20-When your past is present

242 11 0
                                    

[A/N]: Tinatamad mag-update pero kailangan para matapos na to. Sinong Bigbang OTP shippers dito? Haha. Wala lang.

REMINDER: READ RESPONSIBLY. MEDYO SPG ANG DULO NG CHAPTER NA TO. KUNG AGAINST KAYO SA MXM O BXB, MAGSILAYAS NA KAYO RITO. LOL.

Someone's POV

Engagement party ngayon ni Cheondung at pumunta ako kahit ilang taon na rin kaming hindi nagkausap mula nang mangyari ang lahat.

"Ang lakas rin ng loob mong magpakita pa dito! Wala si noona, kaya hindi mo na uli siya maloloko at magagatasan. Umalis ka na!"

"Hiniwalayan ko lang ang noona mo noon pero tropa pa rin ang turing ko sayo at may dahilan ako kung bakit ko ginawa yun! Kaya wag mo kong hushagan!"

Sasapakin na sana ko nito ng biglang pumasok sa eksena ang taong matagal kong hindi nakita. May dala pa siyang maleta na nangangahulugang kararating niya lang. Ang ganda niya. Dati naman eh, pero parang may iba sa kanya ngayon at iyon na nga ang ikinalaglag ng panga ko nang magsalita siya. "Oh, siya na ba yung boyfriend ni Durami? Ang angas ah, nice to meet you future bro in law," sabi niya at nagwink pa sakin bago hilahin si Cheondung. "Easyhan mo lang Dung, ikaw nga ang madaya dyan eh. Kung hindi ko pa tinawagan si mama, hindi ko pa malalaman na engagement party mo ngayon. Buti na lang bago ka pa pumunta sa bahay, nakapaghanda na kami ng isusuot." Kami? Sino iyong isa pa? Awtomatikong hinanap ng mata ko sa paligid ang tinutukoy niya at hindi nga ako nagkamali, may isang matangkad na lalakeng nakatayo sa likod ni Sandy.

Awkward namang napatawa si Cheondung at tumingin rin sa likod ng noona niya. Samantalang ako naman ay napatingin uli sa babaeng namiss ko ng husto sa buhay ko.

"S-Sandy.." hindi ko napigilang tawagin siya.

"Aba, mukhang well-informed na siya sa family background natin ah," sabi niya kay Cheondung bago ako ngitian. "Dara noona na ang itawag mo sakin mula ngayon. Dun din naman punta nyo ng kapatid ko. Sige ha, akyat ko muna itong gamit ko." Tumawa pa siya ng nakakaloko. Iyong totoo? Nagjojoke ba siya? Hindi siya sumipot kahapon sa dinner na pinareserve ko for 7pm and now this?!

"Sandy hindi-" Napalingon naman agad ang tinawag ko, pero pinigilan ako bigla ni Cheondung.

"Sige na noona, malinis naman iyong kwarto mo, kaya pwede ka na ring magpahinga dun...at ang kasama mo," sabi pa nito at kahit medyo napataas ang kilay ng noona niya ay itinuloy na rin naman ang pag-akyat ng hagdan. Iyong kasama niya na ang nagdala ng mga maleta. Saka naman ako hinarap ni Cheondung at kwinelyuhan para magtama ang tingin namin. Seryoso siya. "Kung ano man ang nangyayari kay noona ngayon ay okay na sakin. Ngayon ko lang ulit siya nakitang masaya, kaya huwag ka ng magtangkang bumalik pa sa buhay niya. Umalis ka na, Jiyong hyung." At least he called me hyung again, but he still hate my guts.

Wala na akong nagawa kundi ang alisin ang mga kamay niya sa kwelyo ko at lumayo sa kinatatayuan niya. Napatingala pa ako sa taas kung saan nagtungo ang babaeng mahal ko kasama ang isang kapre bago ako tuluyang umalis. Ano ba talagang nangyayari sa kanya? At sino iyong kasama niya?

Halos magmakaawa siya sa akin noon na magbalikan kami pero parang wala lang nangyari matapos ang ilang taon. Ngayong bumalik na siya, bakit parang hindi niya na ako kilala? Nakalimutan niya na ba ako? Imposible, mahal na mahal niya ako. At ganun din ako sa kanya.

Ano ba ang nangyari sa loob ng dalawang taon?

Dahil hindi ko naenjoy ang engagement party ni Cheondung ay pumunta na lang ako sa bar. Ayokong dumiretso sa bahay at baka bunganga na naman ni CL ang magwelcome sakin. Bestfriend siya ni Sandy, at FAKE wife ko. Long story. Basta. Dun siya nakatira ngayon sa bahay na dapat sana ay para samin ni Sandy. Madalas din naman siyang wala at wala naman akong pakialam kung san siya magpunta.

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon