21-Human Stuffed Toy

217 11 0
                                    

[A/N]: I've been suffering from severe headaches and profuse sweating nowadays, but I really want to finish this. T_T

Dara's POV

Toktok! Toktok!

Istorbo naman. Ang sarap kayang matulog habang nakayakap sa isang malaking stuffed toy. Warm at mabango. Sumiksik ako lalo dito para matulog pa ulit.

Hmmm... Teka, bakit parang ang tangkad naman ng stuffed toy na to? Saka may part na matigas. Gumagalaw din. G-Gumagalaw!?!?

Napamulat ako ng mata at agad napanganga sa katabi kong malaking human stuffed toy na lantad ang masasarap na tinapay.

Toktok! Toktok!

"Shhh, don't shout or your family will find out that we're faking out everything," he whispered while covering my mouth with his big hand.

Kakawala na sana ako sa kanya ng maramdaman kong dulo na ng kama ang maaatrasan ko at nanlaki ang mga mata ko dahil sa realisasyong iyon.

Toktok! Toktok!

"Wag kang malikot! Ugh." Agad namang pumulupot sakin ang malakas niyang braso pero huli na at humawak din ako sa kanya para itulak siya sa sobrang pagkabigla. Kaya ang nangyari, pareho kaming nahulog sa higaan. Nakapatong sakin si Chanyeol. Buti na lang nasa magkabilang tagiliran ko ang dalawang tuhod niya kaya di ako naging crushed grahams.

"Papasok na ko ah!" Bumukas ang pinto at napasukan kami ni Cheondung sa ganung ayos. Namumula na naman tuloy siya. Bakit ba lagi niya na lang kaming naaabutan sa ganitong sitwasyon? At ano namang gusto mo Krungy? Yung nasa kalagitnaan na nag toot toot? Aish, eng bestes! "A-Ang aga n-niyo naman.. P-Pumunta lang ako dito para sabihing umalis ng maaga sina eomma at appa, day-off ng hardinero, may sakit si manang at pinauwi yung family driver natin para sa panganganak ng misis niya. Aalis din kami ni jagi para sa wedding preparations, kaya kayo na lang muna ang bahala dito." Mabilis na nagpaalam at tumalikod ang kapatid ko na nanginginig at namumula pa sa hiya.

"Teka!" pahabol ko.

Lumingon naman ito at nakatayo na kaming dalawa at nagpapagpag ng damit namin, syempre sari-sariling damit ang pinapagpagan namin! "Bakit? Kung tungkol sa kanya, welcome na welcome siya rito sa bahay, pati sa kasal namin ni jagi, isama mo na rin siya, ha?"

"T-Tanggap mo na ko??" singit naman ni Chanyeol.

"Ne, wag mo ng ipapaulit sakin at baka magbago pa ang isip ko. Sige na, ipagpatuloy niyo na iyong g-ginagawa n-niyo." Namula na naman siya. Naku, mag-aasawa na rin naman siya ah? Gagawin niya rin iyon. Pero wala kaming ginagawa ni Chanyeol ah! Aish.

Pagkasarang-pagkasara nito ng pinto ay agad na lumundag si Chanyeol ng nakataas ang kamay sa ere. "Tanggap niya na ko!! Hooo!! Yeaahh!!!"

"Pakihinaaan! Ano ka ba!" sita ko. Parang timang na kapre lang eh.

"Masaya lang, KJ ka haha." Tama naman siya, dapat masaya rin ako dahil success ang pagpapanggap namin. Nagbunga na. Na-earn na namin ang tiwala ni Cheondung sa relasyon namin. Pero bakit parang hindi ako ganun kasaya? Parang may kulang.

Tahimik lang si Chanyeol kaya napayuko ako. Ano bang pwedeng pag-usapan para maalis ang awkwardness namin? "Chan-"

"D-Don't tell me, y-you're already backing out?" Umangat ang tingin ko sa kanya. Plano ko to diba? Bakit parang pinapalabas ko pa ngayon na siya ang may gusto nito? I planned all of these so I should have been happy at least but it's far from what I feel right now. Dahil ba kay Jiyong? Dahil ba nakita ko na siya ulit? "S-Sumusuko ka na ba? M-Mahal-"

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon