A\N:
SINCE NA GOOD MOOD AKO DAHIL NAKAPAG CHAT KAMI SA LONG TIME NO CHAT KO NA BESTFRIEND, ETO NAG UUPDATE PO AKO. BAKA NGA PO MAG UUPDATE RIN AKO NG CHAPTER 10 SA IN DISGUISE AT ANG GIRLFRIEND KONG BALIW :)
SANA MAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA ITO!
DEDICATED ANG CHAPTER NA ITO SA BESTFRIEND KO :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Baliw 9: Crash
Savannah's POV
Natapos ang araw na ito ng hindi ko nakausap si Zen. Hindi niya naman kasi ako pinapansin eh.
Problema nun? Haaay
Naglalakad na ako ng nag beep ang phone ko.
*1 unread message*
Binuksan ko naman ang message. Unknown ang number eh
From: Unknown
Hi Savannah! :)
Eh? Sino naman kaya ito? Buti at may load ako kaya nakapag-reply ako
To: Unknown
Sino to?
At naisend ko na. Napahinto pa talaga ako sa paglalakad ko ng nagtext tong unknown number na ito
From: Unknown
Hulaan mo ;)
At nakikipag hulaan pa talaga siya ah?
To: Unknown
Alien ka ba?
Baka kasi siya iyung alien sa bahay namin, pati number ko nakuha niya narin.
From: Unknown
Hahaha! Oo
Eh? alien ba talaga tong kausap ko?
To: Unknown
Totoo?
Wala pang 5 seconds nakareply agad. Ang bilis namang mag reply ng alien na to.
From: UnknownJoke lang. Naniwala ka naman agad? Si Xyre to
Eh? Paniguradong pinagtawanan na ko nun.
Mag rereply pa sana ako ng may nagsalita sa likuran ko.
"Grabe, ilang araw lang akong nawala may bagong bestfriend ka na?" nanlaki ang mga mata ko ng narinig ko ang boses na matagal ko ng hindi naririnig. Humarap ako sa kanya.
"Xander!!!" sigaw ko at niyakap siya.
"b-bitawan m-mo n-nga ako. *cough* *cough* s-sinasakal mo k-ko eh!" hirap na hirap siyang magsalita at mukhang napahigpit ang yakap ko sakanya. Binitawan ko na siya sa pagkayakap ko.
"San ka ba nanggaling sasa? Bat hindi ka na nag paparamdam? nagtatampo na ako" may tonong tampong pagkasabi ko
Tumawa naman siya ng bahagya at ginulo ang buhok ko.
"Namiss mo agad ako?" sabi niya habang tumingin at ngumiti saakin ng mapanloko.
"Oo naman no! Namiss ko kaya ang bestfriend ko" napangiti naman siya ng mapait. May problema ba?
"Huy, sasa bat malungkot ka? May problema ba?" sabi ko na may pag-alala
"Wala. San ka pupunta ngayon?" pag-iiba niya ng usapan
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Baliw
Teen FictionThis story is your typical high school love story but revelations will shock you, villain will attack you and especially love will be upon you.