Baliw 21: I'll find you
Savannah's POV
Second day ko na sa trabaho at hindi parin ako pumapasok sa school. Mukha namang hindi nag hahanap sina mama at papa saakin kaya okay na rin iyun para makapag layo layo rin ako sa kanila.
Simula kahapon ko pa pinatay ang phone ko, pano ba naman kasi, mang flood ba raw ng missed calls at text sina Steph at Sab? Kaya ayun, wala rin akong choice kundi patayin ang phone ko.
Kasalukuyan akong naghuhugas nang pinggan habang ang iba ko namang kasamahan ay busy sa pagliligpit ng mga pinagkainan at sa pag se-serve.
Hindi parin mawala sa isipan ko tungkol sa nalaman ko kay Mang Sonie kahapon. Napapaginipan ko ang dalawang batang iyun at mas lumala pa ang pagssakit ng ulo ko simula nung naka lipat ako sa bahay na binabantayan ni Mang Sonie.
Ang pinagtataka ko lang, bakit ako binubulabog nung dalawang batang iyon? Bakit ko ba sila napapaginipan? Hindi ko naman sila kilala.
Tapos na ako sa paghuhugas ng pinggan at pumunta ako kay Aling Merna.
"O, ibigay mo sa costumer doon sa bandang hulihang mesa" saka niya binigay ang tray ng pagkain na inorder nung costumer. Kinuha ko naman ito at maingat na dinala papunta doon.
"Heto na po order niyo mam" sabi ko at ibinaba ang mga inorder nila. Bumalik ulit ako sa pwesto ko. Bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa malapit na mesa. Pumunta ako sa mga bag namin at kinuha sa bag ko ang isang gamot, gamot daw na pampawala sa sakit sa ulo sabi ni mama.
Ngayon ko lang ulit ito ininom nung sumasakit na ang ulo ko. Effective naman at bigla bigla ring mawawala pero may kakaiba lang talaga sa gamot na iniinom ko.
"Oh my gulay! May costumer tawong gwaping!"
"nalaglag ata panty ko, pwede pakipulot bakla?"
"Kyaah ang gwapo niya"
Natigilan ako ng may naririnig akong mga bulung bulungan. Liningon ko naman sila.
"Oh? Anong nangyari sainyo dyan? Buma--" Napatigil ako ng napaharap ako sa taong kilalang kilala ko talaga.
Mas nagulat ako nung bigla nalang niya akong niyakap. Paglingon ko kina Bernard, nalaglag ang mga panga nila at hindi makapaniwala sa nakikita nila.
"Zen?"
---
Tatlong araw nang nawawala si Savannah sa kanila at hindi na mapakali ang kanyang mga kaibigan. Tinatawagan nila ito pero hindi na makontak ang number nito. Nag sisimula na silang mag-alala
"Sab, wala pa bang balita kay Savannah?" tanong niya sa kaaibigan niya na kasalukuyang kinakalikot ang phone niya. Nasa loob sila ng classroom at may teacher sa harap nila. Pabulong silang nag uusap na para bang nag-iiwas na marinig sila.
"Wala paa nga Steph. Baka na[ano na ang babaeng iyun. Tatlong araw na siyang nawala, Steph. Tatlong araw!" mukhang napalakas ang boses niya kaya naman nasa kanila na ang atensyon ng buong klase.
"Yes Ms. Montecarla?" mataray na sabi ng teacher nila. Napayuko naman si Sab ng tawagin siya ng teacher nila.
"Nothing Mrs. Lantan" pilit naman siyang ngumiti. Bumaling ang teacher niya sa white board at nagsimulang mag lecture. Nakahinga naman ng maluwag si Sab."Savannah's been missing?" naging estatwa naman sina Sab at Steph ng marinig ang boses ni Zen. Nagkatinginan sila at nag aalangang lumingon kay Zen.
"Ah-eh kasi Zen-" hindi alam ni Steph kung ano ang sasabihin, pinanlakihan niya ng mata si Sabrina. Sabrina just shrugged her shoulders at nagkukunwaring nakikinig sa teacher nila.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Baliw
Novela JuvenilThis story is your typical high school love story but revelations will shock you, villain will attack you and especially love will be upon you.