Baliw 15

52 1 0
                                    

Baliw 15: Confrontation #2

Savannah's POV

Tapos na ang rest day ni Zen at papasok na siya ngayon, kaya nga nagmamadali ako ngayon para mahintay ko siya sa gate.

"Alis na po ako Ma!" hindi ko na pinasagot pa si Mama at lumabas na ako sa bahay. Pumara agad ako ng jeep patungong school, sana nga walang holdup ngayon >_<

"Bayad ho" pasa ko sa katabi kong pasahero at bumaba na ako ng nasa gilid na ako ng school, konting kembot na lang at mararating ko na ang gate.

Kung saan malapit na ako sa gate, may bato pa talagang nakaharang at napatid ang paa ko, muntikan na akong madapa kaya lang may nakahawak sa kamay ko.

"Hindi kasi nag-iingat tsk" tinanaw ko kung sino ang nakahawak sa braso ko at agad na tumayo ng maayos

"Zen?! Okay ka na ba?! Ba't naka benda iyang kaliwang kamay mo?"

"Okay na ako. Masakit kasi kapag iangat ko kaya siya nakabenda" aniya at nagsimulang naglakad papasok sa eskwelahan

Eh?

Sinundan ko naman siya. Ang mga estudyante dito sa school ay napasinghap ng makita nila si Zen na may mga sugat at nakabenda ang kaliwang kamay.

Tapos nung napatingin sila saakin, para akong tinutusok sa mga paningin nila. Ito ba iyong sinasabi nilang deadly glare will slowly kill you? Kasi kung oo, it's slowly killing me >_<

Bigla naman akong gustong mag cr kaya pumunta na muna ako sa cr. Pero kapag papunta ako ng cr, naiisip ko na naman ang sinabi ni Veronica saakin, baka nandun siya sa cr ngayon at i confront ako.

Wag na lang kaya akong pumasok sa cr? Nakakatakot naman kasi >_<

Nasa tapat na ako ng pinto ng cr. Papasok ba ako o hindi? Pero gusto ko na talagang mag cr! Bahala na si batman saakin.

Pumasok nga ako sa cr at dali daling pumasok sa isang cubicle. May narinig akong pumasok sa cr at sinilip ko sa ilalim kung sino.

Apat silang mga babae at mukhang nagreretouch ng make up sa mga mukha nila.

Lalabas na sana ako ng napahinto ako dahil sa usapan nila.

"Nandito na si Zen. Ang dami niyang pasa!" girl1

"Oo nga, kawawa nga siya eh. Ano bang nangyari sakanya at dalawang linngo siyang hindi pumasok?" girl2

"I heard na dahil daw nung Savannah na iyon kaya siya naghospital" girl3

"Ano?! Anong nangyari?!" girl4

Lagot ako nito, hindi talaga ako makaalis ng buhay dito

"Ang tsismisan dito ay dahil daw na nasagasaan siya ng dahil sa Savannah na iyon" girl3

"Ano?!" sabay na sigaw ng tatlong babae. Mukhang galit na galit sila saakin

"Kung makikita ko iyong Savannah na iyon sisiguraduhin kong hindi na siya masisikatan ng araw!" girl2

Heto na po ba ang katapusan ko Lord? Hindi parin ako umaalis sa cubicle at mukhang 10 minutes na akong narito. Hindi pa rin kasi umaalis tong mga babaeng buyog na to. Tsismis lang ang inatupag dito.

Tiningnan ko ang orasan ko at malapit ng magstart ang first subject namin. Patay talaga ako nito.

"Don't you think how it's boring how people talk?"

Napatalon ako ng biglang nag ring ang phone ko. Kung makatawag si Steph wrong timing pa talaga! Pinatay ko na ang phone ko

"Sayo ba iyung phone na nagring?" narinig kong tanong nung isang babae

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon