[A/N]: RIP Chanyeol's innocence. Bear with this chapter. XD
Chanyeol's POV
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa kwarto ni Dara. Career ko na talaga pagtawag sa kanya ng walang noona no? Siya nagsabi nyan eh.
Tok! Tok!
(No Response)
"Ah Dara, pwede ba tayong mag-usap? Tungkol kanina." Sana naman hindi niya ako ipagtabuyan.
(Still No Response)
Ayaw mo ha! Pinihit ko na lang ang doorknob. "Hindi pala nakalock," sabi ko sa isipan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto hanggang sa kita ko na ang kabuuan ng kwarto ni Dara.
Ilang beses na rin akong nakapasok dito pero iba pa rin talaga ang pakiramdam tuwing gagawin ko iyon.
Babae ba talaga ang isang to? Ang kalat! Parang nung huli ko lang na pasok dito maayos naman. Bumagyo ba? Saka ko na ayusin pag sinabi niya. Baka may mawalang gamit at ako pa ang pagbintangan. Mahirap na!
"Wala ata si Dara, baka nasa banyo.." nasabi ko na lang.
Nang akma akong lalabas, napatingin ako sa banyo dahil may lumabas. Alam ko namang siya iyon pero hindi ko inakala na isang VENUS ang masisilayan ng gwapo kong mga mata!
Talagang napanganga ako sa nakita ko. Para akong isang lion na gutom na gutom. Hindi ka ba magugutom sa isang babaeng cute at petite na kakaligo lang at ang tanging pantakip ay tulwalya sa bewang? Wetlook bro!
Slim ang katawan niya pero halatang maintained. Alaga ata to sa gym. Maputi naman siya na likas sa isang Koreana, pero may shade ng pagkaPinay. Nakadagdag sa perfect appearance niya! Dun daw to sa Philippines lumaki eh.
Hindi natuloy ang pag-scrutinize ko sa wholesomeness niya kasi napatikhim ito at agad akong nakabalik sa ulirat. Pero nakaregister pa rin sa isipan ko ang kabuuan niya- from head to toe!
Ano ba to? Manyak na ata ako! Umayos ka Park Chanyeol!
"W-What do you want?" tanong niya sa 'out of this world' kong sarili habang nagmamadali niyang isinuot ang bathrobe mula sa kung saan. Bakit ba kasi hindi niya dinala iyon sa bathroom? Disgrasyada na tuloy ang innocence ko. My virgin eyes. T_T
"You.." wala sa katinuan kong sagot. What?! Yun ang nasabi ko!? Sh*t sh*t sh*t! Agad naman akong bumalik sa wisyo at sinasampal-sampal ang mukha ko. "A-Aniyo!" nagwawala kong sabi. Kasi naman eh! Pagnanasa pa more!
May ngiti ng nakapinta sa mukha niya ngayon. Tila natatawa sa ikinikilos ko! :'O Awt. Long sleeves iyong bathrobe niya. Goodbye hot Dara! Hala! Inisip ko ba talaga yun?
"So bakit ka nandito?" tanong niya ulit. Bumalik ang mukha niya sa pagkaseryoso gaya kanina.
"Gusto ko lang sanang magsorry sa late kong pag-uwi. Mianhe. Pinilit kasi ako ng eomma mo na dun na magbreakfast at magsnack. Hindi tuloy kita naipagluto kaninang umaga. Kahit may deal tayo, alam ko naman kung ano talaga ang obligasyon ko...." paghingi ko ng pasensiya habang nakayuko. Alam ko naman eh, katulong lang ako. Masyado lang kasi akong nadala sa pagpapanggap namin.
Nung nakita ko sila ni Donghae hyung, nagwala na lahat ng bulate sa tyan ko at di kinaya ang lahat lalo pa nung naisip ko na hindi pa rin siya bumabalik sa office kasama si hyung. Kaya naglayas ako, pero overnight lang naman talaga ang balak ko. Kaso iyon nga, bigla ko na lang napagbuksannng gate ang appa niya.
"Naiwan mong nakatiwangwang iyong dorm. Iyong washing machine nakabukas, iyong mga pinagkainan ni baby Dayeol andun pa, iyong mga sinampay mo basang-basa pa dun, naiwan mo pang tumutugtog iyong phone mo. Iyon ang inabutan ni Bom para magconclude na nawawala ka."
BINABASA MO ANG
House Husband (ChanDara FF)
Random"Very simple, you'll be my husband and you can claim whatever price you want." Tama bang dinig ko? G-Gusto n-niya kong maging asawa?! Oh no! Bakit hindi niya agad sinabi? Haha. "You said I can claim whatever price I want, right?" tanong ko sa kanya...