Baliw 24

49 1 0
                                    

Baliw 24: Truth or Dare

--

Pagkatapos naming kumain, naghugas ako ng pinggan habang si Zen ay nakaupo sa sofa at nanood ng tv.

Umupo ako sa tabi ni Zen pero syempre may space pa rin sa pagitan namin. Hindi ako mag t-take advantage dahil lang na magkasama kami sa iisang bahay noh.

Tinitigan ko si Zen, naka sando lang siya at shorts. Bakat na bakat ang kanyang muscles sa katawan at talaga rin namang bakat na bakat ang abs niya. Napalunok naman ako sa naiisip ko. Umiling iling ako para mawala ang mga nasa isip ko.

 Talaga namang may dala pa siyang damit ah?

"Stop staring baka matunaw ako kakatitig mo" napa iwas ako ng tingin sa gulat nung nagsalita si Zen. Ganon ba ako ka obvious?

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa aming dalawa. Ang pagtibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Pati na rin ang ingay mula sa tv at sa paghinga ko.

The room started to get boring pero may umilaw na bumbilya sa tuktok ng ulo ko at napangiti ako sa ideya na pumasok sa isip ko. Humarap ako kay Zen pero nanatili lang siyang nakaharap sa tv.

"Zen?"

"Hmm?" aba at ang seryoso niya yata sa panonood ng tv?

"Maglaro naman tayo" napalingon siya saakin tsaka kumunot ang noo niya.

"Kalaki laki mong tao tapos maglalaro ka pa?" tanong nito. Napakamot naman ako sa batok ko.

"Hindi naman kasi iyung laro na mag hahabulan or magtataguan tayo. Iba naman kasi ang ibig kong sabihin."

Tumango tango lang siya tsaka nanood ulit ng tv. Napakamot ako sa ulo ko. Mukhang hindi naman interesado si Zen eh. Pero i try ko nalang kaya.

"Maglaro tayo ng truth or dare" sabi ko nito habang nakangiti ng kay lapad. Ibinaling naman niya ang tingin niya saakin.

"Sige" nagtatalon ako sa tuwa nung pumayag si Zen pero naihinto ko ang pagtatalon nung nagsalita pa siya.

"Pero, every truth na makukuha mo, maglalagay ng chocolate syrup sa mukha mo." sabi nito. Sus ang dali naman pala.

"Game!" masayang sabi ko at kumuha ng fish bowl tsaka papel at ballpen. Kumuha na rin ako ng chocolate syrup sa kusina. Pinunit punit ko ang papel at habang nag pupunit ako ng papel, nagsusulat na si Zen ng truth at dare sa mga papel na napunit.

Inilagay na namin ang mga papel sa loob ng fishing bowl.

"Okay! So game na! Sino ang mauuna?" tanong ko nito.

"Girls first" nakangiting sambit niya. Naku! Bihira lang ngumiti ang isang to! Tsaka his smile is so playful. Ano kayang binabalak nito?

Inikot ikot ko muna ang fishing bowl na may laman na mga papel tsaka ako bumunot. Pumikit muna ako at huminga. Binuklat ko na ang papel at dare ang nakuha ko.

Tiningnan ko si Zen at naghihintay siya saakin kung ano ang nakuha ko. Iniharap ko ang papel sakanya. Bigla siyang ngumisi ng mapanloko. Uh-oh

"So? Paano ba iyan? Dare ang nabunot mo?" nakangising tanong niya. Okay na sana kung truth eh kaso dare pa talaga ang nabunot ko tsk!

"Mag utos ka na nga lang!" inis na sabi ko kay Zen. Ngumiti lang siya. Nawala naman ang pagkakunot ng noo ko. Ano ba iyan pati ba naman ng ngiti niya ang lakas ng epekto saakin?

"Sige, easy mode na muna tayo. Hmm ano nga ba ang pwede kong ipagawa sayo?" nakalapat ang kamay niya sa chin niya habang hinihimas ito at tila nag iisip.

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon