Baliw 22

38 2 0
                                    

Baliw 22: Fallen

*

Matapos ang makapigil hininga na mga sinabi ni Zen, pinakain siya ni Aling Merna na libre. Hindi naman niya tinanggi syempre sinong tatanggi ng libre aber? SINO NG MABATUKAN KO? hehe joke lang po.

Nasa harapan ko si Zen habang kumakain. Ang dami nga niyang nakain. Mukhang nasarapan ata sa luto ni Aling Merna o sadyang gutom lang talaga?

Kain lang siya ng kain pero kahit kumakain lang siya, ang gwapo parin niya. Kaya siguro kanina pato walang humpay na makatitig ang aking mga kababayang kasamahan sa trabaho. Tsk tsk.

"so siya na pala girl?" bulong ni Bernard the gay sa tabi ko. Ang chichismosa talaga neto. Tsk.

Tumango tango lang ako habang nakatitig parin kay Zen.

"Mas gwapo pala siya sa inaasahan ko. Nakakalaglag panga kasabay ng panty ko. Ang gwapo ng nabingwit mo te!" gigil na bulong ni Bernard sa tabi ko. Nagsang ayon naman ang iba kong mga kasamahan. Kung makapagsalita ito mukhang wala si Zen sa harapan namin.

"Nakakadiri kang bakla ka! Magtigil ka nga!" bulong na sermon ko sakanya. Napatingin naman ako kay Zen na umiinom na ng tubig.

Mukha naman siyang busog na busog. Tiningnan naman niya ako. Sheez nakakailang naman.

"So? Okay na? Busog ka na? Gusto mo round 2 pa?" tanong ko nito. Bahagya naman siyang ngumiti na ikinatili ng mga kasamahan ko.

"Gosh hindi ko na kaya!" Sammy

"Magkakaheart attack yata ako!" Eying

"Mga girls, kumalma kayo. Mukhang huminto sa pag-ikot ang mundo ko" Bernard

Napailing nalang ako sa mga reaksyon nila. Napabaling naman ako kay Zen ng nagsalita siya.

"Can I talk to you?" seryosong sabi niya. Tumango lang ako at lumingon sa mga kasamahan ko. Nagsitanguan naman sila at nagsialisan.


Tumayo naman siya at hinila ako. Lumingon ako kina Aling Merna at bahagya siyang ngumiti tsaka tumango. Nagpahila na lang ako kay Zen. Nakayuko lang ako habang hinihila niya ako papuntang saan. Baka sermonan niya ako kaya kami lumayo kina Aling Merna dahil ayaw niyang may makakarinig sa mga sermon niya saakin.

Nabangga ako sa likuran niya nung huminto siya. Sumilip naman ako sa unahan niya. Huminto kami sa isang park malapit sa karenderya. May mga taong naglakad lakad, may iba naman umupo lang sa mga bench. Iyung iba nakatambay malapit sa fountain at ang iba naman ay busy sa pagtitinda.

May mga bata rin kaming nakita na naglalaro. Napangiti ako sa nakikita ko. Parang walang mga problema ang mga tao dito. Kung titignan mo sila, parang walang mga problema pero alam ko at alam nating lahat na may kanya kanya tayong mga problema. Tinatawanan lang natin at nginingitian ito upang matago ang totoong nararamdaman natin.

Ano ba iyan napapadrama na naman ako. Hindi kaya ito isang mmk. Tumungo kami sa isang bench habang hila hila padin niya ako. Umupo kami doon at wala ni isa saamin ang nagsasalita.

"What happened?"pagbasag sa katahimikan na ikinanagulat ko. Hindi ko inaasahan na iyan ang unang lalabas sa bibig niya. Akala ko kasi sesermonan niya ako o ano.

Nakita ko ang pagiging calm niya sa kanyang mukha. At nakataas ang isang kilay na tila ba naghihintay ng isasagot ko. Napakamot na lamang ako sa batok ko.


"You can tell me. I will listen" sabi niya at lumingon saakin. Pero sandali lang iyon at tumingin ulit sa ibang dereksyon. Nagbuntong hininga muna ako bago mag salita.


"Naglayas kasi ako saamin" panimula ko. Hindi naman umimik itong katabi ko kaya nagpatuloy ako.


"It's because of Angel. That bitch!" hindi ko na napigilan ang galit ko. Naalala ko pa ang mga nangyari 3 days ago. Hinding hindi ko talaga iyon makakalimutan. As if it was a scar plastered on my skin and will never be healed. Iyon ang isa sa mga pinakamasakit na nangyari para saakin.

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon