Baliw 7: Malling
Savannah's POV
Nandito pala ako ngayon sa cafeteria at nasa harap ko na sila Zen at iyung kapatid niya. Ano nga ulit pangalan ng kapatid niya? Zari? Zared? ah basta yun na yun. Nasa gitna ako ng pagkain ko ng sikuhin ako ni Steph,magkatabi kasi kami.
Tinignan ko naman siya ng masama, susubo kasi sana ako ng pagkain kaya lang siniko niya ko so nahulog iyung pagkain na isusubo ko sana. Nakatingin sina Zen at iyung kapatid niya. Nakakahiya naman >//////<
"Ano na? akala ko ba manghihingi ka ng tawad?" bulong ni Steph saakin
Muntik ko ng makalimutan, kaya pala ako nandito para makapag sorry. Pero ba't naman ako mag so-sorry eh wala naman akong ginawang masama sa kanila? O.o
Ang tahimik namin. Sobrang tahimik parang mabingi na ako sa katahimikan. Then Zen's sister broke the ice.
"Hi, I'm Zara Santos. Zen's younger sister. You must be Savannah right? Savannah Gonzalez if I'm not mistaken?" nakangiting pakilala ni Zara. So Zara pala pangalan niya ang ganda niya po. SOBRA. At english pa, ma no-nosebleed naman ako neto.
"Ah, eh .. Hello din I'm Savannah Gonzalez" at in-extend ko sakanya ang kamay ko para makipag hand shake. At tinanggap niya naman. Nginitian niya ako at sheeems ang gondo gondo niya po *O* kung lalaki lang sana ako nagustuhan ko na siya eh. Pero loyal ako kay Zen my labs ko haha HART HART
"Ah paano mo pala nalaman ang pangalan ko?" nakakapagtakakasi, alam niya kasi ang pangalan ko. Baka stalker itong si Zara ha. "Ano ka ba Savannah! Mahiya ka naman sa sarili mo! Ikaw? Ista-stalk ni Zara Santos? In your dreams!" sabi nang isipan ko. Nako kung nasa harapan ko na ang isipan ko baka masuntok ko na siya. Pero may point rin naman siya eh.
"Nagkuwento kasi si Zen saakin about you. Sabi niya baliw na baliw ka daw sa kany-- Hey!" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin kasi siniko siya ni Zen. Ano nga daw sabi niya? Hindi ko maintindihan eh. May ibinulong si Zen kay Zara at nanlaki ang mata ni Zara at natahimik siya bigla.
"Sorry about that, Zen doesn't want me to tell you about private things eh." sabi niya while kumakamot ng ulo. May kuto ba itong si Zara? Sayang naman ang kagandahan niya kung ganun.
"Okay lang ahm 1st year ka pa Zara? at dito ka na mag school?" tanong ko sakanya para maiba naman ang topic namin ang awkward kasi"Yes, i decided na i'll stay here. Babalik lang ako sa America if makapagtapos na ako ng highschool. Mas gusto ko kasi dito kasi laking Philippines ako atsaka namimiss ko na kasi ang mga kapatid ko"
"Ah ganun ba, edi mas masaya diba? may makakasama na si Zen dito" sagot naman ni Steph
Kumain lang kami hanggang sa nag ring na ulit ang bell at nag sibalikan na kami sa classroom namin
"I'll go ahead! See you around guys!" pagpapaalam ni Zara
"Bye!"
************************
Tapos na ang class namin sa araw na ito. Gusto kong pumunta nang mall para gumala ang boring kasi. Matagal na rin kasi akong hindi nakapunta ng mall. Niyaya ko naman sila Sab, Steph at Xander pero hindi daw nila ako masasamahan dahil may gagawin daw sila.
Si Sab ay pupunta sa dance class niya, si Steph ay mag fa-family dinner daw sila ng pamilya nila dahil nakauwi na ang kuya niya from UK and si Xander naman eh ewan ko sakanya, baka may date nanaman.
Naglalakad na ako sa hallway at nakita ko si Xyre.
"Xyre!" tawag ko at kumaway ako sakanya ng makita niya ako
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Baliw
Novela JuvenilThis story is your typical high school love story but revelations will shock you, villain will attack you and especially love will be upon you.