CHAPTER XXX

145 8 0
                                    

Chapter XXX : Palacio de Consejo

Huhuhu,, kulto ata ng mga adik sa color white ang mga bampirang ito.

Mula ulo hanggang paa naka white sila. Tapos yung sasakyan namin white din. I'm not against white or something but ,,, waaahhhhh!!! Black ang favorite color ko. Wag nga nila akong idamay sa kapatiran nila para sa kaputian.

Humanda sakin itong si Gray,, pati ako idadamay sa fraternity ek ek nya.

Napatingin ako sa babaeng tibo ata na humalik sa noo ko kanina. Na dahilan para makatulog ako at nang magising e dito na sa white limousine na ito.

Kanina pa sya may kausap sa phone. In a language that i never heard before. Hindi ko mawari kung latin ba, arabic o ilonggo yung salita nya. Tapos panay sulyap sa akin.

Huhuhu!,, sabi na e ,, fan si ate ng The Richman's Daughter ,, uma- Althea ang peg ,, hindi ako si Jade ,, for pete sake!!!

Muli akong sumulyap sa bintana. Masyadong tinted. Wala akong makita sa labas. Natural wala ring nakikita ang mga nasa labas sa loob nito. Kahit pala gumawa ako ng eksena dito sa loob, useless.

Tinignan ko naman ang mga in character sa pagiging alagad ng kaputian na mga kidnaper ko. Ang boring nila. Masyadong tahimik. Di kaya sila mapanisan ng laway nyan?

"Ehem! Ah,, ehh,, kuya,, saan ba tayo pupunta?"

Pabulong na tanong ko sa isa. Kaso hindi ako sinagot. Inulit ko yung tanong dun sa isa pa. Pero dedma lang din.

Ano toh! Mga bingi o pipi ba sila?

Tumahimik na lang ulit ako. Baka naman may pinagdadaanan lang sila. Alam mo na. Ayaw ng may kausap. Hayaan na nga.

May maya pa ay huminto ang sinasakyan namin.

"Bring her first to her room."

Sabi ni ateng alien sa kila kuyang emo. Alien kasi di ko nga maintindihan lenggwahe nya kanina sa kausap nya sa phone. O di ba alien yun.

She gave me a cold look before going out the car.

Katapusan ko na ba???

Tapos nun ay sumunod na rin kaming lumabas. Kung makahawak naman sa braso ko ang men in white wagas. Sa liit kong ito at sa laki nilang yan sa tingin nyo papalag pa ako?

Baka naman malabo na rin mata nila? Grabe!!!

Nawala na sa paningin ko si ateng lesbian alien. Pagbaba namin ng kotse bumungad sa akin ang white house. Ano pa nga bang ineexpect ko na kuta ng kapatiran sa kaputian? Same color ofcourse. Loyal e.

Sino kaya founder nila? Si Redford White o yung White Lady sa balete drive?

Hinila na ako nila kuya papasok sa loob. Para talaga syang white house sa Washington DC.

Hala!,, baka naman si Barrack Obama ang nasa loob nyan at pinuno nila?

Kung ano ano na ang pumapasok na kalokohan sa isip ko. Pero ang totoo kinakabahan na talaga ako.

Pagpasok namin sa loob wala namang katao tao o kabampibampira na makikita. Para syang lobby. May mga ilang upuan sa gilid. Tapos may paikot na hagdan paakyat sa second floor at gayundin sa third floor. Habang tinitingala at iniikot ko ang tingin sa paligid ay may biglang lumitaw na naman na babae sa harap ko.

"ay white lady!!!"

Bulalas ko sa pagkabigla at sabay na napatitig sa kanya.

Ang ganda nya. Para syang anghel.

"Welcome to Palacio de Consejo , Miss Lavender Estrella."

Bati sa akin ng anghel. Pati boses pang heaven e. Pero teka...

"Kilala mo ako?"

Kunot noo kong tanong.

"Ofcourse. Everyone knows you. Everyone should."

Eehhh!!! Ang deep.

Magpa follow up question pa sana ako but she cut me out.

"I think you need to rest now. Let me accompany you to your room."

Nakangiti nyang sabi at nauna nang naglakad sa amin. Muli na naman akong binitbit ng mga kuyang emo. Bibigwasan ko na ang mga ito. Mukha ba akong magtatransform dito? Kung makahawak sa mga braso parang any moment lilipad ako e.

Naku! Pag nag pasa yan mamaya talagang masasaktan kayo sakin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. I looked around the place. Sobrang puti ng paligid. Immaculately pure white as if even by just a touch of your finger tips can leave a mark on it that can tarnish its whiteness.

Walang masyadong mga furnitures. May ilan ilang mga portrait na abstract sa mga dingding. Ang paikot na hagdan paakyat sa second floor iisipin mong stairway to heaven sa mala ulap nitong kulay. Namamangha ako sa bawat hakbang sa baitang nito.

How come a place as heavenly sacred like this is a territory of these monsters? I am expecting a horrible dungeon or hide out or something, yung tipong amoy pa lang pangingilagan mo na.

But this place is way beyond my expectations. I am not that fond of white but the place makes me feel at ease and comfy. I don't know. As if i belonged to this place the angel girl called Palacio de Consejo.

Teka nga! Di ba dapat nagpi freak out na ako dito? Bakit feel na feel ko pa yung amazement ko sa lugar na ito? Waaaahhhhhh!!!

"Here is your room?"

Sabi nung angel. Huminto kami sa isang puting pinto. May iba pa bang kulay dito. Wala di ba.

Binuksan nya ito at pumasok kasunod kami ng men in white sa magkabilang gilid ko. Take note, never nila akong binitawan. Even for a second.

"Pansamantala lang naman itong magiging silid mo. So i hope it's ok with you."

Finally, they let me go. Agad kong tinignan ang mga braso ko. Pasalamat sila at walang pasa.

Then nilibot ko ng tingin ang paligid. As usual white. May isang puting kama sa gitna. As in sa gitna ng room. Napansin kong walang sulok ang kwartong iyon. Parang mini dome. Tiningala ko ang puting kisame na may magandang chandelier sa gitna. Hindi kalakihan. Sakto lang para ilawan ang buong kwarto. May maliit na pinto sa bandang gilid. Marahil yun ang bathroom. Pagkatapos nun wala na. Ni walang bintana. Or anything na pwedeng paglibangan. Kahit man lang sana libro.

Ano to? White Cage? Am i a prison here?

"Ano bang kailangan nyo sa akin?"

Marahas kong tanong sa babae. Wala akong pake kung mukha syang anghel. Sapat na ang mga mata nya ay kulay pula at ang pagdungaw ng mga pangil sa labi nya sa tuwing sya ay magsasalita na mga patunay na katulad rin sya ng mga dumukot sa akin.

She's also a vampire.

Ngumiti ito ng pagkatamis tamis sa akin. Na kabaligtaran ng mukha kong nakabusangot.

Oo na. Sige na. Ikaw na maganda.

It makes me more annoyed how she's so calm and pretty infront of me while i am so terribly nervous to what just happened.

"Malalaman mo rin. But for now, take a good rest first. The orders of the council will meet you later."

Tapos nun tinalikuran na nya ako palabas kasunod ang men in white.

"Teka,, wait,, sandali lang --- "

Napahinto ako kasi napahinto rin sila. Nilingon ako ni angel girl.

"Its nice to meet you, Estrell."

She smiled at me mischievously before going out the room.

Estrell???


TRUE COLORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon