Baliw 14

43 1 0
                                    

Baliw 14: Weird

Savannah's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng mangyari iyung usapan namin ni  Veronica sa cr. Simula nun ay hindi na siya nagparamdam. Hindi na nga siya pumapasok sa klase baka nga bagsak na siya sa lagay niyang iyan pero wala akong pakealam sakanya. Hmmp

Nandito ako sa canteen at pumipila para makabili ng lunch namin, ako pa kasi talaga ang napag-utusan ng kumag na si Xander -,-

Kaya heto ako, nagdudusa sa paghihintay ng turn ko -,-

May good news pala ako, nakalabas na si Zen sa ospital at nagpapahinga pa siya sa kanilang bahay ngayon. Binigyan muna siya ng 2 days excuse sa klase para makapag pahinga pa siya.

"Ay anak mong tokwa!" napatalon ako nung may kumalabit saakin. Tinakpan ko agad ang madaldal kong bibig. Aish! Kung ano ano na lang ang nasasabi ko tss

Umikot ako para makita kung sino ang kumalabit saakin and here,  I saw a tall man standing in front of me while giving me a cheeky grin

"A-aray teka n-nga!" bigla ba naman kurutin ang pisngi ko at hindi pa siya nakontento at kinurot pa niya talaga ang magkabila kong pisngi. Pinaghahampas ko lang siya at wala siyang ibang ginawa kundi tumawa. Lalo pa akong inaasar ng mokong -,-

"Ang taas ng linya noh?" kung maka asta to parang walang nangyari -,-

Hindi nalang ako sumagot at nag move forward nung nag move iyung nasa unahan ko.

"Huy kinakausap kita!" kalabit niya uli saakin. Ang kulit rin niya noh?

"Hoy kayo, kinakausap daw kayo nitong nasa likuran ko!" kinuasap ko ang mga halaman na nasa tabi namin. Tumawa lang siya at kinalabit rin ako

"Huy, ang dali mo talagang mapikon" at kinalabit na ulit ako

"Ang kulit mo rin eh noh?" at hinarap ko siya nag pout lang siya tsaka nag make faces. Inirapan ko lang siya at mahinang sinapak ang mukha niya.

"Grabe naman toh, ngayon nga lang ulit tayo nagkausap eh" sabi niya tsaka may paawa effect pa tss

"Meron ka ba ngayon?" nakakalokong tanong niya sinamaan ko lang siya ng tingin at sasagot na sana ako ng tinawag ako nung ateng cashier kaya binigyan ko siya ng mamaya-ka-lang look at tinawanan lang niya ako. Ang hilig niyang tumawa eh?

Nakapag order na ako at pumunta na sa table namin

"Ba't ba ang tagal mo?" inis na sambit ni Sab at nagsimula ng kumain

"Wag mo na iyan pansinin Sav, binasted kasi siya ni Jake" napatawa naman kami

Si Jake Strank ay ang heartthrob dito sa Berchel Academy, isang football player. Mapagkakaila mo talagang gwapo siya at nakakatulo laway pero isa namang PLAYBOY. Eh saan ba kasi tayo makakahanap ng heartthrob na hindi playboy? Tsaka kung nagkagusto man si Sab kay Jake, bat kay Jake pa? Tsk

Napahinto naman ako ng may biglang tumabi saakin. Napatingin naman ako sakanya na nakangisi saakin. Ano ba ang kailangan ng Xyre naito saakin at palagi niya akong sinusundan?

Tiningnan naman ako nina Xander, Steph at Sab na parang nagtatanong na 'sino iyan?'

"Aba ewan ko kung sino itong katabi ko. Hindi ko siya kilala eh" pagmaang maangan ko. Aba inaasar ko lang naman tong isang to haha sarap pagtripan

Parang naguguguluhan naman sila. Tiningnan ko naman itong katabi ko at pinigilan kong tumawa. I composed myself at sineryoso ang mukha ko.

"Ba't nakikiupo ka dito kuya? Ang dami pang upuan oh!" turo ko sa mga bakanteng upuan. Sinamaan naman niya ako ng tingin at parang nahiya siya dahil nakatingin ang kalapit na table ng mga ibang estudyante. Napalakas ata ang boses ko.

