Baliw 13

46 1 0
                                    

Baliw 13: Confrontation

Savannah's POV

Salamat at tapos na ang short horror story ko! So pwede na akong uwumi yeey! 🎉

Naglalakad kami sa hallway ng huminto ako bigla, huminto rin sina Sab at Steph

Tinignan naman ako nila na parang nagtatanong kung anong problema

"Wait lang, mauna na kayo, wag niyo na akong hintayin. May pupuntahan lang ako." sabi ko sakanila at tumakbo na. Narinig ko naman si Steph na nagtatanong kay Sab na "Anong problema nun?"

Tumakbo lang ako hanggang sa nakarating na rin agad ako sa cr. Tama po kayo ng basa, sa cr po ako pumunta eh sa gusto ko na talagang mag cr.

Pumasok na ako sa isang cubicle at ilang sandali lang ay may naririnig akong tunog ng heels na papasok sa cr. Lumabas ako sa cubicle at tiningnan kung may tao pero wala naman. Minumulto ba ako?

Naghugas ako ng kamay ko at aalis na sana ng nakita ko si Veronica dito.

"You look pale. Scared of me?" ngumisi siya. Umikot ako at kaharap ko na siya ngayon.

"Anong kailangan mo?" i tried not to stummer para hindi niya mahahalata na natatakot ako. And oo natatakot ako kay Veronica, marami kaya siyang kayang gawin, kaya nga niya akong patayin eh pero sana hindi naman.

Gusto ko sanang tumakas kaya lang nakaharang si Veronica sa pinto baka kapag lalabas ako, sasaktan niya ako wag nalang kasi mahal ko pa buhay ko.


"I just want to tell you something" sabi niya at pinaikutan niya ako at hinawakan niya ang buhok ko ng kanyang mga matataas na kuko.

Lord, kukunin niyo na ba ako ngayon? Wag naman po!

"Sinuwerte ka yata" sabi niya at huminto sa likuran ko pero nakikita ko naman siya sa mirror dito sa cr.

Teka, anong bang sinasabi niyang sinuwerte raw ako? Sa saan? Sa alin? Nakakaloka naman tong babaeng to

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko

"Enjoy your life, it may end and when that day comes, you have to say goodbye" at umalis na siya. All I can hear is the ticking of her heels and my heartbeat.

Napahawak ako sa dibdib ko. What was that for?

"Enjoy your life, it may end and when that day comes, you have to say goodbye"

nag rereplay sa utak ko ang sinabi niya saakin. Bigla akong kinabahan. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Was that a threat?

Nag simula akong maglakad papuntang gate. Bibisitahin ko pa pala si Zen. I shrug the thoughts inside my head.

"Ahhhhh!" napasigaw ako sa gulat at pinaghahampas ng libro ang umakbay saakin

"Aray! T-teka nga! Aray! Huy S-sav! Tumigil ka nga! Nasasktan na ako eh!" napatigil ako ng narinig kong nagsalita siya.

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko si Xander pala

"Naku Sasa! Sorry! kala ko kung sino na eh! Nagulat mo naman ako!" sabi ko sakanya habang hinawakan ang dalawa niyang balikat.

"Ano ba namang nangyari sayo at natulala ka?" sabi niya habang pinupulot ang mga libro kong nahulog at ibinigay saakin.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina sa cr at nag rereplay na naman ang sinabi ni Veronica saakin.

"Huy! Bumalik ka na nga sa katinuan mo! Ano bang nangyari sayo?" sabi niya at pinitik ang noo ko. hinimas ko naman iyon

"Ewan. Sasama ka ba saakin?" pag ch-change ko ng topic

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon