Baliw 17

47 0 0
                                        

Baliw 17: Hidden Talent

Savannah's POV:

"Ate! Laro tayo!" bulol na sigaw nang isang batang babae sa isa pang batang babae. Mukhang ate niya ata iyung tinawag niya.

Nasaan nga ba ako? Ba't parang napunta ako sa isang backyard? Hindi masyadong malinaw saakin ang lugar at ngayon, nakaharap ako sa dalawang batang babae. Hindi ko rin sila nakikilala pero sigurado akong ang kyu-kyut nila. Hindi ko masydaong nakikita ang kanilang mga mukha. Ang blur ng paningin ko.

Tumakbo ng tumakbo ang bata at bigla na lang siyang nadapa. Pupuntahan ko na sana ang bata para tutulungan ko siya nung nakita kong  tumakbo ang kanyang ate sa kanyang kinaroroonan.

"Iyan kasi!  Hindi nag-iingat!" sermon ng kanyang ate sakanya. Magka-height lang sila ng ate niya at pareho silang nakasuot ng yellow na sunday dress. Ang mga buhok nila ay naka ponytail.

"Wala naman akong shugat ate" sabi niya sa ate niya at tinulungan siyang tumayo ng kanyang ate.

"Aish kahit na! Upo muna tayo dun!" tumungo sila sa isang malaking puno at umupo sila. Sinundan ko naman sila. Hindi ba nila ako nakikita? Bakit parang na trap ako sa lugar na ito?

Kahit gustong gusto ko ng umalis, hindi ako makaalis, pinapanuod ko lang ang magkapatid na mga batang babae.

"Wait" aniya ng ate niya at may kinuha sa dala dala niyang backpack

"Ano iyan ate?" tanong nung nakababatang kapatid niya habang titig na titig sa hawak ng kanyang ate

Hawak hawak ng kanyang ate ang isang box. Binuksan niya ito at may kinuha siyang bracelet.

"Wow! Para saakin ba ate?" excited na tanong ng kanyang nakakababatang kapatid. Nginitian lang niya ito at isinuot sa kanya ang bracelet.

"Ang ganda!" compliment nung kapatid niya. May kinuha naman ang ate niya ng isang pang bracelet at isinuot niya.

"Wow! Meron ka rin ate?" masayang sabi nung bata. Nginitian siya ng kanyang ate at idinikit ang wrist niya na may suot na bracelet sa wrist ng kapatid niyang may suot ring bracelet.

"Kita mo to?" turo nung ate niya sa bracelet. Tumango lang siya bilang sagot

"BFF. Hindi lang kita kapatid, best friend forever rin kita kaya pahalagahan mo iyang bracelet na bigay ko ah?" napangiti ang nakababatang kapatid ng ate niya at bigla niya itong niyakap

"Thank you ate." bulong nung bata sa ate niya. Niyakap naman siyia pabalik nung ate niya

"You're welcome bff" napangiti ako sa nakikita ko ngayon. Naiinggit ako dahil wala man lang akong kapatid. Hindi ko man lang na-experience ang magkaroon ng kapatid, lalo na ang alaga ng kapatid.

Tumayo na sila at nagpagpag ng kanilang dress. Hinawakan ng ate niya ang kamay ng kanyang kapatid.

"Tara na, nagluluto si mama ngayon ng cookies." nakangiting sabi nung ate niya at tumango lang siya.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa nawala na sila.

Gising na ang diwa ko pero hindi pa gising ang katawan ko. Parang nanghihina ako at kahit pagmulat lang ng mata ko ay hindi ko magawa.

"Okay na kaya siya?"

"Aba ewan. I-interview mo siya pag gising na siya"

"Tse!"

Ang Girlfriend kong BaliwMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon