[A/N]: Hi kay Potateonnie! ^_^ Medyo natagalan itong update. Laos kasi ang internet dito sa hometown ko haha. Pambihira. Hustisya??
Dara's POV
Kasalukuyan akong abala sa pagrerecheck sa papers na inapruban at nireject ko na naka-mount sa mesa ko nang biglang may kumatok.
"Pasok." Hindi ko na tiningnan kung sino iyon dahil abala ako sa ginagawa ko.
Hinintay kong sumara ang pinto at umupo siya pero mukhang nakatayo lang siya sa harap ko. "Tama na muna ang pagpapayaman, mag-usap naman tayo."
Awtomatikong napaangat ang tingin ko sa lalakeng nasa loob ng opisina ko. "Anong ginagawa mo rito?"
"Masama na bang bumisita ang isang kaibigan?" Prenteng umupo siya sa katapat na upuan ng mesa ko at nagrelax doon.
"Spit it out, alam kong may gusto kang sabihin." Hindi talaga ko makapaniwala na andito siya ngayon. Pinabayaan niya ko noon gaya ng ginawa ng kaibigan niya.
"Kailangan ko pa bang sabihin? Siguro naman alam mong nakabalik na siya." He wiggled his brows that made me irk to slap him.
"Alam ko, sinabi ni Chaelin." Nagoatuloy ako sa ginagawa ko sa bundok ng mga papel sa ibabaw ng mesa ko.
"Nagkita na kayo?" tanong niya na tinanguan ko lang. "Wala ka bang balak puntahan siya?"
Walang tingin-tingin na sinagot ko ang tanong niya. "May dahilan ba para gawin ko iyon?"
"Ganyan na ba talaga katigas ang puso mo?" Ako pa talaga? Why not? Kung ito na lang ang alam kong paraan para makabawi sa pagkalugmok.
"He made me like this, Seungri oppa. Siya ang nang-iwan." His jerk of a friend caused all my miseries.
"Hindi mo man lang ba pakikinggan kung sakaling magpaliwanag siya? Ilang araw na rin siyang nagtatago kay Chaelin mula ng pagdating niya rito at iniisip ka niya." Sandali akong napatigil matapos niyang sabihin iyon at pinakatitigan siya nang maigi. Hinihintay kong sabihin niya na joke lang iyon, o kahit bawiin niya na lang para sa ikapapalagay ko. Pero hindi niya ginawa.
Mariin akong pumikit para pakalmahin ang sarili ko. Hindi na ko apektado. Hindi na pwede. Hindi na. Wala na. Paulit-ulit ang mantra ko sa utak ko bago ako magsalita. "Wala na kong pakialam sa kung anumang tungkol sa kanya ngayon. Gusto mo bang ituro ko pa siya sa puder mo kay Chaelin para mapatunayan ko sayo iyon?"
"May mga bagay na hindi mo alam sa mga nangyari noon."
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Gusto niya bang umasa na naman ako sa wala? "Tama na, pwede ba? Masakit ang nangyari noon, at ayoko ng balikan pa."
"Pero pano kung may dahilan kaya nagawa niya ang lahat sayo noon?" What if. Ang daming what if, pero sa haba ng panahong naghintay ako na baka magkatotoo ang kahit isang what if noon, na baka bumalik din siya, na baka mainit lang ang ulo niya nun, o isang malaking pagsubok lang ang lahat, pero wala, walang nangyari. Iniwan niya pa rin ako at pinagmukhang kawawa.
Nirolyo ko ang mata ko at bumalik sa ginagawa ko. Kahit hindi na ko makapagfocus ng maayos ay nagkunwari ako na busy at desidido s pagbubuklat ng mga folder. "Kahit ano pang dahilan niya, the damage is done. Saka kung talagang mahal niya ko, bakit hinayaan niya kong maging miserable? At ngayong nagiging okay na ko, saka siya babalik? Para ano? Para guluhin ulit ang buhay ko? Para saktan uli ako?"
BINABASA MO ANG
House Husband (ChanDara FF)
Random"Very simple, you'll be my husband and you can claim whatever price you want." Tama bang dinig ko? G-Gusto n-niya kong maging asawa?! Oh no! Bakit hindi niya agad sinabi? Haha. "You said I can claim whatever price I want, right?" tanong ko sa kanya...