Dara's POV
"Park Chanyeol, gising na, kumain na tayo. Baka ma-late pa tayo sa office." Kanina pa ko dito sa harapan ng pintuan niya pero walang sumasagot kahit kanina pa ko nag-aaya na bumaba para kumain. Nakita ko na naman na may nakahanda ng pagkain sa mesa. Gusto ko lang talaga siyang makausap tungkol sa nangyari kagabi. Seryoso kaya siya na ayaw niya ng ituloy ang deal namin? Bakit naman kaya?
Hindi siya natulog sa kwarto ko kagabi. Hindi naman sa gusto ko siyang katabi pero nakakapanibago lang na kahit sa tagal mula nung pag-alis ni Cheondung dito ay dun na siya natutulog sa kwarto ko pero kagabi bigla na lang lumipat na naman siya. Ayaw niya na ba kong katabi? Masyado ba kong malikot pag tulog at naiistorbo ko ang tulog niya?
"Antok na antok na ko noona." Kagabi niya lang ako uli tinawag na noona. Naaalala ko pa kung paano siya naglakad ng walang lingon-likod at tuloy-tuloy sa pagpasok sa dati niyang room.
Naapektuhan ba ng ulan ang mood niya? Marami akong gustong itanong sa kanya pero saka na lang siguro.
"Mauna ka na, hindi maganda ang pakiramdam ko," dinig kong sabi niya mula sa loob. Hoo! Salamat naman at nagsalita na siya.
Naulanan nga pala siya kahapon. "May lagnat ka ba? Buksan mo to."
Nagulat ako ng may biglang kumalabog sa loob kaya agad kong inikot ang knob. Bukas naman pala eh. Nakita kong pinulot niya ang backpack mula sa sahig at nilagay sa ibabaw ng kama. Iyon siguro ang kumalabog kanina. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko kinaya ang nakita ko ng itutok ko sa tanging saplot niya ang tingin ko.
Nang iangat ko pa ang tingin ko sa ulo niya ay napalingon siya kaya nagtama ang mata namin bago ako mapatakip ng mata at napasinghal naman siya. "Bakit ka pumasok?!" Agad siyang nagtakip ng tuwalya sa hubad niyang katawan na kanina ay isang black brief lang ang takip.
Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya. "A-Ah eh, nag-alala lang naman ako kasi sabi mo hindi maganda ang pakiramdam mo tapos may kumalabog pa."
"Kita mo naman na ayos lang ako oh, pwede ka na sigurong umalis? Nakahanda na sa mesa ang lahat, baka gusto mong subuan pa kita?" Nakakainis ang isang to, concern na nga lang ako sa kanya tapos nag-iinaso pa.
"Ah oo sige, at sa susunod matuto kang maglock. Ang sagwang tingnan ng deflated mong likuran." Nag-loser sign ako sa kanya.
"Sa susunod matuto ka ring kumatok o magpaalam man lang kung papasok ka. Kundi likuran mo ang titirahin ko." He smirked. What?! He just fucking smirked!!
"Asa!" Binato ko siya ng lotion bottle sa pwet pagtalikod nya para kumuha ng maisusuot na naging dahilan para mapasigaw siya. "Dara!!!" Inirapan ko lang siya at tumuloy na ko sa dining area.
Ngiting-ngiti ako pagbaba ko pero agad din iyong nawala dahil sa bulto ng lalakeng nakaupo sa sofa. "Anong ginagawa mo rito?" pagtataray ko agad para masindak siya.
Tumayo ito para salubungin ako. "Sandy, I miss you. Kaya naisipan kong bumisita." Kung ako siguro iyong dating Sandy na nakilala niya ay lumulutang na sa tuwa ang puso ko.
"You just miss playing me, Jiyong. Unfortunately, I'm not up for your stupid games anymore." Nilagpasan ko siya at naglakad ako papunta sa dining area. Ramdam ko na nakasunod pang siya.
"Please don't make this hard for us. You can just give in and we can go back to the way we used to be."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Give in?! Go back?! Para ano pa?! Iniwan mo na ko diba?"
BINABASA MO ANG
House Husband (ChanDara FF)
Random"Very simple, you'll be my husband and you can claim whatever price you want." Tama bang dinig ko? G-Gusto n-niya kong maging asawa?! Oh no! Bakit hindi niya agad sinabi? Haha. "You said I can claim whatever price I want, right?" tanong ko sa kanya...