Baliw 4

141 5 0
                                    

Baliw 4: Love and Care, or Care lang? 

Savannah's POV:

Good morning, good morning, good morning! Ang ganda ng umaga ko! Paggising ko ang blooming ko! Mukhang walang problema sa buhay. Walang sakit at syempre happy go lucky lang ako. Pero ni-isa sa mga sinabi ko walang katotohanan. Eh pano kasi paggising ko, ang maaaaggaaaaaa ng mata ko. As in ang MAGA dahil sa pag iyak ko kagabi. At may lagnat ako. Hindi ko alam kung bat may lagnat ako. Hindi naman kasi umulan kahapon. Hindi rin naman masyadong matirik ang araw. Basta ang alam ko lang, ay nung gumising ako inaapoy na pala ako ng lagnat. 

Hindi nga ako masyadong gumagalaw dahil feel ko ang bigat ng sarili ko. So nanatili lang ako dito sa loob ng kwarto. At ang pinakamalas ay walang nag babantay at nag alaga saakin dito. Pano naman kasi ang mga magulang ko ay may mga trabaho at hindi sila pweding umabsent. Binilinan lang nila ako ng gamot na iinumin ko at naka handa na rin ang pagkain dito sa kwarto ko. At yung pinsan ko namang si Angel, hindi siya pwede kasi may klase rin siya. Kaya ang ending ako ang mag aalaga sa sarili ko. 

Tinext ko na ang mga teachers at ang mga kaibigan ko. Ok lang daw sabi nung teachers ko dahil excuse muna ako. Yung mga kaibigan ko naman todo alala saakin. Sinabihan ko lang sila na kaya ko naman ang sarili ko. Gusto nga nilang umabsent eh pero binawalan ko sila. Aabsent sila ng dahil lang saakin? Ako pa ang magui-guilty pag bumagsak sila. Pero wala naman akong natanggap na text galing kay Zen. Sayang nga dahil hindi ko siya makikita ngayong araw. Ang daldal ko na. 

Teka anong oras naba? Hmm.. Tiningnan ko ang orasan sa side table ko, at 10:46 am na pala. Teka, asan nga ba iyung gamot na binilin nila mama? Nangdito lang iyun sa side table ko. Hinanap ko ang gamot na iinumin ko ngayong 11:00 am. Asan na ba kasi iyun? Wala na akong choice kundi tumayo. Mas kailanganin ko pa ang gamot noh. Ng tatayo na sana ako, nahulog ang baso sa side table. Hindi ko namalayan na nahawi pala ng kamay ko. Kaya eto ako ngayon at pupulutin sana ang basag na baso, pero kung minamalas ka nga naman, nadulas ako dahil sa basa ang sahig na pinasimuno nung na basag na baso. May laman kasi iyung tubig. Ako na talaga ang pinaka malas na tao ngayong araw! 

Natinik kasi ako sa mga maliliit na basag na baso sa paa ko. At dumudugo ito. Nako hindi ko kakayanin to d-dahil t-takot ako sa d-dugo. 'Lord, bakit ang malas ko ngayon? Magpapakabait na po talaga ako. Maalis lang ang dugo sa paa ko. huhu' And everything went black.

Zen's POV:

9:45 am na ng umaga at second period na namin, hindi ko parin nakikita si Savannah. Asan kaya ang babaeng iyun? Wala akong naiintidihan sa mga sinasabi ng prof namin. Bat nakakamiss ang makulit na Savannah na iyun? Hoy mga readers, wag kayong mag isip ng kung ano-ano sa sinabi ko. Nakakamiss lang iyung KAKULITAN niya. Hindi SIYA ang namimiss ko. Haaaaay!! So dito lang ako sa room naito at mag aantay na matapos ang period ng napaka bagot na prof namin na puro daldal lang sa harap. 

Time check 9:56 am kailan ba matatapos tong walang kwentang subject???? 

*Lingon sa harap*

*Lingon sa tabi-tabi* 

"Pssst!!" 

"Psst!" nakailang ulit nakong sitsit ni Richard pero hindi parin lumilingon ang mokong. 

Kumuha ako ng papel. I crambled it and throw it to Richard. At ayun! Sapol sa ulo! Mukhang nagalit sya sa katabi niya, inaakala niya kasing ang katabi niya ang bumato sakanya ng papel, which is me. Bago pa niya ma sapak ang katabi niya, nag sign ako sakanya na ako ang bumato ng papel.

"I need your help." I mouthed him. Mukhang nagets naman niya agad kaya gumawa siya ng paraan.

"Sir!" tumayo siya sa kinauupuan niya.

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon