Baliw 23

48 1 0
                                    

Baliw 23: You and I

**

Zen's POV

Ilang oras na kaming nakaupo dito sa bench. Si Savannah ay nakatulog dahil sa pag-iyak. Nakasandal siya ngayon sa balikat ko habang natutulog. Hindi ko maiwasan na tumititig sa maamo niyang mukha.

Tinititigan ko lang siya habang natutulog. Hindi ko alam kung may sariling buhay ba ang kamay ko at bigla nalang itong umangat at hinaplos sa mukha ni Savannah. Sinundot sundot ko ang kanyang pisngi pero hindi man lang siya naalimpungatan. Dala narin siguro ng pagod. Tsk tulog mantika.

I traced my fingers on her face as if I was assessing her face. I trace my fingers from her forehead, down to her eyebrows, continuing to her nostrils, eyes, nose, cheeks and it stopped in her lips.

I was tempted but I kept myself in place. Instead, I kissed her on the forehead. This is the first time that I kissed her on her forehead. I fished out my phone and I looked at the time. It's 6:23pm. I think we should get going.

Tinapik tapik ko ang kanyang pisngi para magising pero hindi talaga siya gumagalaw. Aakalain mong patay na ang isang to pero humihinga parin naman. Kung pwede lang na sampalin ito para magising eh pero alam ko namang hindi ko kayang gawin iyon.

Binuhat ko nalang siya papunta sa karenderya. Kukunin ko lang ang bag niya at magtatanong na lang rin ako kay Aling Merna kung saan tumutuloy si Savannah.

"Oh hijo, anong nangyari sakanya?" gulat na tanong ni Aling Merna ng makarating ako sa karenderya. Iniupo ko muna si Savannah. Napapailing na lang ako ng hindi padin ito gumagalaw at mahimbing parin ang tulog.

"Nakatulog po, kanina pa nga po iyan. Tulog mantika kasi" natatawang pahayag ko kay Aling Merna. Nginitian naman niya ako.

"Nasaan po ba ang bag ni Savannah? May dala po ba siyang bag?" tanong ko rito

"Ay teka. Kukunin ko lang." pumunta siya sa loob ng counter at sumilip sa ilalim tsaka niya inabot saakin ang isang bag. Bag yata ni Savannah.

"Tsaka matanong ko lang ho, saan tumutuloy si Savannah ngayon? Ihahatid ko nalang po siya" sandaling nag-isip si Aling Merna na mukhang inaalala kung saan nga ba tumutuloy si Savannah.

"Sa pagkakaalam ko, sa ****** street. May nag iisang bahay daw doon" sabi ni Aling Merna. Tumango tango lang ako.

"Sige po. Alis na po kami" sabi ko at binuhat uli si Savannah. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Aling Merna at bahagya siyang ngumiti.

"Ingatan mo siya hijo, hindi madaling makahanap ng babaeng katulad niya" sinagot ko lang siya ng ngiti at tumalikod na. Nagsimula na akong maglakad papuntang company namin, nandon parin kasi ang kotse ko sa parking area.

Tiningnan ko uli si Savannah na mahimbing parin ang tulog. Ang payat payat pero ang bigat bigat naman. May tinatago palang bigat ang babaeng ito?

This is also the first time that I carry her like this. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ko nung nakatulog na siya.

I think I already fell for this stupid girl. I hate to admit this but I just need to accept the fact that this is a matter of fact and I'm facing reality and this is also reality.

Pinasok ko siya sa passenger seat at inilagay ang bag niya sa back seat. Pumasok ako sa driver seat at nagsimulang magmaneho. Alam ko naman ang lugar ni sinabi ni Aling Merna, madalas kami doon nung mga bata pa kami ni Zara. Doon palagi ang playground namin, sa may bandang kagubatan nung palagi kaming nag ba-bike papunta don.

Ilang minuto lang naman ang byahe papunta sa tinutuluyan ni Savannah. Nandito na kami sa may mga puno. Dere deretso lang ang takbo ko, pinahinto ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang bahay. May mga lanterns sa paligid at may mga lights na nakasabit sa puno. May isang bahay na pinalilibutan ng iba't ibang bulaklak aat ang bahay ay kulay baby blue.

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon