe you" sabi ng mom ni Savannah. And she's awesome after all.
Nag kwe-kwentuhan lang kami saglit tsaka nag paalam na siyang umalis at baka daw hinihintay na siya ni Savannah.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Baliw
Teen FictionThis story is your typical high school love story but revelations will shock you, villain will attack you and especially love will be upon you.
