3-Their deal

382 22 18
                                    

[A/N]: Huy dhonnapot!! Musta na beh? Magaling na ko. Yuhoooo! Haha.

Chanyeol's POV

"M-May ipag-uutos ka ba sakin?" Shit lang, bakit ako nauutal?

Kakatapos ko lang maglaba at ngayon ay naglilinis naman ako ng kusina. Nakaupo lang siya sa stool sa island table at nakatingin sakin. Awkward.

"Wala naman, naisip ko lang na ang tangkad mo para sa edad mo." Ah, alam ko na, dahil sa nilagay niyang specific requirements sa job ad, inakala niya bang mas matanda sakin ang mag-aapply?

Humarap ako sa kanya at kumindat. "Swerte mo nga eh, ang gwapo ng nag-apply sayo."

"Maglinis ka na nga lang dyan." Akmang aalisna sana siya nang parang may maalala siya. "Ewan ko lang kung hanggang kelan ka tatagal dito."

"Huwag kang mag-alala, wala akong balak umalis." Nginisian ko pa siya ng mapang-asar t saka idinagdag ang.. "At nga pala, ang liit mo para sa edad mo." Nakalagay kasidun sa job ad ang edad ng magiging boss. Akala ko talaga, isang manang ang magiging amo ko because it stated that the boss is in her 30s.

"Arrrghhhh! Bahala ka nga!" Yosh! Pikon siya oh. At umalis na nga siya sa kusina para hayaan akong maglinis mag-isa.

Kuskos dito, kuskos dun.

Nang matapos akong maglinis sa kusina ay sala naman ang sunod.

Malas talaga iyong jar na iyon, kung hindi ko lang natabig, hindi sana ko katulong sa ngayon sa kabila ng offer niyang magpanggap bilang asawa niya. Gusto ko pa naman sanang ienjoy ang pagiging asawa ni boss. Haha. Ano bang iniisip ko? Erase, erase. Ang dapat kong isipin ay ang maayos na pagtatrabaho para makapag-ipon at maipamukha sa mga magulang ko na kaya ko ang sarili ko.

Siguro dala lang ito ng frustration dahil sa mga pinagsasabi nung mga ugok kong kaibigan. Siguro nga tama sila, naiinggit ako sa kung anong meron sila. Gusto ko rin ng relationship na tatagal, kahit hindi perpekto, basta masaya..at totoo.

Ano kayang pakiramdam nun? Ng gawin ang mga bagay na masarap sa pakiramdam kasama ang taong mahal ko? Iyong hindi ko pagsasawaan, kahit magrolyo ang I love you sa mga bibig namin nang paulit-ulit, at siya lang ang kahalikan ko araw-araw. Parang..

"Aray!" Pucha naman oh! Ang sakiiiiit! Batukan ba naman ako sa ulo? Nagmomoment pa nga ako rito! "Ano bang gusto mo?!" singhal ko at hinarap ko ang amo kong TAMAD. Utos nang utos! Ow, I'm here to serve her gorgeous ass though. Maganda sana, bitter naman.

"Are you out of your sanity? Ayokong makita ang kahalayan mo! Kung gusto mong makipaglaplapan sa pusa ko, tell me and I'll give you privacy!" saad niya na kahit galit ay napakaganda pa rin. Tinalikuran niya ko at agad na umakyat sa taas.

"Aaaaaaahhhh!! Nakakadiri ako! Nakakadiri ako!! Waaaahh!!" Mabilis kong binitawan si Dadoong-ang pusa ni Miss Dara, at agad akong tumakbo sa lababo para magmumog.

Putahamnida! Ganito na ba talaga ako ka desperado na pati pusa hahalayin ko na? Sana sa butler ko na lang ginawa-waahhh! Wag na lang kasi mas masagwa! Ayaw kong halikan si Jjangme hyung no! Hindi ito yaoi. Tsaka mukha siyang dugong, may taste ako kahit papano kung sakali mang mambabakla ako.

Kung kay Miss Dara na lang kaya? Baka paduguin pa nun ang labi ko, wag na lang. Siya pa naman iyong tipong palaban talaga.

Pagkatapos ko magmumog ay pumunta ako sa salas upang tapusin ang paglilinis na ginawa ko kanina bago ako nadatnan ni Miss Dara sa kahihiyang ginawa ko!

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon