Baliw 19

50 1 0
                                    

Baliw 19: Where should I go?

Savannah's POV:

12:34am na pero gising na gising parin ako. Hindi nawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Kung sabagay mukhang mas kailangan nila si Angel kesa saakin.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa tapat ng pinto sa kwarto ko at pumunta sa tapat ng closet ko.

Nakakarami na akong buntong hininga simula kanina pa. Kanina ko lang ito napag isipan at naguguluhan pa ako kung ano na ang magiging desisyon ko.

Nag buntong hininga muna ako for the 9th time tsaka ko binuksan ang closet ko. Kinuha ko ang isang malaking bag. Nagsisimula na akong mag lagay ng mga damit sa bag, at eto na ang desisyon ko.

Aalis na ako sa bahay nato since wala naman akong kwenta sa paningin ng magulang ko. Nagmamadali akong maglagay ng mga damit sa bag ko, kailangan ko ng maka alis dito bago pa mag umaga.

Kinuha ko ang violin at isinuot ang sling nito. Pumunta muna ako sa study table ko at kumuha ng ballpen tsaka papel.

Nagsulat ako ng note pero hindi ko sinabi sakanila kung saan ako pupunta. Kinuha ko na ang bag ko at dahan dahan na binuksan ang pinto. Dahan dahan akong bumaba, iyung wala ka talagang maririnig na mga yabag.

At success! Nakalabas na ako sa bahay. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Walang tao sa labas at mukhang ako lang ang nandito. Lakad lang ako ng lakad medyo malayo narin pala ako sa bahay. Napahinto ako ng may biglang sumagi sa isip ko. Napasapo ako sa noo ko.

Ang tanga tanga ko! May layas layas pa akong nalalaman eh hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ako matutulog.

Ano na ba? Babalik na lang kaya ako sa bahay? wag! Baka may iba pang mapupuntahan! Where should I go?

Aha! doon na lang muna ako makikitira kina Steph or Sab!

Naglalakad na naman ako ng may sumagi na naman sa isip ko. Napasimangot na lang ako, hindi pala ako  pwede doon, baka puntahan nina mama sina Steph at Sab. Alam pa naman nila kung saan ang bahay nila.

Pero mukhang hindi naman nila ako hahanapin diba? Diba?

Para na akong baliw dito sa kalsada, nag ba-back and foruth na ako ditong maglakad. Buti nalang at walang tao dito.

Teka, saan na nga ba ako? Paglingon ko wala ng mga bahay at mga damo na lang ang nakikita ko. Waaaah!! Ito na ang napala ko sa paglalayas ko!

Dahan dahan akong naglakad at may isang bahay akong nakita. Pinagmasdan ko lang ito at mukhang walang tao. Lumapit ako ng lumapit, ng nasa pinto na ako, kumatok lang ako ng kumatok pero walang sumasagot.

Binuksan ko ito at hindi ito naka lock kaya naka pasok ako. May nakita akong switch sa gilid at pinindot ito, bigla na lang nagliwanag ang buong bahay.

"Wow" manghang sambit ko ng makita ko ang luob ng bahay. Baby pink ang kulay nito, may mini sala at minikitchen pero kasya pa naman ako dito.

Naglibot libot lang ako, wala itong second floor at may dalawang kwarto dito. Binuksan ko ang nasa left, may nakita akong higaan atsaka may mga laruan pa na para sa isang batang babae. Pumasok ako at umupo sa higaan.

Pinagmasdan ko lang ang buong lugar, lumabas ako at pumasok sa pangalawang kwarto, lavender na man ang kulay nito at favorite color ko pa talaga!

Ibinaba ko ang bag ko at ang mga gamit ko sa higaan. Mukhang wala  namang tao dito. Abandon house naman yata ito kaya keri lang na dito muna ako tumira.

Ang Girlfriend kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon