Baliw 20

49 1 0
                                    

Baliw 20: First Job

Savannah's POV

"I'm sorry miss pero hindi ka talaga pweding makakapasok sa kompanya na ito. You're under aged and wala ka pang naranasan na trabaho. I'm sorry but you're not qualified for this work" sabi nung lalaking parang isa ring head dito sa kompanya na ito.

Pangatlong kompanya ko na itong pinasukan ko pero halos lahat ng napasukan ko, pare-pareho ng mga sinagot saakin.

I sighed. Ang hirap pa lang maghanap ng trabaho, kailangan talaga nilang may experience na at hindi under aged. Nakakaiyak T_T

Naglakad na ako papuntang elevator. Pagbukas naman ng elevator may bumati saakin na kilalang kilala ako.

"Oh hi Savannah! What are you doing here?" sabi ni Tita Jade at niyakap ako. Nahiya naman ako sa sarili ko, tiningnan ko ang sarili ko, naka simpleng jeans at pullover lang ako. May bonet rin akong suot, mukhang hindi nga pang opisina.

Pagkakita ko naman kay Tita Jade, ang gara ng suot niya, mukhang matatakot ka na tapunan ng kape baka mag iba ang kulay nito at matatakot ka ring hawakan ito dahil baka hihingan ka ng malaking halaga pambayad ng damit.

Napalunok ako at kinakabahang ngumiti.

"Ah, wala po napadaan lang po. Excuse me po pero kailangan ko na pong umalis" sabi ko at dali daling pumasok sa elevator at pinindot ang ground floor.

Hoo! Buti at naka-alis na ako doon. Baka mapahiya pa ako dahil sa katangahan ko. Habang pababa ng pababa ang elevator, napaisip ako. Bakit nga ba nangdito si Tita Jade?

Lumingon ako sa katabi kong babae at tinanong siya.

"Ah miss, pwede bang magtanong?" binalingan niya ako ng tingin, hinead to foot muna niya ko tsaka niya ko tiningnan ulit sa mukha. Bigla naman akong nailang.

"Anong kompanya ba itong napasok ko?" medyo pabulong ko na tanong sakanya. Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko at napataas rin ng kilay. Uh-oh

"Santos Inc. Isang kompanyang may high standards pagdating sa pagpili ng mga empleyado nila" sabi niya with her mataray tone.

Napasapo ako sa noo ko ng ma realize ko ang pangalan ng kompanya. Obviously pag mamay ari to nila Zen kaya nandito ang mom ni Zen para bisitahin ang kompanya.

Agad namang bumukas ang elevator at dali dali akong lumabas sa building. Tumingala ako at nakita ko ang sign ng building sa taas.

Nag simula na akong mag lakad. Tanghali na pero wala parin akong mahanap na trabaho. Naghihintay ako na pwede nang dumaan sa pedestrian lane, nakasandal lang ako sa isang poste dito.

Haaay. Saan na ba ako mamamasukan ng trabaho? Bigla akong napatayo ng maayos at tiningnan ang poste may nakalagay na 'WANTED: Kasambahay cal 09********* for to inquire'

Bigla namang nagliwanag ang mukha ko na para bang naka jackpot. Ito na ang trabaho ko! Mamamasukan ako bilang kasambahay.

Agad kong kinuha ang phone mula sa bag ko at dinial ang number na nakasulat dito.

"Hello?" pero nagulat ako nung iba ang sumagot

[Sorry, pero hindi na sapat ang iyong load balance para ipagpatuloy ang tawag na ito. Blah blah blah]

Sa inis ko, pinatay ko ang phone ko. Tumingin uli ako sa nakalagay at ang bobo talaga ng naglagay nito. Akalain mong cellphone number lang ang nilagay at wala man lang address??

Napasimangot ako na naglakad lakad. Nagugutom na ako at mukhang hindi pa naman kasya ang pera ko sa pagkain. Mas lalo akong napasimangot.

Naglakad lang ako ng naglakad ng mas lalong nagwala ang alaga sa loob ng tyan ko ng may naamoy akong  pagkain. Lumingon ako at may nakita akong isang karenderya.

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon