[A/N]: Dedicated to Kweesteen Park. Thanks for the picture edit. <3
Dara's POV
Kinabukasan, nagising ako sa walang habas na pagkatok sa pinto ng kwarto ko. "Dara! Dara!"
Inis na bumangon ako habang nagkukusot pa ng mga mata at nagsuot ng bedroom slippers bago binuksan ang pinto para harapin ang nambubulabog. "Ano ba? Ang ingay-ingay mo ah!"
"Eh kasi, may itatanong lang sana ko."
"Ano ba iyon? Bilisan mo at antok na antok pa ko." Sunday ngayon kaya pwede pa kong bumale.
"Kanino yung cellphone sa cr?"
"Aaaaarghhhhh!!! Bwisit ka!!! Ginising mo ko para lang dyan?"
"Eh ano bang gagawin ko dun?"
"Itapon mo, mamaya bibili tayo ng bago."
"Ikaw lang, wala naman akong pera. Di mo pa ako sinuswelduhan." Omo! He's pouting right now. Bakit parang ang cute nya ngayon? Aish, puyat lang to. Bakit nga ba ko napuyat kagabi? Tss. Kasalanan niya. Kung anu-ano tuloy pumasok sa isip ko.
Pero.. pareho lang kaming nawalan ng phone. Siya dahil sa pagkaclumsy niya at ako sa karma sa pang-aapi sa kanya.
"At baka nakakalimutan mo, kung di mo ako ginulat nun, hindi mahuhulog iyong phone ko sa toilet bowl."
"Oo na! Sige na! Bibili din tayo ng bagong phone mo mamaya. Basta tumahimik ka lang." It won't hurt to be kind to him once in a while right?
"Talaga?" May pakutikutitap pa ng matang nalalaman ang isnag to, kala mo naman pasko.
"Oo na nga sabi! Ang kulit! Basta patulugin mo muna ko kahit isang oras lang tapos paggising ko dapat nakahanda ka na," I instructed him.
"Bwo? Wae? Diba dapat si Jjangme hyung na lang kasi siya naman ang driver?"
I sighed. "Wala siya ngayon kaya ikaw ang sasama sakin."
"Sabi mo iyan ah, ano to? Date? Siguro sinadya mong paalisin si Jjangme hyung para masolo mo ko?" Patawa-tawa pa siya.
"Kapal! Manganganak ang asawa niya kaya wala siya rito. Pero sige, tutal kailangan din naman nating magpractice." Pakasabi ko nun ay parang may nakita kong lungkot sa mga mata niya. Saglit lang iyon kaya binaliwala ko na lang. Baka nag-iimagine lang ako ng mga bagay-bagay. "Wag ka na palang magluto ng breakfast, sa labas na rin lang tayo kumain."
And in a split-second his face brightened. "Yehet! Date na talaga to! Ididate ako ni Dara! Pyoong!" He totally looks like an idiot marching to and fro with his happy expression.
"Tumigil ka nga! Matutulog na ulit ako," saway ko sa kanya. Pero parang gumaan ang pakiramdam ko dahil hyper na naman siya.
Why do I care so much about his reaction anyway? Hay naku Dara, krung-krung ka talaga! Dala siguro iyan ng pagiging matandang dalaga. I'm so hopeless.
Just like that, I ended the conversation by closing my door.
After 12345678910 minutes..
Ugh! Iyong totoo? Nag-extend ba ko ng tulog o nagmukmok lang bago magprepare ng sarili para lumabas? Hay. Di ko na alam kung anong nangyayari sakin. Nagsisimula na naman akong ma-out-of-focus.
"D-Dara??" Iyan agad ang bungad sakin ni Chanyeol na nakaupo sa couch. Kanina pa ba siya naghihintay? Ano bang drama nya at parang nakakita sya ng multo? Ay hindi pala iyon drama, horror iyon.
BINABASA MO ANG
House Husband (ChanDara FF)
Random"Very simple, you'll be my husband and you can claim whatever price you want." Tama bang dinig ko? G-Gusto n-niya kong maging asawa?! Oh no! Bakit hindi niya agad sinabi? Haha. "You said I can claim whatever price I want, right?" tanong ko sa kanya...