6-His happy virus

264 15 0
                                    

[A/N]: Dedicated to Domokun2005. Hi! ^_^

Dara's POV

SANDARA PARK, DAUGHTER OF A MULTI-BILLIONAIRE POLITICIAN AND BUSINESSMAN, FILMED SEEING KWON JIYONG, WHO IS NOW THE NEW CEO OF PARK KINGDOM ENTERPRISES. THEY HAVE BEEN RUMORED MANY TIMES TO BE DATING INSIDE THE BUSINESS PREMISES AND NOW THE ISSUE HAS BEEN CONFIRMED BY LEE CHAELIN, KWON JIYONG'S FIANCE, WHO SAID IN AN INTERVIEW THAT INDEED, HER FIANCEE DATED DARA PARK WHEN THEY HAVE BEEN THROUGH TOUGH TIMES. SHE EVEN SAID THAT THANKS TO DARA, THEIR RELATIONSHIP HAS BECOME STRONGER. SANDARA PARK HAS NOT RELEASED ANY STATEMENT AS TO HER SITUATION ESPECIALLY NOW THAT SHE DOESN'T HAVE HER COMPANY ANYMORE AND WHAT'S MORE IS THAT HER EX IS RUNNING IT NOW, WITH HIS FIANCE. FOR MORE BUSINESS NEWS UPDATES..

"Get out of this house!" malakas na sabi sa akin ni appa matapos akong bigyan ng isang malakas na sampal. Sanay na naman akong sinisigawan o sinasampal, dahil ni minsan hindi pa siya nakuntento sa anumang ginawa ko, pero ang masakit lang, iyong dalawang unang salita sa sinabi niya. "GET OUT!"

"Pero appa!!! Please!!!"

"Didn't you hear me? GET. OUT. NOW!!!"

Ilang mararahas na pag-alog ang tinamo ko.

"MISS DARA!!! GISING!! HUY!!" Agad akong napabalikawas sa puntong iyon at saka ko lang napagtanto na nananaginip pala ko.

Talagang itinatakwil ako ni appa noon. Kung tutuusin, kasalanan ko naman. Ako ang nagdala ng lahat ng kahihiyan sa pamilya namin. Pero takte, ang sakit talaga. Iyong feeling na ipinagtabuyan ka ng sarili mong appa? Kulang na lang lagutan ko ang sarili kong hininga sa sobrang frustration at disappointment sa sarili.

Flashback On

"Anak, pasensya ka na sa dad mo, nastress lang siya sa mga nangyayari." pakikipag-usap sa akin ni eomma habang nag-aayos ako ng mga gamit ko sa loob ng aking kwarto.

"Tama naman po si appa, I need to go." sabi ko na lang at niyakap siya ng mahigpit.

"Are you sure about this?"

"Yes, I need to fix myself, eomma." Hindi magiging madali, pero kakayanin ko. At sisiguraduhin kong babalikan ko siya.

Pagkalabas ni eomma mula sa kwarto ko ay nakita ko namang sumilip mula sa pinto ang mga kapatid kong sina Cheondung at Durami.

Iniangat ko ang dalawa kong braso at nilawakan iyon bilang senyas na gusto ko silang yakapin, at agad naman silang nagsilapit sa akin. Namiss ko sila ng husto, kanya kanya na kasi kaming buhay ngayon lalo at tig iisa kami ng hinawakang business. Wala na nga pala iyong sakin.

"Wala na ba talagang atrasan to ate?" maluha luhang tanong ni Durami. Ang sweet niya talaga, kahit kailan.

Umiling na lang ako.

"Kasalanan ito nung Jiyong na iyon. Ipinagkatiwala pa naman kita sa kanya." matigas na pakakasabi ni Cheondung.

"Sshhh. Kalimutan na lang natin kung anuman ang nangyari. Pagbalik ko, okay na ko." Nagbbuing bbuing pa ako sa kanila.

Tama si Jimin, ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon ay kung paano babangon. Wala eh, ang tanga ko kasi. Nainlove ako sa isang ahas.

Flashback Off

Nagdilat ako ng mata para tingnan ang taong pasasalamatan ko, ang taong gumising sakin mula sa bangungot na iyon at walang ano-ano'y naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya.

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon