Baliw 1

441 8 1
                                    

Baliw 1: Thank you 

Savannah's POV:

"Kyaaaaaahhh!!! We love you Zen!!!!" tili ng mga babaeng fan girls ng boyfriend/husband ko.

Grabe sila kung maka tili wagas! Sabunutan ko kaya sila noh?? Aba syempre hindi rin ako magpapatalo sakanila!!

"Go Zen my labs!!!" sigaw ko din. Tiningnan naman ako nung katabi kong babae. Tiningnan ko rin siya at inirapan niya ako. Mataray ko din siyang inirapan.

Andito pala ako ngayon sa basketball court. Naglalaro kasi ang boyfie ko para makasali sila sa championship. Ang galing talaga ni Zen my labs ko!!!

*PRRRTTTT* 

Pito ng referee so meaning break na nila. Agad naman akong bumaba at may dala akong tubig at towel. Pupuntahan ko ang labs ko for moral support, love, and care for him... :">

"Zen!" tawag ko sakanya. Lumingon siya sa akin. Ang gwapo niya sa wet look. hihihi..

Ng makalapit agad ako sakanya, inabutan ko agad siya ng tubig. Kinuha naman niya at ng punas ako ng pawis niya. Galing noh??? para talaga kaming mag syota. Ooopps. Let me rephrase that. Mag syota pala kami hihihi...  'in you dreams Savannah!! Hindi kayo mag syota!! At haleerr!! Kailan pa siya nangligaw sayo??? Aber??? Isa ka talagang ultimate ilusyonada!!'  Sabi ng isipan ko. Well mag syota man kami o hindi kami parin ang para sa isa't isa MAY FOREVER! <3

Tapos hindi naman siya ang manliligaw kundi AKO. Oo. Tama kayo ng basa. AKO nga ang manliligaw niya. Nililigawan ko siya since last year pa. Noong second year of highschool pa kami. At ngayon na third year na kami, nililigawan ko parin siya. 1 year ko na siyang nililigawan pero ayaw naman niya akong sagutin pero hindi parin ako gumi give up sakanya.

Ako nga pala si Savannah Gonzalez. Soon to be Mrs. Santos. Ako ang girlfie/wife ni Zen my labs. Kapag na i-imagine ko na tinatawag na nila akong Mrs. Santos kinikilig ako!! Kyaaaahh!! Pero sa daydream ko lang pala nangyayari ang mga iniisip ko. Haay! Hirap ng buhay!!

Kailan kaya ako sasagutin ni Zen?? Kailan kaya rin niya ako papakasalan?? Grabe!! Future agad ang iniisip ko!!

"Hoy miss.. Inuulit ko, hindi kana pweding makalapit dito sa mga players. Bawal lumapit sakanila habang naglalaro o nag break muna." sita ni manong referee saakin. 

ANOO???? HINDI NAKO PWEDI MAKIPAG KITA KAY ZEN????!! NO WAY!!

"HOY MANONG!! WALA KANG KARAPATAN PARA UTUSAN MO KONG LAYUAN ANG ZEN KO!!!" galit na sigaw ko sakanya. Wala akong pakealam kung nag eeskandalo nako dito.

Hinawakan naman ako ni Zen sa kamay at lumayo muna kami ng konti sa kanila. Mag ka holding hands kami ni Zen my labs!!! Kyaaaah!! Kilig to the bones na talaga to!!! Grabe talaga ang tama ko sakanya!! Mas lumala pa ngayon!!

"Wag ka nga mag eskandalo dito Savannah. Bumalik kana nga sa bleachers. Nababaliw kana talaga. Tsk Tsk Tsk.." sabi ni Zen my labs at napa iling pa. 

"Pero--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pumito na agad ang referee. Epal talaga tong si manong oh!! Kung saan nasa kilig moments nako sinisira naman niya!! Panira ng moment!!

"Mamaya na tayo mag usap" sabi ni Zen at tumakbo siya papalapit sa mga ka team niya. Ako naman ay nagdadabog na umakyat sa bleachers at naka pout pa. Grabe naman sila. Hindi na nila ako hinayaan maka lapit kay Zen my labs.

Nanonood ako sa laro nila at focus na focus talaga ako kay Zen ng may nag beep sa loob ng bag ko. 

Calling...

Bestie Tep tep..

Si Steph lang pala. Isa sa bestfriend ko. Siya ang pinaka WILD sa amin. Para nga siyang amazona kung magalit eh. Sinagot ko naman agad ang tawag.

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon