15-Stop Imagining Things That Won't Happen

195 12 0
                                    

[A/N]: Hi! I dedicate this chapter to 2NE1. Sabaw, pero hayaan na. Gusto ko lang magdrama ngayon. Broken pa rin ang inyong basag na author. Sa June pa siguro ko makakamove-on o baka sa isang taon. Di ko alam. Dahil sa isang tsonggong kaibigang fanboy, nagkainteres ako sa isang girl group. Ganito pala pag naattach ka sa isang bagay. Boset ka Gabe! I don't blame you for letting me know them tho. I blame you for not telling me that things like this happen even to a well-established group whose members have been together for many fcking years! T_T

Dara's POV

"Wala pa rin bang balita? Hindi pa rin sila bumabalik?" Nag-aalala na talaga ko sa dalawang iyon. Keaga-aga bigla na lang ganito ang bungad. Nawawala ba naman sina Chanyeol at kasama niya lang naman si baby Dayeol.

Well I know he's responsible but it's still unnerving to see the house empty with clues that they've just been here but they are nowhere to be found.

"Wala pa nga unnie, hindi pa. Hinanap na raw sila ni Kai sa mga tambayan nila at kung saan-saan," sagot ni Minzy na may halo ring pag-aalala sa mukha.

At ang pinaka-hysterical sa sitwasyon ngayon ay si Bom na siyang huling kausap daw ni Chanyeol bago ito mawala kasama ang bata. "Wala rin siya sa Viva Polo ayon kay Kyungsoo at ng eomma niya."

"Wala rin siya sa parent's house niya ayon kay Sehun dahil imposibleng patuluyin siya dun ng appa niya," ayon kay Minzy na katatapos lang icheck ang email niya. Wala kasi ngayon dito si Sehun at ang iba kaya kami lang tatlo. Kararating lang din ni Minzy gaya ko.

"Si Baekhyun ang pinakaclose niya pero wala ring alam kung saan siya nagpunta," dagdag ni Bom.

"Bakit naman kaya bigla na lang silang nawala?" biglang tanong ni Minzy. Nagtataka rin nga ako kung bakit, pero parang nung huli kong makita si Chanyeol kahapon sa opisina bago kami lumabas ni Donghae, parang marami siyang iniisip.

"Naglayas kamo dahil sa kalandian ng isa dyan," singit ni Bom. Ano bang alam niya? Tss.

Hindi ko na pinansin iyon at tumalikod na para kunin ang jacket ko sa rack at isuot iyon. "Sige, uuwi muna ko. Malay natin nagkasalisi lang kami. Kung wala pa rin sila dun, magrereport na ko sa pulis."

"Samahan na kita unnie," sabi ni Minzy.

Sasagot na sana ko ng biglang tumunog ang phone ko.

Negachen chalaga~

Ne, iyan ang bago kong ringtone.

"Yoboseyo?"

"Dara.."

"C-Chanyeol?" Nagkatinginan kami ng dalawa kong kasama ng marinig nila iyon mula sakin habang kausap ko ang nasa kabilang linya.

"Ako nga. Sorry kung ngayon lang ako tumawag. Nagbreakfast ka na ba?" Breakfast ko talaga ang intro niya?

"Hindi pa nga eh, pero kaya ko naman sarili ko. Asan ka ba?"

"Pauwi na ko, at kasama ko si baby Dayeol." Nakahinga ko ng maluwag dun, pero nag-alala pa rin ako kanina. Akala ko kung ano ng nangyari sa kanila.

"Alam ko, kanina pa kami alalang-alala sa inyo dito," sabi ko sa kanya.

"Ayiiii. Kami raw oh. Unnie talaga," tili ni Minzy na kasalukuyang namimilipit sa kilig na hindi naman dapat.

"Ikaw lang, dinamay mo pa kami." Tawa rin ng tawa tong si Bom.

"Sshh!!" Pinanlakihan ko sila ng mata para manahimik.

"Ano uli iyon? Andyan ba sina Bom noona at Minzy-ssi?" tanong ni Chanyeol. Narinig niya pala ang mga bruha sa tabi ko.

"Andito ko ngayon sa dorm niyo, ang OA kasi ng isa dito, sabi nakidnap daw kayo," paliwanag ko.

Narinig ko namang bumuhanglit ng tawa si Chanyeol sa kabilang linya. "Napakacreative naman ng imagination ni Bom noona. Sabihin mo sa kanya, stop imagining things that won't happen." Tinanguan ko na lang iyon kahit alam ko namang hindi niya ko nakikita. Ako ang kausap niya pero para kay Bom ang message. Hmp.

"Umuwi ka na lang, dami mo pang satsat," sabi ko na lang.

"Ah sige, pero medyo matagal to, alam mo na, medyo malayo ang mansion niyo dyan sa bahay mo. Naiwan ko nga pala iyong phone ko dyan. Punta muna ko-"

"Huwag ka ng dumaan dito, sa bahay ka na dumiretso. Pauwi na rin naman ako, dadalhin ko na ang phone mo," pagputol ko sa sinasabi niya.

"Ne, kamsahamnida," pagpapasalamat niya.

"Sige na, sayang sa bayad sa payphone," sagot ko naman. Di uso ang welcome sakin.

"Ani, pero sige, kita na lang tayo sa bahay mo. Tut tut tut" At aba, nauna pa siyang nagbaba sakin.

Pagbaba ko ng phone ko ay nangunot ang noo ko ng makita kung kaninong numero ang nasa call register ko. Bakit number niya?

Tiningnan ko ang mga kasama ko at halatang naghihintay sila sa sasabihin ko. "Guys, hindi nakidnap sila Chanyeol at baby Dayeol. Ligtas sila at pauwi na sila."

"Bakit parang di ka masaya?" tanong agad ni Bom sakin.

"Masaya ko. Magluluto nga ako ng masarap sa bahay," sagot ko para magmukhang convincing. "Tara Minzy."

"Thank you Darong!!" ngiting-ngiting sabi ni Bomie.

"Sorry Bomie, you're not welcome." I smirked and flipped my hair before turning my back against her.

"Yan kasi," sabi ni Minzy sa unnie namin na ngumangawa na.

"Pano na ang corn ko?"

"Walang forever!" madiin na sabi ko kay Bomie baho ngumiti ng pagkatamis. "Joke lang!" sabi ko at hinug siya.

"Akala ko iiwan niyo talaga ko dito tapos kakain kayo ng marami dun. Ayoko pa naman iyong feeling ng iniiwan, masakit iyon," pagngawa pa rin ni Bom na pinapahid ng perfect-nailed fingers ang mga takas na luha sa kanyang mata.

"Magagawa ko ba naman iyon?" sabi ko kay Bom para patahanin siya pero patuloy lang siya sa pag-iyak at nadala na rin ako. It's nice to have friends, good friends. I hope we could stay together, forever. Kahit wala nun, sana samin magkaron.

"Stop imagining things that won't happen, unnie." Minzy hushed her while shedding tears too and joined us to have a group hug. Pareho lang sila ng sinabi ni Chanyeol. Ano kaya ang ibig sabihin nun?

"Aigoo! One word, melodramatic." Napakalas kami sa isa't-isa para ayusin ang aming sarili at humarap sa nagsabi nun. "Anong balita tungkol kay Chanyeol at baby Dayeol? Naghahanap pa rin iyong iba." Si Kyungsoo, kararating pa lang.

"False alarm lang pala Kyungie, nag-overreact lang ako kanina dahil sa shock ng wala sila dito pagdating ko. Sabihan mo sila na itigil na ang paghahanap," paliwanag ni Bom.

Kinuha naman agad ni Kyungsoo ang phone niya at nagtype. Minessage niya na iyong iba tungkol dun.

"Ne, pauwi na nga raw sila sa bahay ni Dara unnie, oppa, at tamang-tama ang timing mo, magluluto kasi kami sa bahay ni Dara unnie. Sama ka, diba magaling kang magluto?" pang-aaya ni Minzy dito.

Napakamot naman sa batok si Kyungsoo at ngumiti. "Hindi naman ako ganun kagaling, mahilig lang talaga kong magluto."

"Is that a no?" tanong ko sa kanya.

Parang natakot ko ata siya ng bigla niyang iniangat ang ulo niya para tingnan ako. "A-Ani noona."

"Then come with us. Ang totoo nyan, gusto kong magpaturo sayo. Natutuwa akong makilala ang nagpapakain araw-araw sa dalawang to." I gave Bom and Minzy a teasing smile.

"Darong naman! / Unnie naman!" sabay na ungot ng dalawa.

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon