22-Let me dry your hair

238 10 1
                                    

[A/N]: May isasubmit ako bukas pero naisip kong mag-update. Di ko napigilan haha.

Dara's POV

"Chaelin noona!!" Naunang nakarecover sa shock si Chanyeol.

"You have a good memory, boy, how about my bestfriend?" Lumapit pa sya samin na parang wala kaming anumang hurt feelings sa isa't-isa. Alam ko na yang mga ganyan nya eh, may dahilan kung bakit yan nandito.

"Why are you here?"

"Is that how you welcome a visitor?" Nakaangat ang isang kilay niya na parang hindi pa sanay sa naging pagsagot ko sa kanya.

"My parents are the owner of this house so they should be the one to welcome you here, unfortunately they're not here." Ngumiti ako na may halong sarkasmo.

"Whatever, nandito lang ako para kumustahin ang engagement ni Cheondung kagabi because I was not there." At ang kapal din naman ng mukha niyang mangumusta sa kapatid ko na parang close pa rin siya sa pamilya ko at walang gusot na nangyari noon.

I rolled my eyes, hindi ko napigilan. "Don't worry, naging successful naman kahit wala ka."

"Are you saying that my presence isn't that necessary?" Ayan, naniningkit na ang mata nyang mayaman sa eyeliner dahil sa inis.

"Sayo na mimso nanggaling iyan." Kalmado lang akong napangisi.

"A-Ah, juice, gusto niyo? Magtitimpla ko," pagsingit ni Chanyeol sa namumuong tensyon samin.

"Is he your maid now? Poor husband of yours," pang-aasar ni Chaelin. Damn, she can't be talking like she knows something right now. It's kinda frustrating.

Hindi ko siya pinansin at binalingan si Chanyeol. "Ah syempre hindi, hubby, wag ka nang mag-aksaya ng oras para sa babaeng to."

"He doesn't need to consume his time for me, but you have to. Be at the office at 9, we'll wait for you there." Nagsmirk pa siya bago ako igiya ng mga kamay niya paakyat sa hagdan. EX-bestfriend ko nga pala siya, alam niyang nasa taas ang kwarto ko at matagal akong mag-ayos. Ano na naman kayang binabalak nito?

Nagkatinginan pa kami ni Chanyeol bago ako umakyat para maligo at mag-ayos.

Chanyeol's POV

Tahimik.

Bakit ba kasi pumunta dito si Chaelin noona?

Maglalakad na rin sana ko paakyat ng hagdan ng magsalita ito.

"Hey you, stay here, we need to talk, or else I'll tell her about your real feelings right now." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Paano mong-?"

"Nalaman? See, I just caught you. Now sit or else-"

"Arasso, arasso." Napaupo agad ako sa kaharap niyang upuan. "Ano bang sasabihin mo noona?"

"Seryoso ka ba sa kanya?"

"Eeehhh?"

"Sagot!"

"N-Ne, noona, waeyo?"

"Yun lang ang kailangan kong malaman. May mga maaaring mangyari na hindi ayon sayo, pero sana kayanin mo, para sa kaibigan ko." Kaibigan? Nahalata niya ata ang pag-angat ng kilay ko kaya naman nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Alam kong alam mo na lahat ng to ay purong pagpapanggap lang. Hindi ko naman siya tinuring na kaaway kahit kelan. I feel so sorry for her though, because I can't tell her from the start about these lies. Nasira sila ni GD dahil sakin."

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon