19-Night with Her

289 12 2
                                    

[A/N]: Hey! Updated. Haha.

Chanyeol's POV

Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Dara at nag-aayos ng mga gamit ko na kinuha ko mula sa kwarto ko--noon.

Parang blessing in disguise din ang pagdating ni Sanghyun! Akala ko puro kamalasan ang bigay niya sakin.

Anong good memories kaya ang mangyayari dito sa apat na sulok na kwartong ito? Ano ba to, ang dumi na ng utak ko!

"Magtino ka nga Chanyeol. Wag mong isipin yung isa pang malaki maliban sa tenga mo at baka talagang mapatalsik ka dahil sa kababuyan ng utak mo," pagkausap ko sa sarili ko kahit muntanga.

Inosente naman ako dati ah, nalason lang ng mga kaibigan kong ugok na kung anu-ano ang pinanonood at kinikwento. Buti na nga lang wala pa kong nakikita mula mismo sa kanila.

Sampung minuto rin ang lumipas bago ko natapos ang pag-aayos. Kaya lang, parang madadagdagan pa iyon ng ilan pang minuto dahil mukhang kailangan ding linisin ng kwartong to. Ang kalat talaga. Kailan pa siya naging ganito kakalat eh clean-freak nga siya dati? Dahil ba busy siya sa trabaho niya? Pero dati pa naman siyang all-out pagdating dun at ngayon niya lang napabayan to ng ganito.

Sinimulan ko na ang paglilinis.

Pero mabango ang kwarto niya ah. Malawak din. May 'office area' siya sa may right side ng kwarto na para na ngang mini-library sa dami ng bookshelves ng mga libro.

Queen-sized bed ang higaan. Sayang, parang hindi kami magkakalapit nito ng maigi. Hoy! Wag simulang lamunin ng kabastusan ang isipan Chanyeol! Tama, kami siguro ni couch ang magbabonding ngayong magdamag kaya hindi ako dapat mag-assume ng kung anu-ano.

After twenty minutes, at talagang napagod ako, bumaba ako para uminom ng tubig.

Napansin kong dim na ang lights. Naka-off na ang ibang ilaw sa baba. Napansin ko ring wala ng tao sa salas. Tapos na siguro silang mag-usap. Nasan si Dara? Hindi pa naman siya umakyat sa taas.

Habang papunta ako sa kusina, naaninag ko ang isang pigura ng taong kilalang-kilala ko. Memorized ko na ata pati ang anino ng babaeng to eh.

Hindi ko na lang siya inabalang kausapin dahil busy siya sa kakainom ng wine. Hindi rin niya ko napansin. O baka talagang iniignore nya ang presensya ko? Sucklaugh. T_T

Kumuha na lang ako ng pitsel sa ref para makainom na. Kumuha na rin ako ng baso. Habang umiinom ako, narinig ko si Dara na nagsasalita. Dinig na dinig ko iyon dahil bukod sa tahimik ang paligid ay mga tatlong metro lang naman ang layo namin.

"Oh God! Help me~ I need to get the company back from that bitch!" Siguradong si Chaelin noona iyong binabanggit niya, pero pano kay kung malaman niya na ang lahat? Na nagpapanggap lang ang bestfriend niya right from the start to drive her away from someone she loves. "Kailangan ko na ata ng marriage contract sa madaling panahon." Sige lang Dara, kahit bukas na bukas din, pakasal na tayo. Then I'll show her that I don't need that bastard." Si Jiyong ba ang tnutukoy niya? Aigoo. "I don't want my parents to meddle about my own problems." What she doesn't know is that they are already meddling with her life. "Lord! Tulong naman oh?" daing niya. Ang cute niyang magsalita. Sarap isupot. Sana naman masolve na niya ang problema niya. Nagmo-monologue na ang tao oh, parang krung-krung, pero bakit gandang-ganda pa rin ako sa kanya?

Hindi ko na lang siya inabala sa pagrereflect niya. Kausap niya kasi ng masinsinan si Lord. Sana Lord, umayon ang plano niya sa pagkuha ng kanyang kompanya. Naaawa na kasi ako sa tao, lalo na at gusto ko. Lol. Kung makahokage lang!

Pumasok na ulit ako sa kwarto ni Dara at nagbasa ng Health magazine. Ang dami ng reading materials niya. May magazine, novels, at iba pang random books tungkol sa business.

House Husband (ChanDara FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon