[A/N]: Dedicated to SpiderxJaja. Story updated. Kekeke~ And ChanDara family delulu in multimedia. <3
Chanyeol's POV
Nagpaalam na kami kina Luhan hyung at Sehun at tumuloy na sa mall para bumili ng bagong phone.
"Good morning Sir, Mam! How may I help you?" magalang na pagtatanong ng saleslady.
"Ano bang pinakabago niyong model dito?" tanong ni Dara sa babae.
"May Oppo R7 po, Samsung S7 at Iphone 7c, ano po bang unti ang gusto niyo?"
"Oppo!/Samsung!" sabay naming sabi ni Dara.
"Ah pwede niyo po munang pag-usapan kung hindi pa kayo nakakapagdecide," nakangiti pa rin at magalang na sabi ng saleslady.
At saka lang namin nakita ang ibajg tao sa likod namin na kailangan din ng customer service. Napangiti na lang kami ng alanganin bago lumabas pansumandali para pag-usapan ang model ng phone na bibilhin namin.
"Samsung na lang ang bilhin natin. Mas okay yun."
Umirap lang siya. "Eh sa mas gusto ko Oppo." May dumaang babae na may dalang paper bag na may brand ng Oppo. "Sabi ko sayo Oppo na lang."
"Bakit ba gustong-gusto mo na Oppo?"
"Cute kasi, parang oppa. Haha. Saka ganun yung phone ni Luhan oppa diba?"
"Mas matanda ka sa kanya kaya wag kang mag-oppa. Saka pano mo nalaman na ganun phone niya?"
"Nakwento niya nung pumunta sila sa bahay. Model daw pala siya nun? Kaya pala artistahin siya. Bihira kasi kong magbukas ng TV." Ah siguro habang tinutulungan ko nun sa kusina si Kyungsoo. Sinamantala talaga nila habang wala ako. Tss.
May dumaan namang techno group of friends na mukhang nasa junior high at busy sa kakakalikot ng phones nila. Humarang ako sa kanila.
"Oy anong-"
"Easy ka lang, magtatanong kang tayo," sabi ko kay Dara at humarap uli sa mga babaeng teenager saka bumati. "Annyeong! Ako Chanyeol!"
"Omo! Kuhang-kuha niya si Buduy girls!"
"Oo nga, pwede po ba magpapicture?"
"Sure, but we can't set aside my wife," sabi ko at inakbayan si Dara.
"Ehhhh? Wife?! Pero ang bata..." Tiningnan siya ng babaeng teenagers. Halata ba masyado ang age difference? Masyado sila ah. "...pa po niyo." Nangiti naman ako dahil sa idinugtong nila. Baby face talaga si Dara kaya malamang na-wow mali din sila gaya ko.
"Why? Any problem with that?" Taray talaga ng asawa ko kahit kelan. Tumataas pa ang kilay niya habang tinatanggal ang braso kong nakapulupot sa balikat niya pero hindi ko siya hinayaan.
Hinigpitan ko pa ang pakakaakbay ko sa kanya habang nakangiti sa mga estudyante. "Pasensya na kayo ah? Ganito talaga siya pag may pinapansin akong ibang babae." Tiningnan niya ko ng masama.
"Omo! Kyeopta po pala siya magselos!" sabi ng isa sa mga teenageer.
"Ibig sabihin lang po nun mahar na mahar ka niya." Haha. Natawa naman ako dun.
"Sige na magpicture na kayo, bibili na ko ng phone." Pinipilit na nama niyang umalpas sakin kaya binulungan ko siya na ikinatili naman ng mga babae. "Isa pang palag mo hahalikan kita."
BINABASA MO ANG
House Husband (ChanDara FF)
Aléatoire"Very simple, you'll be my husband and you can claim whatever price you want." Tama bang dinig ko? G-Gusto n-niya kong maging asawa?! Oh no! Bakit hindi niya agad sinabi? Haha. "You said I can claim whatever price I want, right?" tanong ko sa kanya...