11-Office Guy

252 17 39
                                    

[A/N]: Dedicated to MissToAnyone.
Next chapter ang ilang clue sa nalalapit na revelations.

Chanyeol's POV

"Chanyeol, asan iyong pinaparefile ni Miss Dara?"

"Pwedeng pakuha ng kape sa vendo?"

"Padala naman nito sa stockroom."

"Pakisabi kay Miss Bom na naka-layout na iyong designs, parecheck na lang."

"Pakiabot naman nito kay Miss Dara para mapirmahan."

First month ko sa kumpanya ni Dara pero ang dami ng pinapagawa sakin. Dagdag pa ang pakiusap ng ibang senior employees ng kung anu-ano. Utos dito. Utos dun. Mahirap pala.

Alam ko na ngayon kung bakit mahal na mahal ni appa ang kumpanya namin. Mahirap magsimula sa mababang ranggo, pero ginagawa ko dahil gusto kong patunayan na kaya ko ang sarili ko. You just wait Dad, I'll be the best son in the world for you and mom.

Pag nangyari iyon, mapapasaya ko na rin sila at hindi na sila mamomroblema sakin. Ayoko ng pasakitin pa ang ulo nila. Tapos pakakasalan ko na rin si Da-no way. Malinaw na nireject niya kahapon ang ideya ng posibilidad na maging kami. Malamang hindi niya ko type.

Flashback On

"Dara, ang cute siguro kung magkababy tayo," absent-minded kong sabi. Parang hangin yung ideya, basta lang umihip sa isip ko.

"O-Oy! Maaga pa para diyan!"

"H-Ha? Ibig sabihin payag ka kung sakali?"

"A-Ang i-ibig kong s-sabihin.. Maaga pa para magkababy ka, bata ka pa eh. Ako siguro pwede na." Pakasabi nya nun ay tumawa pa siya ng awkward.

"Parang di naman yun ang sinabi mo kanina eh." I sighed and held her hand. "Dara, iyon ay kung tayo talaga para sa isa't isa. At ikakasal tayo nun. Iba iniisip mo eh." Gotcha! Haha. Nakabawi rin. "Pero kung isa-suggest mo, pwede rin." Ngumiti ako ng pang-alaska sa kanya.

"Yeol, gusto mo ng poop?" Ayan na naman siya. -_-

"Joke lang naman Dara." Pinilit kong tumawa gaya ng ginawa niya kanina.

Flashback Over

Just then, while I'm in the midst of dreaming, I saw someone unfamiliar, like he's not one of the workers here who are introduced to me.

He passed me by but then he came back to say something. "Opisina ba to ni Dara?" Dara. Dara? Wow ah. First name basis.

"Ah..ne." Tumango ako.

Tiningnan niya ko nang maigi bago tumuloy. Anong meron dun?

Maya-maya may dumaan na naman kaya sinita ko. "Sir, sandali lang po, may kausap pa si Miss Da..ra."

Tumigil ito at nagtanggal ng shades. "Chanyeol-ah! Ikaw ba talaga iyan?" Nagfistbump kami. "Anong ginagawa mo rito?"

"Secretary po ni Miss Dara, hyung. Alam mo na, kailangan kong pabilibin sina eomma at appa." Nasabi ko na ba sa inyo na napromote si Bom noona kaya ako na ngayon ang bagong secretary ni Dara? Kung hindi pa, ayan nasabi ko na ngayon.

"Nabalitaan ko nga kay Sehun ang nangyari sayo. Goodluck dongsaeng."

"Gomawo hyung."

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon