Baliw 25: Mall
--
Nakasakay na kami ni Zen sa sasakyan niya. Simula kanina, wala na siyang binanggit kahit isang salita man lang. Nag aalala na ako sakanya, may sinabi ba akong mali kanina? Na realize niya kaya na mahal pa niya ang first niya?
Umiling iling ako. No. Hindi ako papayag, masasayang lang ang lahat ng effort ko kung ganun. Lumingon ako kay Zen ay seryoso lang siyang nag da-drive. Mukhang ang lalim ata ng iniisip niya.
"Anong gagawin natin sa MOA Zen?" tanong ko pero wala pa rin siyang kibo. Kinalabit ko siya at nagulat naman siya kaya napalingon siya saakin pero sandali lang iyon dahil nag concentrate uli siya sa pag da-drive.
"H-ha?" Mukhang ang lalim talaga ata ng iniisip niya.
"Sabi ko, anong gagawin natin sa MOA?" tanong ko ulit
"Ano bang ginagawa sa mall Savannah?" sarkastikong tanong ni Zen. Hmm ano nga ba?
"Kumain, mag strolling, window shopping, mag shopping, mag groceries, mag laro mag--" pinutol ni Zen ang sasabihin.
"Baliw, talaga naman iyan ang gagawin sa mall. Kaya bakit ka pa nag tatanong?" hindi ako naka imik pa ng na realize ko na ang tanga tanga pala ng tanong ko. Itinikom ko nalang ang bibig ko hanggang sa makarating kami ng mall.
Pinark niya muna ang sasakyan sa parking lot at kitang kita mo naman na ang sasakyan lang ni Zen ang mukhang mamahalin. Eh Audi r8 lang naman ang sasakyan niya. Ang ganda pa ng kulay dahil matte black ito. Oh diba? Dakilang stalker na talaga ako dahil pati ang sasakyan niya alam ko ang brand at model.
Pagkapasok namin ng mall ang dami agad na tao ang bumungad saamin. Last na punta ko sa mall ay nung araw na bumili ako ng flowers at chocolates kay Zen. At iyun din iyung araw na wala na akong pamasahe tsaka na snatch pa talaga ang wallet kong may limang piso na laman.
Napailing na lang ako sa araw na iyun. Hala! Ang flowers at chocolates ni Zen! Buti nalang at ang flowers ay inilagay ko sa vase na may tubig so baka hindi pa ito namatay. Tsaka ang chocolates ni Zen ay nasa mini ref don sa bahay.
Naalala ko naman na iyun rin pala ang araw na nag away away kami ng mama ko dahil lang don kay Angel tsk. Ayoko pang maalala iyun.
Naglakad lakad muna kami ni Zen at nakasunod lang ako sakanya. Tuwing may babaeng nag papacute kay Zen sinasamaan ko ng tingin. Aba dapat lang laging handa baka sa isang kislap na agaw na agad nila si Zen.
Habang nag lalakad kami ni Zen, may isang matangkad na babae na nakasuot na fitted red dress at may cleavage pa talaga. Hindi ba siya nandidiri sa sarili niyang suot? Kulang nalang maghubad na siya dito sa mall at ibalandara ang katawan sa madla.
Napatingin naman siya kay Zen at para itong nagaakit sa kanyang mga tingin. Ang sama sama tuloy ng tingin ko sakanya, napakapit naman ako sa braso ni Zen at tiningnan siya, tiningnan naman niya ako habang nakataas ang kilay pero nilampasan lang namin siya ni Zen.
Phew buti naman. Nakakapit parin ako kay Zen pero hindi naman siya umangal kaya mag eenjoy na lang ako dahil para kaming nag hhww dito kaso lang sa braso lang niya ako nakahawak.
Sakto namang nag play ang music ng Oh Pag-ibig dito sa mall kaya mas lalo akong napangiti.
(Now Playing: Oh Pag-ibig by Bailey May and Ylona Garcia)
🎵Oh oh pag-ibig, oh oh, Oh oh pag-ibig, oh oh
Bakit ganito ang nadarama makita lang kitang isang saglit ang araw ko ay buong buo
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Baliw
Ficção AdolescenteThis story is your typical high school love story but revelations will shock you, villain will attack you and especially love will be upon you.