24-Who left who?

202 10 0
                                    

Chanyeol's POV

Tama lang pala na sinabi ko sa appa niya na titigil na ko. Ititigil na namin to. Ito ang mga naiisip ko habang palabas ng bahay para maglakad-lakad. Wala akong tiyak na direksyon kung saan patungo pero kailangan ko lang munang makalayo sa bahay ni Dara.

"Chanyeol! Yah! Chanyeol!"

Nagbalik ako sa kasalukuyan sa loob ng coffee shop dahil sa kamay na kumakaway-kaway sa tapat ng mukha ko. "Chaerin noona!?" Nasa harapan ko na pala siya at nakaupo na parang magkaibigan lang kami na may kailangang pag-usapan habang umiinom ng mainit na kape. "Anong nangyari sayo, noona?"

"Ah, wala lang to." Pansin ko ang pagtatakip niya ng hoodie sa kaliwang parte ng mukha niya pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang malaking pasa dun.

"Noona, nag-away ba kayo ni-"

"Aish, kailangan ko pa bang iconfirm in public?" sabi niya at ngumuso sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang ilang paparazzi. Sila iyong tipong interesado sa mga issue ng mayayamang tao lalo na iyong may malalaking pinapatakbong negosyo.

"Gusto mo bang lumipat tayo?"

"Huwag na, hindi rin ako magtatagal. Gusto ko lang sabihin sayo na alagaan mong mabuti ang bestfriend ko." Kung alam lang niya na nandoon sa bahay ni Dara ang asawa niya ngayon..

"Sinasabi mo ba iyan para sa ikabubuti niya o dahil kay hyung?"

"Ano namang tungkol sa kanya?"

"Marriage niyo. Kayo."

"Walang kami. Kahit ang marriage namin, kathang isip lang, at alam niya na iyon ngayon." Edi kung ganun, kaya pala ang lakas ng loob ni hyung na makipaghalikan kay Dara ko. "Ang masakit lang, naniwala ako sa fantasy. At ang tanga ko kasi ibinigay ko lahat."

"Eh paano ka na niyan noona?"

"May anak ako. Iyon na lang ang pagtutuunan ko ng pansin. Naging masaya naman ako kahit papano nung nasa ibang bansa kami. Naramdaman ko na magkaroon ng isang buong pamilya. Na ngayon wala na. Kaya ikaw ingatan mo si Darong." Kanina ayaw niya pang magsalita dahil sa paparazzi tapos ngayon nilabas niya na lahat. Iba din.

"Noona, baka maissue tayo nito. Mauna na ko. Baka hinihintay na ko ni Dara. Ipagdadrive ko pa siya at sabay na kaming pupunta sa office."

"Kayo na ang sweet! Ayieee!" pantutukso ni noona pero napapangiwi pa rin siya ng kaunti sa sakit siguro ng pasa niya sa mukha.

Nagmamadali akong bumalik sa bahay pero wala akong taong nadatnan. Isang malaking tanong lang ang rumehistro sa isip ko.

Sumama na ba siya kay hyung?

Dara's POV

"Kaya pala nakita kong tumatakbo palabas ng bahay niyo si Chanyeol. Malamang nakita niya rin kayo. Anong ibig sabihin nito Dara?"

Walang lumabas na salita mula sa bibig ko dahil sa sobrang gulat. Bakit siya ang kailangang makakita?

"Makakaalis ka na. Kailangan naming mag-usap ng kaibigan ko."

"I'll stay for Sandy. I'm responsible for this," sabi ni Jiyong.

"Umalis ka na Kwon Jiyong! Alis!" Wala ng nagawa si Jiyong ng ipagtulakan ito ni Bom unnie palabas ng pinto.

"Matagal na bang ganito? Dara, wake up! Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sayo noon? May asawa ka na! Kaya pala hindi ka namin makontak sa dorm."

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon