[A/N]: Nakapag-update din. Revelations ahead. And this time, nasa duyan ako dahil mainit sa kwarto ko. Parang Sahara desert. Hoo! Buti na lang hindi natunaw ang utak ko dun. Nagiging slow ang pag-update ko dahiwl sa kakulangan sa inspirasyon lalo nung April 1. Lamnyonayan. Tapos may nagmessage pa sakin ng kung anu-ano. Hindi ako ganun kagaling na writer pero tao rin ako, nasasaktan. Pero hayaan na, madali naman akong makalimot nyan. Mahar ko kasi ang ship na to at walanh TITIbag. Lols.
P.S. Kausapin niyo naman ako, wasak pa rin ang puso ko at hindi pa makapagmove-on sa KaiStal (feeling ko naman ako si Kyungsoo kekeke). Hindi lang talaga ko prepared nung nagboom iyong issue na iyon. At kahit siguro matagal ko ng alam, ganito pa rin mararamdaman ko. Kaisoo and KaiZy shipper ako. Masakit, oo. Pero galit? Hindi naman. Tampo lang ako at mas inuna pa ng SM at Dispatch and KaiStal sa ChanDara lels. Kwento ka na nga Channie, wala na kong masabing matino. XD
Chanyeol's POV
"Ang cute-cute naman ng apo ko!" Halata ang tuwa at excitement sa nagniningning na mga mata ni Mrs. Park, ang eomma ni Dara, habang nakatingin sa karga-karga kong bata. Must be too long since the last time they had a kid in this house. Napaisip tuloy ako kung anong itsura noon ni Dara.
"Gusto niyo po bang kargahin?" tanong ko. Sa totoo lang isinama ko dito si Dayeol dahil walang magbabantay sa kanya sa dorm. Ayaw ko sana siyang isama dahil baka kung anu-ano ang itanong sakin ni Mr. Park.
"Oo naman, teka sandali lang at tawagin ko rin iyong mga anak ko. Cheondung! Doorami!" May dalawa pa palang kapatid si Dara? At mamimeet ko na sila ngayon? Sugoi! Pero nakakakaba. Sana magustuhan nila ko para sa kanya. "Bumaba kayo rito, dinala ng appa niyo ang brother-in-law niyo at ang pamangkin niyo." Sarap pakinggan nun ah. Pero mukhang mapapasubo ako nito. Bahala nasi Batman.
"Sa taas lang kami honey."
"Ne, ako muna ang bahala sa munting anghel na to. Marami akong gustong ibigay sa kanya. Pwede ko ba siyang ipagshopping?" Kinurot-kurot niya pa ang pisngi ni baby Dayeol na karga ko pa rin.
"Ah eomma, nakakahiya naman po, mian, baka nakakaabala lang kami sa inyo."
"Ano ka ba hijo? Pamilya na tayo kaya walang kaso iyon."
"Pero po-"
"Ah basta, sakin muna si grandson, bahala kayong mag-usap sa taas."
"N-Ne, basta kung may mangyari po o ano, tawagin niyo lang po ako at ako na ang bahala."
"Naku naman hijo, tatlong bata ang napalaki ko ng maayos. Kaya ko na to." She gestured for me to pass the baby to her so I comformed. And it seems like Dayeol is fine.
"Tara na," ayon kay Mr. Park na nauna ng umakyat ng hagdan.
Pero nung paakyat na rin ako ay biglang ngumiwi si baby Dayeol at humihikbi habang nakataas ang dalawang kamay sa direksyon ko.
"Aigoo, daddy's boy ang apo ko?"
"Sssshhh. Saglit lang si daddy." Nilapitan ko uli si baby Dayeol at hinubad ko ang blue bracelet ko na kagaya ang design nung red bracelet ni Dara na kasama sa shirts na pinamili niya para sakin nung nagmall kami para bumili ng phone at magshopping. Isinuot ko iyon kay baby Dayeol at tumahan naman siya. Titig na titig siya sa ginawa ko, sa bracelet at sakin. "Yan, babalikan kita kaya dyan ka muna kay lola, ara?" I gently ruffled his hair. Tumigil na siya sa kakaabot sakin.
"Awhua...hihihihi.." And just like, that he became hyper again.
"Ano iyon? Magic word? Parang kayo lang ang nagkaintindihan ah? Di bale, magbabonding kami ng apo ko at siguradong magiging close din kami," pagmamalaki nito habang isinasayaw-sayaw si baby na tuwang-tuwa naman sa tinuran nito. Mukhang compatible silang maglola. "Cheondung! Doorami! Naghihintay pa ba kayo ng Chinese New Year bago bumaba? Katatapos lang ng April Fools kaya matagal pa yun!" panawagan niya uli sa dalawa. "Hijo, pasensya ka na at hindi kita naipagpahanda ng snacks bago makipag-usap sa asawa ko, at mukhang ngmamadali rin naman kayo. Di bale, pagbaba niyo na lang."
BINABASA MO ANG
House Husband (ChanDara FF)
Random"Very simple, you'll be my husband and you can claim whatever price you want." Tama bang dinig ko? G-Gusto n-niya kong maging asawa?! Oh no! Bakit hindi niya agad sinabi? Haha. "You said I can claim whatever price I want, right?" tanong ko sa kanya...