Baliw 26

84 0 0
                                        

Baliw 26: Sakit, Galit, Saya at Kilig

--

"Savannah? Anak?" tawag saakin ng mama ko, hindi ko pinakita sakanya na naapektuhan ako, I faced her with my blank expression.

Agad niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit, hindi ko siya niyakap pabalik. Gusto ko siyang makita, at eto na siya sa harapan ko. Pero kapag nakikita ko siya, bumabalik lang ang mga masasakit na nangyari noon.

Kumalas siya sa pagkayakap saakin at hinawakan ang mukha ko, para siyang masaya na masaya na makita ako, may namumuo na ring mga luha sa mga mata niya at bakas rin sakanyang mukha ang pag-alala niya.

"Okay ka lang ba anak? Wala bang nangyaring masama sayo? Saan ka tumutuloy ngayon? Bakit iniwanan mo lang kami ng isang papel? Bakit ka umalis?" sunod sunod na tanong ni mama pero tiningnan ko lang siya.

"Alam kong nasaktan kita anak pero pasensya na. I'm sorry hindi ko iyon sinasadya" tsaka siya nag simulang umiyak. Bigla naman akong nagpanic, baka ano na ang sabihin ng mga tao dito sa mall. Tiningnan ko si Zen at tumango lang siya saakin.

"Tita Bea, doon nalang po kayo sa labas mag-usap. Tara po" tiningnan siya ni mama na parang nagulat, hindi niya yata nakita si Zen kanina. Tumango lang siya at nagtungo kami sa parking lot.

Pumunta kami sa sasakyan ni Zen at ipinasok muna ni Zen ang mga pinamili niya sa compartment. Wala akong imik simula kanina pa, ayaw kong magsalita at baka umiyak na naman ako sa harapan nila. Ayokong ipakita kay mama na mahina ako.

"Papasok lang ako sa kotse, sumunod na lang ho kayo" tumango lang si mama kay Zen at pumasok na si Zen sa driver's seat habang kami ni mama ay nanatiling nakatayo dito sa labas.

Papasok sana ako sa kotse pero pinigilan ako ni mama. Hindi ko siya nilingon, pinabayaan ko nalang siya.

"Anak..." panimula niya pero hindi ko parin siya nilingon.

"Anak, I'm sorry. Pagpasensyahan mo na ang mama mo. Hindi ko naman iyon sinasadya, sana mapatawad mo ako" humihikbing sabi niya. Hindi narin napigilan ng mga luha ko at tumulo na nga sila. Pinabayaan ko nalang ang sarili ko na umiyak. I silently cried habang si mama ay umiiyak rin.

"Alam mo ba kung gaano akong nag-alala saiyo? Kami ng papa mo? Hinanap ka namin sa kung saan, nagpatulong na rin kami sa mga pulis para lang na mahanap ka. Sobra kaming nag-aalala sayo na hindi na kami makatulog ng maayos dahil palagi ka naming iniisip" hindi parin ako lumilingon at patuloy parin ako sa pag-iyak. Hindi ko siya kayang makita lalo na't umiiyak siya.

"Nag-aalala pa pala kayo saakin? Akala ko nga hindi niyo na ako naiisip dahil si Angel lang naman ang palaging nasa isip niyo at siya lang rin naman ang palaging bukambibig niyo" tsaka ako bahagyang tumawa. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang iyan sa sitwayson ko ngayon. Kahit na hirap na hirap na ako, I managed myself to say those words.

"Nag-aalala kami sayo dahil anak ka namin. Wag ka namang mag-isip ng ganyan anak. Alam mo naman sigurong mahal ka namin ng papa mo" pinunasan ko ang mga luha ko at hinarap ko siya.

"Mahal? Mahal ba ang tawag niyo sa pag-aalipin saakin sa bahay? Mahal ba ang tawag niyo sa kaka-Angel niyo sa bahay? Mahal ba ang tawag niyo sa pagpili niyo kay Angel kesa sa sarili niyong anak?" may halong galit na saad ko kay mama. Napahawak naman siya sa kanyang bibig at umiling iling.

"Sabihan niyo si Angel niyan, wag ako" pinunasan ko ang mga luha kong tumulo at matapang na hinarap siya.

"Hindi anak, hindi mo kasi maintindihan. Please let me explain" hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Girlfriend kong BaliwMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon