13-Granny

182 8 2
                                    

[A/N]: Short update. Typed onboard a bus. Nakakaduling pala. XD

Chanyeol's POV

Umagang-umaga ay kapansin-pansin na wala ang ibang kasama namin dito sa dorm at mukhang paalis din si Bom noona base sa suot niya.

Humikab pa ko matapos maisubo sa bagong ligo na baby Dayeol ang last teaspoon of cereal niya. Ngumiti siya na parang nakikipagbiruan ako sa kanya dahil sa pagbuka ng bibig ko, pero hindi siya makapagsalita dahil ninanamnam pa niya ang pagkain sa bibig niya.

Matapos niyang malunok iyon ay pinunasan ko na ng towel ang bibig niya. Tinanggal ko na ang kanyang babero at nilagay iyon sa tabi para labhan mamaya. Hindi ko maiwan-iwan si baby Dayeol dahil hawak-hawak niya ang hinlalaki ko at ayaw niyang bitawan. Ilalagay ko na sana siya sa stroller pero ngumawa siya at aktong iiyak na sana kaya kinarga ko na lang.

"Mukhang close na close na talaga kayo ah." Kanina pa pala ko pinagmanasdan ni Bom noona.

Ngumiti lang ako. "Matalinong bata si baby Dayeol, marunong na siyang makiramdam kung saan siya komportable."

"At mukhang komportable siya sayo," sabi nito habang nagsusuot ng sapatos malapit sa pinto. "Chanyeol, ikaw na muna ang bahala rito. Mag-gogrocery lang ako," paalam niya. "Wag kang mag-alala, maya-maya darating na rin iyong iba. Ipinatawag lang sila ni chairman."

"Bakit hindi ako kasama?" tanong ko habang inililigpit ang mga pinagkainan ni baby Dayeol na karga-karga ko pa rin sa kaliwang braso ko.

"Alam mo namang 10 feet ang pride ng appa mo, diba? Natural paninindigan niya ang desisyon niya na ayaw kang makita hanggat di ka natututo."

"Geurae, hihintayin ko na lang sila. Ikaw noona, anong oras ka babalik? Baka hanapin ka ni baby, paboritong kalaro ka pa naman niya." Chineck ko ang diaper ni baby Dayeol dahil kanina pa siya hindi umiimik mula ng kinarga ko pero wala pa namang laman iyon. Baka antok lang siya.

"Aigoo, nakakataba naman ng pusong marinig iyan mula sa appa niya. Uuuyyy namumula. Kekeke." Tinawanan niya pa ang reaksyon ko sa sinabi niya sakin. Hindi pa rin ako sanay na tinatawag na appa ni Dayeol, hindi dahil ayaw ko, kundi dahil nahihiya ako sa eomma este kay Dara. Wala pa siyang alam tungkol sa adoption papers. Baka isipin niyang paandar ko iyon para mapilitan siyang pakisamahan ako. "Hamo, mabilis lang akong mag-grocery. Bibilhan ko rin siya ng bagong toy. Jalgayo!"

"Sige noona, ingat. Jalgayo!" Ikinaway-kaway ko pa ang maliit na kamay ni baby Dayeol.

"Sige na, aalis na ko at baka hindi pa matuloy sa sobrang cute ni baby Dayeol." At tuluyan na ngang umalis si Bom noona.

Pumasok na ulit ako sa loob para pumunta sa laundry area at isinalang ang mga labahan sa washing machine. Kaunti lang naman iyon at kung tutuusin ay pwede kong kamayin pero hindi pwedeng maalis ang atensyon ko ng kahit saglit kay baby Dayeol lalo at gising siya. Hyper kasi siya lagi.

Habang hinihintay ang laundry ay kinakausap ko si baby Dayeol na pumayag ng ilagay sa stroller. "Miss mo na si Dara eomma no? Mianhe, hindi ko siya kasama ngayon, pero bibisita rin iyon. Busy lang kasi siya.." Bigla kong naalala ang tagpo sa opisina kahapon. Sila ba ni Donghae hyung?  Kung ganun, bakit hindi na lang siya ang kinuha niya para magpanggap na asawa niya? Pwede pa nilang totohanin ang pagpapakasal at-

"Uhu uhu.." Napatingin ako bigla sa nakakunot-noo at sad-face na baby Dayeol.

"Wae baby? Wag mo kong alalahanin, okay lang si..appa." At kiniliti ko pa siya para tumawa.

"Eeh? Hehehehe."

Tumigil ako sa pagkiliti sa kanya at hinaplos na lang ang cute na mukha niya. "Ewan ko rin baby, wala naman akong karapatang magselos pero may tama na nga talaga ko sa eomma mo. Tingin mo, may pag-asa?"

"Babo kekekeke.."

"Ang hard mo sakin baby, pero sabagay, LG kasi si kupido. Minsan na nga lang siya maging sharpshooter, sa maling target pa. Dapat si Dara na lang ang pinana niya kasi hindi ko na kailangan ng pana dahil matagal na kong may gusto sa kanya." Nagsimula ito nung nakita namin siya ni Sehun noong naghahanap kami ng ipakikitang picture sa mga kaibigan namin.

"Didi! Didi! Kekeke." Huh? Tinatawag niyang mimi si Dara diba? Tinawag niya kong..?

Nanlaki ang mga mata ko pero napalitan iyon ng isang malawak na ngiti dahil sa realisasyon ko. Tinawag akong daddy ni baby Dayeol habang iwinawasiwas ang kamay ko na tanging hintuturo ko ang nahahawakan ng maliliit niyang kamay.

Pagtunong ng washing machine ay inalis ko na ang mga labada mula roon at inilagay sa isang palanggana.

Umakyat ako sa hagdan papunta sa second floor dala-dala si baby Dayeol at muntik pa akong mapadapa nang maapakan ko ang dulo ng isang HK stuff toy.

"Babo kekekekeke babooooo..."

Nginitian ko lang si baby Dayeol. "Pasaway na bata. Kung na-out of balance ako, baka nabitawan kita. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama syao dahil sakin."

Mukhang alam ko na kung kanino iyong stuff toy. Ibinaba ko muna ang palangganang dala ko at yumukod para itabi iyon sa harap ng kwarto ng HunHan. Mahirap na. Baka may magwalang usa.

Kinuha ko muli ang palanggana at tumuloy na kami ni baby Dayeol sa sampayan. Nilagay ko siya sa couch swing at pinatugtog ko ang playlist ng songs ng 2NE1, saka ako nagsampay.

Tuwang-tuwa si baby Dayeol sa music at sa paikot-ikot na couch swing na kinahihigaan niya. Akala ko nga mahihilo siya pero parang gusto niya pa nga na umiikot ang paligid. Hyper talaga. Mabuti na iyon para mainitan din siya.

Hanggang sa may natanaw akong pumaradang sasakyan sa tapat ng gate. Pamilyar ang sasakyan sakin at medyo kinabahan ako.

Umugong ang doorbell at alam kong dahil iyon sa bagong dating, kaya nagmamadali kong isinampay ang huling piraso ng damit, nagpunas ng basang kamay sa laylayan ng damit ko at kinarga si baby Dayeol pababa at papunta sa may gate para harapin ang bisita.

Pagbukas ko ng gate ay agad akong nagbow para magbigay galang sa sinumang andun. "Annyeonghasseyo!" Nagulat na lamang ako sa aking nakita nang iangat ko na ang mukha ko.

"Iyan na ba ang...apo ko?"

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon