[A/N]: Dedicated to VulnerableWritter.
Chanyeol's POV
Limang segundo.
Limang segundo ring nakalapat ang labi ko sa labi niya.
Parang....
.
.
Parang....
.
.
Parang nasa alapaap ako! Cloud12!
Allellujah! Heaven.
Pero ako na ang unang bumitaw. Baka kasi mauwi sa torrid pass! Iyong lugar kung san pinatay ang ilang Pilipinong bayani. Korneto. Naging lame ang sense of humor ko sa isang halik lang sa kanya.
"You have to make this drama perfect, Chanyeol," mahinang bulong niya sakin.
"I will, trust my handsome face." Natatawa ko sa reaksyon niya na halatang pinipigilan ang sarili sa pag-irap at pagrolyo ng mga mata dahil nandito ang parents niya at kailangan nakin silang paniwalain na asawa niya ko.
Ipinaikot ko ang braso ko sa bewang ni Miss Dara at aktong tumingin sa dalawang taong mahigit walong metro ang layo sa amin....at umaksyong nagulat.
"Pasensiya na po kayo sa nasaksihan niyo kanina....ahhh..ti-tita at ti-" Ngunit pinutol iyon ni Miss Dara.
"Jagi..." malambing niyang sabi sa akin.
Laking gulat ko nang hinaplos niya ang dibdib ko pero pumikit ako nang saglit para damhin ang palad niya. Ang lambot at ang init nun. Naku! Umayos ka Miss Dara at baka iba na ang magawa ko sayo!
"Eomma at appa na ang tawag mo sa kanila, okay? My parents are your parents." At hinalikan niya ako sa pisngi.
Pusang hinalikan!! Padalos-dalos naman to si Miss Dara! Parang ilang boltahe tuloy ang nagwala sa katawan ko.
Binaling niya ang tingin sa mga magulang at nilapitan ito sabay yakap sa kanilang dalawa.
Tiningnan ko ang eomma niya at kita ko naman na mabait ito dahil nginitian niya ako pati rin ang appa niya.
"So he's the lucky guy. You know I've never thought that you would end up having a serious relationship that led you to marry this good looking guy," sambit ng kanyang eomma. Wow! Good looking daw ako! Buti na lang at hindi ako nakaayos katulong at baka mapagkamalan akong alalay, eh alalay naman talaga ako! Pero iba na ngayon!
"And he looks a bit younger," saad naman ng kanyang ama. At kaunting katahimikan.
Ito na ba yung part na irereject ako ng parents niya dahil mas bata ako sa kanya? Aniyo! Sabihin niyong hindi ito iyon bilis! Nasa legal na edad na naman ako para magpakasal.
"But I'll never be upset because as we've always told you before that we will support you, if that's what makes you happy," suporta ng kanyang appa at niyakap ito. Bakit pakiramdam ko hindi ito sinsero sa sinasabi nito?
"Thanks appa, alam niyo naman na I will always do everything to make you proud." May kakaiba rin dito kay Dara noona. Parang biglang sobrang sweet niya... o ganun lang talaga siya makipag-usap sa papa niya? Parang plastikan. Pero magkadugo sila. Bakit kaya ganun?
"Why is there an alter of age preference? Ang dami mong kaedad na manliligaw na nagpupunta rito noon at pinakilala samin but I didn't expect na itong totoy na ito ang makakatuluyan mo," biro pa ng appa niya.
BINABASA MO ANG
House Husband (ChanDara FF)
Random"Very simple, you'll be my husband and you can claim whatever price you want." Tama bang dinig ko? G-Gusto n-niya kong maging asawa?! Oh no! Bakit hindi niya agad sinabi? Haha. "You said I can claim whatever price I want, right?" tanong ko sa kanya...