Kinuha na niya ang tray ng pagkain at lalayasan na sana niya ako kaya lang tumawa ako ng pagkalakas lakas. Ang ibang estudyante ay nakatingin sa table namin tsaka ang sama ng tingin saakin. Pati rin si Xyre hahaha

"Pinagtri-tripan mo talaga akong babae ka ha?" tanong niya tsaka galit na umupo sa tabi ko

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatawa na naman.

"Aish tumigil ka nga" sita niya saakin. Tiningnan ko naman sina Xander na ang sama rin ng tingin saakin

"W-what?" sabi ko habang pini[igilang tumawa.

"Ang sama sama talaga ng ugali mong baliw ka! Kilala mo naman pala eh ba't pinahiya mo? Ang sama sama mo! Bad iyan Savannah ha! Ba't ba kami nag karoon ng kaibigan na katulad mo?" eto na naman po ang kaOAhan na speech ni Sab. Mukhang mas lalo ngang uminit ang ulo niya, mukhang nabasted nga ni Jake tsk tsk

"Oo nga Sav. Ikaw talaga. Tss" sang-ayon naman ni Steph tiningnan ko si Xander at tumango tango rin pero nakatinigin siya kay Xyre at mukhang ang bigat na ng atmosphere dito kaya nagsalita na ako.

"Chill guys! Sige sorry Xyre at sorry rin sainyo" paghingi ko ng tawad sakanila

"So Xyre, This is Sabrina Montecarla, ang pinaka OA na kaibigan ko, eto naman ay si Steph De Guzman ang amazona kong kaibigan tsaka siya si Alexander Dela Vega, ang bestfriend ko" tsaka tiningnan ako ng masama nina Sab at Steph tsaka bahagyang tumawa si Xyre.

May mali ba akong sinabi? Eh buti nga iyon at honest ako. Para narin na ma aware si Xyre sa mga kasama niya diba?

"Grabe, hindi mo ba kami bestfriend? Tsaka bat si Xander lang ang pinakilalang bestfriend mo? Tapos kami kaibigan lang. Tsaka detail by detail talaga?!" presenting, ang amazonang si Steph!

Hindi ko na lamang siya pinansinan at nagpatuloy na lamang kami sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain, humiwalay na rin si Xyre saamin at nagpaalam na para sa susunod niyang klase, pero bago pa man siya makapunta sa next building, binigyan siya ni Xander ng weird na tingin.

Anong nangyari dun?

Xander's POV

Tapos na ang klase namin at papunta ako sa M University para sunduin si Katey kahit labag sa kalooban ko na gawin ang ipinapagawa saakin ni mommy

Kung hindi daw ako susunod, mawawala ang yaman ko at pati narin ang kotse ko. Mawawala saakin lahat at magugutom ako tapos diyan na ako sa tabi tabi matutulog at hihingi ng pero at pagkain sa mga taong dadaan. Eh sa ayaw ko kaya nyan!

Kaya heto ako at naging sunud sunuran kay mommy. And basically kasal na kami ng dahil sa kontrata tss. Pero pwede naman ito isawalang bisa diba? diba?

Agad kong nakita si Katey na kasama ang mga kaibigan niya tsaka pumasok na siya sa loob ng sasakyan tsaka padabog na isinara ito.

"Teka nga! Hinay hinay naman sa baby ko! Hinding hindi talaga kita mapapatawad kung masira ang sasakyan ko!" tiningnan lang niya ako ng anong-pake-ko look.

Kung may guts lang sana akong ipatapon tong babaeng to ginawa ko na -,-

And speaking of Katey Sanfer, baka bukas sasabihin ko na kay Savannah ang tungkol sa nararamdaman ko para sakanya tsaka ang tungkol rin dito kay Katey

Sa ngayon, kailangan ko munang makipag communicate sa babaeng ito para maging maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa -,-

------------------------------------------------------------------------------

A/N: Okay so hindi ko talaga ide-detail ang mga mangyayari kina Xander at Katey sa story na ito. Hindi naman kasi ito ang story nila tsaka gagawan ko pa naman sila ng story kung matapos ko na ang AGKB.

Vote and leave your comments! :)

Thank you! :*

       -Ms. Pat





Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon