7-The Intruders

257 19 13
                                    

[A/N]: Hello kay jenny_park61! ^_^

Chanyeol's POV

"Ano bang pinagsasasabi mo maknae?" Iniloudspeaker ko ang phone ko bago nagpatuloy sa paglilinis ng CR.

"Nakalimutan mo na ba hyung? Iyong girlfriend mo! Nakita namin kayo kahapon na magkayakap sa tarangkahan kaya kinukulit nila ko."

"Panong?? A-Andito kayo kahapon?? Bakit??"

"Bibisitahin ka sana namin hyung, hindi ko naman alam na iyong girlfriend mo yung nakatira dun. Ikaw hyung ah, destiny na yan."

"Pabo! Siya ang amo ko!"

"Mwo? Pero in her 30s ang nakalagay sa job ad na na-"

"31 na sya."

Dinig na dinig kong humagikhik ito sa kabilang linya. "Sinasapian ka ata ni Chen hyung eh. Ayaw mo kang sigurong makausap namin siya. Ang daya."

"Seryoso Oh Sehun."

"Okay, I got it. I got that good good, I got that got that good good~"

"Jalgayo na nga!"

"Hyung naman, di mo trip yung kanta? Bahala ka basta pupunta kami-" At binabaan ko na nga.

"Yari ako ngayon. Ugh!"

"Hoy! Wag kang magbalak na dagdagan ang nasira mong jar! Basic hygienic need ang bowl sa banyo ng kwarto ko."

Sa sobrang pagkabigla ay nabitawan ko ang phone ko at shoot siya sa inidoro. Ugh! Pag minamalas ka nga naman.

"Kinakausap kita!" Heto na naman ang beast side nya. Tss.

Lumingon na ako sa nagsalita. Yari talaga. "Ano iyong narinig kong tungkol sa girlfriend mo? May date ba kayo? Ipapakilala mo siya sa barkada mo?"

Naloko na. Anong sasabihin ko sa kanya?

"Pwede ba wag mo kong hayaang magmonologue dito? Kaya ba nagdadalawang-isip ka sa offer ko dahil may girlfriend ka na? Maliwanag na nakalagay sa job advertisement ko na dapat single ang-"

Tinakpan ko ang bibig nya ng palad ko pero agad niya ring tinanggal iyon.

"Kadiri ka! Wag mo kong hawakan pag naglilinis ka ng banyo!"

"Speaking of banyo," sabi ko sabay lingon sa bowl, "gagamit ka ba?"

"Bakit? Manonood ka? Bastos ka-"

Hinila ko siya palapit sa bowl para makita nya kung ano ang gusyo kong sabihin. "Nahulog ko iyong phone ko sa bowl."

"Yuck! Pabo! Dito pa talaga sa banyo ng kwarto ko ang pinaghulugan mo! Sa guestroom na lang ako magjijinggle, may CR din dun. Ayusin mo iyan."

"Pwede naman dito eh, tatanggalin ko lang-"

"Tse! Di pa tayo tapos ah? Marami kong itatanong mamaya," sabi niya at iniwan na ko para resolbahan ang problema ko. Tss.

Buti at patapos na rin naman to. Tapos magtatapon na lang ako ng mga basura.

Dara's POV

Kainis iyon ah. Ihing-ihi na talaga ko dahil sa kanya. Tatanga-tanga at inihulog ang cellphone sa bowl. Pabo.

"Sigurado ka ha? Hindi kaya kumuha ka lang ng fake husband dyan?" sabi ng bruha sa kabilang linya. Ito talaga ang dahilan kung bakit gusto kong magkulong sa CR. Ayaw kong marinig ng kahit sino ang pag-uusap namin ng walanghiyang traydor na to.

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon