16-Pyesta XD

197 13 10
                                    

[A/N]: Annyeonghasseyo! Habang tumatagal parang wala ng masyadong nagbabasa nito. Ayos lang, I write to express, not to impress. Pero sana kausapin niyo ko pag may time. Nakakabaliw ang sobrang feelseu~ Boring magsarili. ^_^

Chanyeol's POV

Dahil kay Doorami na makulit at hindi nagmana ng kasungitan sa kapatid na si Dara ay pumayag akong magpahatid kami ni baby Dayeol sa kanya. Sumakay na lang kami ni baby sa kotse niya at nagsound trip sa loob. Napapailing lang habang nakangiti si Doorami tuwing mapapatingin siya samin, lalo sa hyper na si Dayeol sa pag-indak sa music hanggang sa antukin na ito

Malayo talaga ang Busan sa Seoul kaya natagalan kami sa byahe.

Tanghali na nang dumating kami sa Seoul. Nasa tapat ng bahay ni Dara ang sasakyan ni Doorami nang ipinarada niya ito. "Alagaan mo ang unnie ko. Kahit nagpapanggap lang kayo." Oo nga pala, narinig niya kaming nag-uusap kanina ng appa niya. Habang tumatagal, lumalaki ang radius ng lihim na tinatago nila, na parte na rin ako ngayon. Anong mangyayari pag nalaman na ni Dara ang totoo? Naduduwag ako.

Bumaba na lang ako at saka nagthank you. "Ne, kamsahamnida."

Ngumiti naman siya na parang gumaan ang loob sa simpleng sagot ko at saka pinaandar ang sasakyan. "Saka na lang tayo magsister bonding Dara unnie, jalgayo!" Para akong binuhusan ng ihi sa narinig ko. Yuck! Bakit iyon pa naisip ko? Parang iyong kalahati ng katawan ko nasa Sahara Desert tapos iyong kalahati naman ay nasa Nepal.

Unti-unti akong lumingon habang karga-karga ang tulog na si baby Dayeol at laking gulat ko nang masilayan ko si Dara sa may pintuan na galit ata. Bukas ang gate kaya tanaw na tanaw ko siya sa loob at nakapuntirya ang masama niyang tingin sakin. Hala! Siguradong dahil sa time check. Pero sabi niya naman kanina, kaya niya na ang sarili niya.

"Ikaw ng bahala dyan." Doorami gave me a knowing look and I nodded in frustration. Tuluyan nang umalis si Doorami at nang nasa kalayuan na siya ay pumasok na ako sa gate.

Isasara ko sana ang gate ng magsalita si Dara. "Iwan mo lang iyang bukas." Ha? Bakit naman kaya? May hinihintay ba siyang bisita? Sino? Takte, may LL na ba siya? Pano naman ako?!

Iniwan ko na iyong bukas na gate at lakad pagong ang ginawa ko papunta sa may pintuan. Kabado talaga ko. Nagbabakasakali akong papasok na si Dara sa loob dahil sa katagalan ko. Ngunit bigo ako.

Nasa harap ko na siya at tatlong dangkal lang ang layo namin. May namuong kaba sa dibdib ko. Ito ba iyong tipo ng eksenang napapanood ko sa Philippine Drama Series na pagtatatalakan ng amo ang katulong kasi tatanga-tanga to? Di ko maimagine ang beastmode 2.0 ni Dara. Sabi ko nga, pang-Romantic Comedy lang ako.

"Ahh, Dara pasensya na kung di ako nakapagpaalam kas-" Bigla niyang pinutol ang pagdadahilan ko.

"Well, I guess there's nothing wrong to have a date. You're a guy and you have your needs. Basta sa susunod, kung makikipag-date ka sa kapatid ko, magpaalam ka, wag mo ng isama si baby, at wag mo ng pinag-aala-...Tsk! Never mind. Pumasok ka na lang." iritadong sabi ni Dara habang napapangiwi sa sakit ng kamay niya. Anong meron sa kamay niya?

Nagkibit-balikat na lang ako at napabuntong-hininga. "Ano bang sinasabi mo? Hindi kami nagdate. Nagmagandang loob lang siyang ihatid kami pauwi ni ba-" Yung totoo? #PutulanLines ngayon? Ipatrend na yaaaan. Tag niyo na rin si @misshugotera, account ng author nito na nakasinghot ng medyas na di pa nalabhan mula pasko. Gross!

[A/N]: Luh! Siraan ba ko sa readers? Tenga mo anlaki!

At least totoo diba? Pero balik tayo wa pagsusungit ng maganda kong amo na may pangit na ugali.

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon